CHAPTER 18: DIRTY SECRET
WARNING: SPG!
Pagkauwi namin ni mommy ay naroon na ang kotse ni Felix sa Parking Lot kaya alam kong nauna siyang nakarating kaysa sa amin.
"Ako na po, ma'am!" ani Kuya Tino nang subukan kong tumulong sa pagbitbit ng mga pinamili namin.
"Let them, hija. You can now go to your room," utos ni mommy kaya hinalikan ko na siya sa pisngi at niyakap bago nagpaalam.
Masakit na ang paa ko nang makaakyat ako sa pangalawang palapag. Mataas kasi ang sapatos na naisuot ko ngayon at ilang oras din kaming naglakad-lakad sa Mall.
Pagbukas ko ng kwarto ko ay napaawang ang labi ko nang makita roon si Felix. Pakadapa siyang nakahiga sa kama ko. Bigla akong nakaramdam ng pagkirot sa dibdib ko. Ilang araw ko rin siyang hindi nakita kaya ilang araw rin niya akong hindi inasar.
"Bakit ka nandito?" tanong ko at isinarado na ang pinto ko nang makapasok. Umupo ako sa harap ng study table at inalis na ang heels.
"I said, I missed you," masungit na sagot niya at nang tignan ko siya ay nakatagilid na siya ng higa at yakap pa ang unan ko.
"Hindi mo na ako iiwasan? Dito ka na matutulog ulit?" magkasunod na tanong ko dahil hindi niya ako sinasagot.
"Felix!" tawag ko sa kanya nang hindi niya ako pansinin.
Naubos ang pasensya ko kaya tumayo na ako. Pupunta na sana ako ng bathroom nang bigla siyang bumangon at hinigit ako papunta sa kama ko.
"Ano ba?!" Hinampas ko ang braso niya dahil sa pagkabigla pero tamihik lang niya akong niyakap.
"I missed you so bad," pagod na saad niya kaya napayuko at inirelax na ang katawan sa bisig niya. "I tried dating girls, baby. But it's still you who I wanted to be with."
"Sorry..." iyon lang ang nasabi ko bago ako nag-angat ng tingin sa kanya. Naabutan kong nakapikit siya. Pagod siguro dahil galing pa siyang trabaho.
Inangat ko ang katawan ko. Humigpit naman ang kapit niya sa bewang ko. "Matulog ka na," narahang sambit ko at sinuklay ang buhok niya.
Halos maduling na ako sa pagtitig sa kanya nang bumukas ang namumungay ng mga mata niya. "You're letting me sleep here?"
Lumayo ako ng kaunti at mabuti na lang ay hinayaan niya ako. "Kung gusto mo lang, pwede naman."
Nakita ko ang pag-angat ng sulok ng labi niya kaya napanguso agad ako. "Pumunta ka na nga sa kwarto mo!" pagpalit ko ng sagot at bago pa ako tuluyang humiwalay sa kanya ay kinabig niya ang batok ko.
Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko inasahan ang biglaang paghalik niya sa akin pero kaagad din iyong inaantok at pumikit nang masuyo niyang igalaw ang labi niya. Nakakapanghina!
Kinagat niya ang pang-ibabang labi ko at ilang ulit na sinupsop iyon bago niya ipinasok ang dila sa bibig ko. "Felix..." tawag ko sa kanya gamit ang senswal na boses na kumawala sa bibig ko.
Mahigpit akong napakapit sa braso niya at nanghihinang pinigilan siya nang maramdaman ko ang likod sa kama. Iminulat ko ang namumungay na mga mata nang pumaibabaw siya sa akin pero napapikit ako ulit nang haplusin niya ang hita ko.
Munti akong napaungol at umangat ang hita ko dahil sa kiliti. "Felix, please?" bulong ko sa pagitan ng paghalik niya sa akin. Napakapit ako sa kanang kamay niyang humahaplos taas-baba sa hita ko.
"Please what, baby?"
Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil hindi ko alam kung alin sa dalawa ang gusto kong gawin niya. Ang magpatuloy at haplusin ang gitna ng hita ko o ang patigilin siya.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
RomanceAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...