CHAPTER 17: CHANCE TO SAY 'NO'
"Mommy, feeling mo magugustuhan po ito ni Clyde?" tanong ko habang sinusuri ang isang sapatos na Nike. May kamahalan pero mahilig mangolekta ng mga ganito si Clyde kaya pagkakagastusan ko na. Kapag naman kasi kami ang may birthday ay ini-spoil niya rin kami.
"I think so! You know how he loves basketball, hija! He can surely use that too," masayang sagot niya at humalakhak pa bago lumayo sa akin para maghanap ng iba pang ipanre-regalo sa bunso niya.
Napangiti ako at hinaplos iyon nang biglang may kumuha! Napaayos ako ng tayo at kaagad na sinundan iyon. Gano'n na lang ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang bumungad sa akin ang pamilyar na mukha.
Si Felix. Nakasuot pa ito ng tipikal na business suit kaya alam kong galing siya sa trabaho. Hindi ko lang alam kung bakit nandito siya. Wala kasi siya kanina sa bahay kaya kaming dalawa lang ni mommy ang lumabas para mamili.
Ibinaba ko ang tingin sa sapatos na hawak niya nang tumagal ang titig niya sa akin. Nitong mga nakaraang araw ay bihira ko na lang siyang makita dahil palagi siyang gabi na kung umuwi. Pakiramdam ko, iniiwasan niya ako kaya iiwas na lang din ako.
"Bibilhin mo ba 'yan? Kapag hindi, ibigay mo na lang sa akin. 'Yan kasi sana ang ipanreregalo ko kay Clyde," mahinahong sambit ko bago ako tumalikod sa kanya at nilapitan si mommy para ibalita ang presensya ni Felix.
"Mommy, nandito po si Felix."
Nakita ko ang mabilis na paglingon niya sa akin at pagliwanag ng mukha niya. Na-miss niya rin siguro ang panganay na anak niya. "Really? Where is he?" mabilis na tanong niya at sinundan ako.
Napangiti ako nang magbatian sila at niyakap pa siya ni mommy. Kaso, kaagad din akong nag-iwas ng tingin dahil nakatitig na naman siya sa akin.
"I'm here to buy a gift for Clyde too," paliwanag niya sa ina bago ibinalik ang tingin sa akin.
Bakit ba tingin siya nang tingin? May dumi ba ako sa mukha? Magulo ba ang buhok ko?
Inayos ko ang sarili at napatingin kay mommy nang hawakan niya ang braso ng anak dahilan para maputol ang pagtititigan namin ni Felix. "That's great! Have you eaten dinner? Sumabay ka na sa amin ni Aphrodite mamaya."
Muli akong binalingan ni Felix at nakita ko ang ngisi niya bago siya tumango. "Sure, mom!"
"Aphrodite, have you decided what to buy?"
Nilihis ko ang tingin kay mommy nang tawagin niya ako at mabilis na umiling. "Hindi pa po, mommy. Magtitingin pa po ako," paliwanag ko bago ako nagpaalam sa kanila at bumalik sa pwesto kanina.
Mga naka-sale kasi iyon. Wala naman akong budget para sa mga bagong labas na design kaya rito na lang. Sayang nga at nakuha na ni Felix iyong nagustuhan ko kanina.
Muli akong yumuko para tignan ang iba pang disensyo. Nang biglang may pamilyar na brasong nagbalik ng gusto kong bilhin na sapatos sa pwesto nito kanina. Umayos ako ng tayo at kaagad na nilingon si Felix dahil alam kong siya iyon base sa pabango niya. Pero agad akong nag-iwas ng tingin dahil ang lapit niya sa akin.
"You can have this. I'll buy another one," aniya kaya mapatango ako at muling kinuha iyon bago pa maagaw na naman ng iba.
"Uh, may sasabihin ka pa ba?" nahihiyang tanong ko sa kanya nang manatili siya sa gilid ko.
Nakayuko pa rin siya ng kaunti at nakasandal ang kamay niya sa bakanteng lalagyan ng sapatos. Hindi ako komportable dahil nararamdaman ko pa ang hininga niya sa tenga ko dahil sa pwesto niya.
"I missed you," bulong niya dahilan para mapalunok ako ng mariin. Halos hindi ako huminga hanggang sa umayos siya ng tayo at sa wakas ay lumayo sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/377229169-288-k529499.jpg)
BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
Roman d'amourAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...