Chapter 06

256 6 0
                                    

CHAPTER 06: SORRY

Kinilabutan ako at nalaglag ang panga ko nang maabutan na ang ingay ng babae ay nasa kwarto ni Felix. Nakabukas kasi ng kaunti ang pinto kaya naririnig iyon sa labas. Nanginginig ang kamay kong inabot iyon para isarado.

Nakakainis! Bakit kailangang marinig ko pa iyon?

Gutom ako nang bumaba pero halos wala akong gana nang kumain. "Ma'am, hindi niyo po ba nagustuhan ang luto ko?" nag-aalalang tanong ni Ate Gina nang makita ang tirang pagkain sa plato ko nang tumayo na ako.

"Hindi po. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko kaya wala akong gana," paliwanag ko at nagpaumanhin na gano'n ang inisip niya dahil sa akto ko.

Nag-angat ako ng tingin nang makasalubong ko sila. Si Felix at 'yong kasama niyang magandang babae na nakasuot ng oversize t-shirt. 'Di ko alam kung may suot siyang pang-ibaba dahil hindi ko naman makita.

Napalunok ako nang may maramdamang bara sa lalamunan ko nang makitang hawak ng babae ang braso ni Felix na may tattoo.

Tumakbo ako paakyat para mabilis na makaalis sa harapan nila. Nakakainis! Naiirtita ako ng sobra kay Felix! Bakit pinakita na naman niya sa akin ang tattoo niya? Alam naman na niyang takot ako roon, e!

Niyakap ko ang isang unan at doon umiyak. Wala akong naririg na putok ng baril, hindi bumalik ang detalyadong pangyayari sa isip ko pero ang sikip-sikip ng dibdib ko. Nasasaktan ako ng sobra! Katulad noon.

Mas lalo kong isiniksik ang mukha sa unan nang marinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Naramdaman kong lumipit siya sa akin at nakumpirma kong si Felix iyon nang maamoy ang pamilyar na bango niya.

"Aphrodite, I'm sorry," malambing ang boses niya.

"Umalis ka rito! Naiinis ako sa 'yo!" sigaw ko sa gitna ng mga hikbi.

"I'm sorry. I'm wearing a longsleeves now," masuyong aniya at hinawakan ang kamay ko pero mabilis ko iyong binawi.

"Hey," tawag niya nang ibaling ko sa kabilang dako ang mukha ko.

"Lumabas ka na! 'Di kita kailangan!" pagtataboy ko sa kanya.

Tumahimik siya pero hindi ko narinig ang paglalakad niya palabas. Nandito pa rin siya. Kinalma ko ang sarili at pinahid na ang mga luha.

"Felix, narinig kong may nangyari sa inyo no'ng babae. Meron ba talaga?" tanong ko sa gitna ng mga hikbi.

"Yeah. I fucked her," walang emosyong sagot niya.

Muling kumirot ang dibdib ko. Hindi man lang niya tinaggi!

"I'm jealous. So fucking jealous of you and my brother. Sex is my stress reliever, Aphrodite," seryosong paliwanag niya.

"Okay," tangging sagot ko at napatingin sa kanya nang lumipat siya sa pwesto ko.

"I'm sorry, I hurt you," tunog sinsero iyon kaya tumango na ako.

"'Wag mo nang uulitin 'yon," mariing utos ko sa kanya.

Tumango siya at inabot ang pisngi ko. Napapikit ako saglit nang pahirin niya ang luha ko roon. "Alright, don't cry now. I'm planning to laser remove it."

"'Wag ka na ring magpapakita sa akin na may kasama kang ibang babae," dagdag ko.

Napaawang saglit ang labi niya pero may nagpakita ring ngisi. "Why? Are you jealous?"

"Nandidiri ako," mariing sagot ko dahilan para unti-unti ring mabura ang ngisi niya.

Masama ang pakiramdam ko sa buong gabing iyon. Parang ayaw ko nang lumabas at makita ulit si Felix.

Billionaire's Sinful ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon