CHAPTER 10: TAKE CARE OF YOU
Hindi ko alam ang gagawin ko kinabukasan. Halos hindi ako nakatulog dahil sa sinabi ni Felix.
Kinuha ko ang bag ko bago ako dahan-dahang bumaba. Maaga pa. Alas singko pero nakabihis at nakaayos na ako. Hangga't maaari ay gusto kong sundin ang gusto ni Felix. Para rin naman sa amin iyon.
"Ma'am, ang aga niyo naman po?" si Ate Gina lang pala. Muntik na akong malaglag sa hagdan dahil sa gulat.
"Opo. May kailangan kasing asukasuhin sa School," dahilan ko at tumingin sa paligid bago lumapit sa kanya at bumulong. "Gising na po ba si Felix?"
"Hindi pa naman po, ma'am. Magpapahatid ka ba sa kanya?"
"Hindi po!" mabilis na sagot ko. "Kakain na ako at magpapahatid na kay Kuya Tino."
"Sige, ma'am! Ipaghahanda na kita. Ano bang gusto mo ngayon?"
Binilisan ko ang pagkain ko na para bang may hinahabol. Nag-mouth care muna ako at nagsuot ng contact lens bago lumabas at magpahatid sa driver gaya ng plano. Nag-text na lang ako kay Clyde na nauuna na ako. Pati kina mommy at daddy, nagpaalam akong maagang aalis.
"Okay lang po ba kayo, ma'am? Pansin kong panay ang pagbuntong hininga mo," tanong ni Kuya Tino.
Mabilis akong tumango at umayos ng upo. "Medyo nakaka-stress po kasi 'yong mga subject namin," pagdadahilan ko.
"Kaya mo 'yan, ma'am!"
Ngumiti ako sa kanya at inalis na sa isip ko si Felix at ang mga sinabi niya kagabi. Pero pagdating ko sa School, ginugulo pa rin niya ang isip ko. Halos hindi ako makapag-focus.
"Ms. Saavedra, are you with us?!"
"Aphrodite!"
Bumalik ako sa sarili nang maramdaman ang pagtapik sa akin ng katabi.
"Get out of my class, Ms. Saavedra!" sigaw na ng terror professor namin ang sunod kong narinig.
"S-sorry po. Masama kasi ang pakiramdam ko."
"E 'di sana 'di ka na pumasok! Ginugulo mo ang klase ko!" sigaw niya sa akin.
Nakita ko ang pagkagulat ng iba at ang ilan ay tumawa pa. Huminga ako ng malalim at dinala na ang mga gamit ko.
"Oh, bakit nasa labas ka?" si Clyde na nakasalubong ko pala, hindi ko man masyadong napansin.
"Pinalabas. Ikaw? Parang palagi ka na lang nasa labas," tanong ko sa kanya.
"Nag-CR lang!" Humalakhak siya at sumilip pa sa pinto ng classroom namin. May pahaba kasing salamin sa taas no'n kaya kita sa loob. "First time mong mapalabas, ah? Tapos sa kanya pa? Lagot ka!"
"Masama kasi ang pakiramdam ko," dahilan ko at bumuntonghininga.
Napakurap ako nang ilagay niya ang likod ng palad niya sa noo ko. "'Di ka naman nilalagnat," aniya.
"Masakit ang ulo ko. Sa Clinic muna ako," paalam ko sa kanya.
Itinulog ko na lang ang mga natitirang oras para sa subject namin na iyon. Mas lalo lang kasing sumasakit ang ulo ko kung i-stress-in ko ang sarili sa pag-ooverthink.
"Ms. Saavedra!"
Palabas na ako ng University namin nang marinig ang boses ni Travis. Mabilis kong hinanap ang pinaggalingan no'n at simpleng napangiti nang makita siyang nakangiti sa akin. "Hi, sir!" bati ko sa kanya dahil pormal din ang ipinangtawag niya sa akin.
"Pauwi ka na?"
"Opo. Sa labas ko na lang hihintayin 'yong driver namin."
Mas lalong lumawak ang ngiti niya. "Speaking of driver, Felix asked me a favor to drive you home. Sabi pa niya masama ang pakiramdam mo. Okay ka na ba?"
BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
RomansaAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...