CHAPTER 14: FLOOD HEARTS
"Yes, Aphrodite. Sa motherside."
Namangha ako roon at sinimulan ang pagkikwento tungkol sa mga natutunan ko sa lola niya. Nakikinig naman siya at minsan tumatawa at sinasagot ang mga tanong ko. Halos hindi ko na rin namalayan ang oras. Natigil lang ako nang bumagal na ang pagpapatakbo niya sa kotse dahil malapit na ang bahay namin.
"Thank you ulit sa paghatid, Travis!" maligayang sambit ko bago hinubad ang seatbelt. Napangiti ako nang pagbuksan niya pa ako ng pinto. "Ang gentleman mo talaga, 'no? Salamat ulit!"
"You're always welcome, Aphrodite. See you tomorrow!"
"See you!" sagot ko at kumaway sa kanya. Pinanood ko ang pag-alis ng kotse niya bago ako pumasok.
Binati ako ni Kuya Gino nang makita niya ako. Tinignan ko ang Parking Lot at nakita ko roon ang kotse ni Felix.
Nakauwi na siya?!
Dali-dali akong umakyat at kumatok sa kwarto niya. Nang walang sumagot o nagbukas ay napanguso ako at dumiretso na sa sariling kwarto.
Pagbukas ko ay nanlaki ang mga mata ko nang makitang naroon si Felix. Wala itong suot pang-itaas at black shorts lang sa ibaba habang nakadapa siya, yakap ang isang unan at nagsi-cellphone.
Napalunok ako bago nagsalita. "Nandito ka pala kaya walang sumasagot sa kwarto mo," balita ko sa kanya at inilagay ang bag sa ibabaw ng study table.
Napaahon naman siya mula sa pagkakadapa sa kama ko at nagsuot ng damit. "Hinanap mo 'ko?" may bahid ng ngiting tanong niya at niyakap ang bewang ko nang makalapit sa akin.
Ginantihan ko iyon at napapikit nang halikan niya ang noo ko. "Welcome back! How's School, Aphrodite?
Natawa ako sa bati niya at imbes na punahin iyon ay sinagot ko na lang, "Okay lang. May iki-kwento pala ako..." panimula ko at natawa na agad.
Nakita ko ang pagkunot ng noo at pag ngisi niya. Sinundan pa niya ako sa walk in closet. "Why? What is, Aphrodite?"
"Tungkol sa 'yo!" sagot ko at muling natawa. "Kung ano-anong ginagawa mo sa Instagram! Namigay ka pa ng 1k sa mga magco-comment."
"Paano mo nalaman?" Natawa ako sa inosenteng reaksyon niya.
"Syempre, nakita ko," obvious na sagot ko at huminto sa pagkuha ng damit. "Tinuruan pa kita kung paano mag-off comment tapos 'di mo naman yata nabasa. No'ng tinignan ko ulit, wala na 'yonh account mo. Dinelete mo ba o na-report ka?"
"Dinelete ko. Nakita ko rin sa notification 'yong pangalan mo pero hindi ko na mahanap kasi maraming nagme-message. Nakakabadtrip!"
"Gawa ka na lang ng bago. Gusto mo turuan kita?"
"Of course!" mabilis na sagot niya at lumiwanag ang mukha. "Sure, Aphrodite," ulit pa niya.
Sinundan niya ako palabas ng walk in closet at muling bumalik sa kama ko. Nag-alis ako ng contact lens at make up bago naglinis ng katawan at nagbihis.
"Gusto mo na mag-start?" tanong ko sa kanya pagkalabas ko ng bathroom. Sinuklay ko ang buhoy at hinawakan ang phone sa kabilang kamay.
"I'll dry your hair first," sagot niya at lumapit sa akin.
"Okay lang naman na hindi na," sagot ko pero kinuha na niya ang blower at isinaksak. "Hay, sige na nga!" pagsuko ko at umupo para makapagsimula na siya.
"Tingin mo, bagay sa akin 'yong brown na buhok?" tanong ko sa kanya. Half-day lang kasi ang schedule ko bukas at balak kong pumunta sa salon. "Palagi kasi nilang sinasabi na brown na lang para kaparehas ng kulay ng kilay ko."
"You'll dye your hair? I want it blonde."
"Hindi pwede, e. Brown o black?"
"Hmm, I think it's time to try brown," sagot niya kaya napangiti ako.
"Okay! Magpapakulay ako bukas!"
"Saan?" mabilis na tanong niya at pinatay ang blower. "Samahan na kita."
"Busy ka sa trabaho," dahilan ko at pinanood siyang iligpit ang blower sa drawer.
"Hindi ako busy bukas," sagot niya at isinarado iyon. "Sasamahan kita. Anong oras ba?"
"Kahit after lunch na lang."
"Okay. Susunduin kita. Sa labas na rin tayo kakain ng lunch."
"Sure ka?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo. Tara na, turuan mo na 'ko," pagpalit niya ng usapan at muling dumapa sa kama. Tumabi ako sa kanya at binuksan iyong sarili kong phone bago siya tinuruan.
"Gusto mo bang i-private ang account mo?" tanong ko sa kanya nang makagawa na ng account niya.
Nalagyan niya na rin iyon ng profile picture niya. Iyong gaya lang sa dinelete niyang account kanina.
"Private? Anong silbi no'n?" kunot-noong aniya.
"Para mga followers mo lang makakakita ng post mo. Tapos hindi ka rin basta-bastang ma-follow ng iba hangga't 'di mo ina-approve."
"Gano'n din ba sa 'yo?"
"Naka-public ako."
"Make it public, then," sagot niya kaya tumango na ako at ibinigay sa kanya ang phone niya.
"Pwede ka nang mag-post at mag-follow ng mga gusto mo."
"Hmm, okay," sagot niya at nagtipa. Pinanood ko siyang ilagay ang pangalan ko sa search bar.
"Ako talaga inuna mo?" natatawang tanong ko sa kanya.
"Kaya i-follow mo rin ako agad, Aphrodite!"
"Oo na! Nakakahiya naman sa 'yo," biro ko at sinunod ang sinabi niya. Napatingin ulit ako sa kanya nang makita ang notification na nag-heart siya sa mga post ko.
"Flood hearts ka pa! Tama na 'yan," puna ko at napangiwi nang makita niya iyong mga dati kong paiting.
"You really like to paint, huh?"
"Oo, 'yan lang naman pinagkakaabalahan ko dati kapag wala ang pamilya mo rito," paliwanag ko.
Napatingin ako sa kanya nang bumaling siya sa akin. "What do you mean?"
"Kapag busy sina mommy at daddy sa trabaho tapos si Clyde, may lakad sila ng girlfriend niya o may sleepover sila ng barkada niya, naiiwan ako rito."
Nakita ko ang pagdaan ng awa sa mga mata niya. Ngumiti ako at mabilis na tinuyo ang naluluhang mga mata.
"It's okay. I'm here now. 'Di ka na maiiwan nang mag-isa," sagot niya dahilan para matunaw ang puso ko.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
RomanceAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...