Chapter 1: The First Talk

44 2 0
                                    

*ALTHEA ROMUALDEZ -- POV*

Ilalagay ko na sana yung earphones ko, para makinig ng kung ano-anong kanta, sa tenga ko ng biglang may tumabi sa akin at nagsalita, "Mahilig ka pala sa adventure time?" Sabi niya sa akin habang nakatingin lang sa cellphone ko tapos bigla siyang tumingin sa akin ng naka ngiti.

Una hindi ko pa alam yung pinagsasabi niya kaya bigla siyang natawa dahil sa naguguluhan kong
facial expression..

Hanggang sa kinuha nalang niya yung isang dulo ng earphones na hawak ko at yung cellphone ko.

Wala na talaga akong nagawa dahil you know I was shocked kaya..

Tapos kinalikot kalikot na niya yung playlist ko hanggang sa parang may nakita siyang mga familiar songs, "Mahilig ka pala sa korean boy band songs.. Anong favorite mong korean boy band?" Sabi niya sa akin habang
nangangalikot pa rin ng mga music.

"Uhmm.. Fall Out.." sabi ko lang sa kanya. Hindi naman kasi ako sanay na kinakausap ako ng lalaking ito eh.

Bigla siyang napatingin sa akin na nakatawa, "Wow, parehas pala tayo. Ako rin kasi mahilig sa korean songs and isa sa favorite ko yung mga kanta ng Fall Out."

Ako naman nakatingin lang sa kanya habang sinasabi niya yun. -_- ???

Ang weird lang kasi eh, kalalaki niyang tao tapos parang lalaking lalaki at gwapo at cute pa siya tapos may idol siyang boy band???

What the fudge!? Is he.. !??

"OH bakit ganyan ka makatingin?" Tanong niya na parang naguguluhan din sa akin.

Habang ako nakatitig lang talaga sa kanya.. --__--??

"Ahh.. parang alam ko na yang nasa isip mo," sabi niya na parang nakasagot ng napakahirap na puzzle
piece. "Pero don't get me wrong ha, kasi hindi ako bakla. Hindi naman porket may idol akong boy band bakla na ako. Hindi ba pwedeng gusto ko lang talaga mga kanta nila?? Hahahah!"

Tawa lang talaga siya ng tawa nun habang ako NR lang at napapaisip.

Yuhoooo... Okay ka lang???

Kasi naman .. as in .. ngayon lang niya akong pinansin. Tignan niyo naman simula first year college classmate ko na siya at kung kailan third year na kami at hindi ko na siya classmate (nashuffle kasi kami) dun niya akong naisipan kausapin..

Ano kayang pumasok sa utak nitong lalaking ito??

At isa pang nakakagulat, ang lalaki lang naman na nasa harap ko ay nagngangalang -- Iñigo dela Vega --ang isa sa pinakasikat na guy dito sa school namin kaya as in nagulat ako.. I was shocked ya know.

Okay, Describe Iñigo dela Vega:

-matalino
-matangos ang ilong
-brown hair
-moreno
-team captain ng varsity ng soccer team sa university namin

-- He is THE Complete Gentlemen
... as in mapapakanta ka ng (girl version) Nasayo na ang lahat...

BASTA CUTE SIYA.. PERIOD
NO QUESTIONS ASK..
.....
....
....
....
....

Whaaaaaa...
Ano ba tong pinag-iisip ko!?!??!?!
Erase.. erase .. erase.. (sinampal ko yung sarili ko sa utak ko para matauhan)
Calma... calma..calmaa..
Okay.. back to reality Althea..

*IÑIGO DELA VEGA -- POV*

WHEEEW....
Hindi naman pala mahirap kausapin itong isang toh eh... at may pag-uusapan naman pala kami..

Ang kaso lang... DYAHE NAMAN ... unang pag-uusap nga namin ito at pinag kamalan pa akong...

BAKLA!!!??!!

Bigla ulit siyang nagsalita kaya tumigil na akong tumawa.

"Teka nga lang, ano bang ginagawa mo dito ha?" Tanong ni Althea na halatang naiirita na takang taka.

Patay.. ano kayang isasagot koo?!?!??!
Uhmmmmm...?!?!
Think Iñigo.. think..
Buti nalang bigla akon may nakita at naalala..

"Uhmmm.. hindi ba dapat ikaw yung tinatanong ko niyan??" Sabi ko sa kanya nahalata sa tono ko na nang iinis.

Pero tama ba tong ginagawa ko??
Tama kaya yung sinagot ko sa kanya??
Tama ba na inisin ko nalang siya??

Pero nakapagdesisyon na ako... na

.....
.....
.....

KUKULITIN AT IINISIN KO nalang siya.. atleast sa paraan na yun mapapansin niya ako at makakausap ko siya..

Pagkasabi ko nun tinuro ko yung bag ko na nasa tabi niya (hindi niya siguro napansin na nandun yung bag ko) at tinuro ko rin yung soccer field na pinagprapractisan namin.

Pagkatapos ko sabihin at gawin ang mga yun, tumayo kaagad siya -- na halatang nainis at nahiya-- at inirapan ako at saka naglakad papalayo.

Nakatingin lang ako sa kanya na kahit ganun masaya pa rin ako na nakausap ko siya.

"Huy Iñigo! Anong tinatawa-tawa mo diyan? Para kang sira... Tara na nga lang, tawag na tayo ni coach .. magprapractice na daw ulit tayo." Sabi sa akin ni Walter.

Hindi ko nalang siya pinansin at pumunta na rin sa field.

Habang naglalakad ako, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga nangyari..

Masaya ako na nakausap ko na rin siya..

Gustong gusto kong sabihin sa sarili ko na...

Sa wakas Iñigo, nagkaroon ka na rin ng pagkakataon at lakas ng loob...

What my heart wants to sayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon