*ALTHEA ROMUALDEZ -- POV*
"Althea, magkita nalang tayo sa room namin mamaya ha?" sabi ni Abby. Siya yung President namin sa UNO party list and graduating students na siya. Kapag pala nakipag-usap ka sa iba hindi na rin naman pala masama lalo na kapag katulad nitong si Abby ang bait pala.
"Sige, punta nalang ako after, salamat," sabi ko kay Abby.
"Ok, see you." sabi lang niya tapos umalis na siya.
Nandito ako ngayon sa may classroom namin at hinihintay ko si Stephen na bumalik galing sa faculty room may inutos daw kasi yung coach nila sa basketball sa kanya eh. Nagpapasama kasi siya sa library.. may kailangan daw siyang hanapin at since halos alam ko na daw lahat ng mga libro dun pinapahanap niya sa akin yung librong yun.
Ang tagal naman si Stephen may gagawin pa ako eh..
Tinignan ko yung watch ko at mga naka more than twenty minutes na wala pa rin siya. Eh kailangan ko ng umalis eh .. may meeting pa kami kung anong gagawin namin sa platform namin.. Kaya nagdecide na ako na hanapin nalang siya kasi kung maghihintay pa ako hanggang mamaya dito baka wala lang mangyari sa kahihintay ko dito baka nga nalimutan na pala niya.. Hay naku..
Lumabas na ako ng room namin at naglakad papunta sa faculty room.. nagbabakasakali na makasalubong ko si Stephen. Habang naglalakad ako, unti - unti kong napapansin yung mga posters na nakadikit sa mga pader. Parang sakop na yata ng mga posters namin yung buong pader ng university eh.. halos hindi mo na makita yung kulay ng pader.. Sino kayang kalaban ko sa election?? Hmm? hindi ko kasi masyadong pinapansin yung mga posters kasi ayaw ko makita yung mukha ko dun eh.. mamaya may nakadikit pala dun na mukha ko..
Nung malapit na ako sa may faculty room sakto naman palabas na si Stephen. "Hoy Stephen, bakit ang tagal mo naman yata?" tanong ko agad.
"Ang dami kasing binilin sa akin ni coach eh .. sabi ko naman ako ng bahala kaya lang ayaw pang maniwala sa akin.." sabi niya habang halata na parang napagsabihan siya ng coach nila sa basketball.
"Baka naman may ginawa kang kalokohan, ha?" tanong ko sa kanya habang nakacross arms ako na sumisingkit yung mata ko kumbaga yung parang naghihinala look.. -_-
"Wala nuh, may binilin lang talaga about dun sa laban naming next week.. yun lang talaga at wala pa akong ginagawang kalokohan as of now.." sabi niya lang sa akin.. Defensive?? haha..
"Sige na sige na.. tara na may pupuntahan pa ako eh." sabi ko lang habang ready to walk na ako. Sumunod naman agad sa akin si Stephen sa paglalakad papuntang library.
Nung nasa library na kami tinanong ko na kay Stephen kung anong libro ba yung hinahanap niya para matapos na to, "Stephen, ano bang libro yun?" tanong ko.
Si Stephen naman parang nag-iisip pa halatang nalimutan kung anong title ng librong hinahanap niya. "Uhmm, saglit tignan ko lang," sabi niya habang may kinakalkal sa bag niya. "Ay, nalimutan ko yata sa room namin .. saglit .. babalikan ko lang .. hehe," sabay kamot ng ulo at bigla nang lumabas ng library. Eto talagang si Stephen... hindi ko alam kung paano naging isa sa top to eh...
Habang naghihintay ako naghanap hanap nalang ako ng bagong mga libro na mababasa ko. Naupo nalang ako sa the usual sit ko at nagbasa na ako nang nahanap kong libro. Habang nagbabasa ako ng tahimik dito bigla naman akong may narinig na nagbubulungan na mga babae .. tatlo siguro sila.
Gusto ko sanang sabihin sa kanila .. Library to mga girls , hindi chatting area.. ang lapit kaya nila sa akin kaya rinig ko yung mga pinaguusapan nila kahit mahina lang. Kaya lang syempre, nahiya naman ako noh.. napagalitan din kaya ako dati dahil dun sa mokong na Iñigo yun .. Sana nalang marinig sila ng librarian .. HAHAHA! Sama ko lang..

BINABASA MO ANG
What my heart wants to say
Teen FictionWhat do your heart wants to say?? ^__^ --- Credits for the owner of these pictures!! ^^^^