Chapter 16

168 4 0
                                    

CHAPTER 16: SELOS

Naligo ako, nagbihis at nag-ayos nang matapos kumain. Paalis na ako ng kwarto nang tumawag sa akin si Travis.

"Good morning, Aphrodite!"

Napangiti ako dahil sa bati niya. "Good morning din!"

"Can I know if nakaalis ka na?"

"Sa bahay?" litong tanong ko. "Paalis pa lang ako, e. Bakit?"

"Susunduin sana kita. If okay lang sa 'yo."

Bigla kong naalala si Felix. Ang sabi niya ihahatid niya ako. Pero baka busy siya? Pwede naman akong magpahatid kay Travis. "May maghahatid na kasi sa akin, Travis. Pero para sure, ask ko muna siya kung maihahatid niya ako o magpapasundo na lang ako sa 'yo."

"Sure! Just text me your answer, Aphrodite."

"Sige! By the way, nag-breakfast ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"I'm on my way for drive thru."

"Ah! Okay, eatwell! Ask ko na lang si Felix tapos text kita."

"Sure, Aphrodite. Thank you," marahan pa ring sambit niya bago nagpaalam. Ang sweet niya talaga kahit kailan!

Sinigurado kong maayos na ang itsura at mga gamit ko bago lumabas. "Felix!" tawag ko nang kumatok ako sa pinto niya.

Nakailang katok pa ako bago niya ako pinagbuksan. "What?!" iritado pa rin siya kaya napanguso ako.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko imbes na sabayan ang inis niya. "Bakit galit ka na naman? May problema ba?"

Naka-tatlong tanong na ako pero nanatili lang siyang nakatitig lang sa akin. Walang ka-emo-emosyon sa mga mata niya.

"Felix? Sabihin mo naman sa akin para alam ko kung sa akin ka galit o dahil sa trabaho. Ayaw kong ganito na naman tayo," pakiusap ko.

Umigting ang panga niya. Tumalikod at marahas na sinuklay ang sarili niyang buhok. "I'm..." panimula niya at huminga siya ng malalim bago ako hinarap ulit. "Tangina! Pinipilit ko namang 'wag magselos, Aphrodite!"

Napakurap ako at napayuko nang tignan niya ako gamit ang nanunubig, nasasaktan at galit niyang mga mata.

"Pero, tangina, hindi ko mapigilan! Nagpapaalam lagi si Travis sa akin kung pwede ka niyang sunduin o ihatid. Gusto kong ako 'yong gagawa no'n pero anong magagawa ko, siya 'yong gusto mo?"

Ngumisi pa siya nang hindi ako makasagot agad. "Gano'n ba 'yong tipo mo? Kaya ko naman ring maging gano'n, Aphrodite. Kaya ko namang maging mabait sa 'yo, kaya kitang pagsilbihan, kaya kitang pasayahin..." pahina nang pahina ang boses niya. "...kaya rin kitang respetuhin kahit na sa bawat oras na kasama kita, gustong-gusto kong halikan ka."

Nanubig ang mga mata ko nang maramdaman ang kirot ng dibdib ko. "Tangina! Ayaw ko nang ganito. 'Wag ka nang iiyak. Mas ginagalit mo ako."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Pero hindi ko napigilang humikbi. Nasasaktan ako sa sinabi niya.

"Sige na, alis na, Aphrodite," mas naging mahinahon ang boses niya. "Baka parating na si Travis."

"Sige na, okay lang ako. Makakahanap din ako ng iba," pagpupumilit niya at hinawakan ang balikat ko. Marahan pero pwersahan niya akong ipinatalikod sa kanya at itinulak palabas ng kwarto niya.

Nang makalabas ay kaagad niyang isinarado ang pinto niya. Napaluhod ako dahil sa panghihina at napahawak sa dibdib. Ang bilis ng tibok nito pero masakit. Halos hindi na ako makahinga.

Narinig ko ang pagtunog ng phone ko. Humikbi ako bago sagutin iyon. "Nandito na ako, Aphrodite. Sabi ni Felix ako na raw ang maghahatid sa 'yo. Ready ka na ba?"

Billionaire's Sinful ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon