Chapter 2: Friend Request

32 1 0
                                    

*ALTHEA ROMUALDEZ -- POV*

Hay sa wakas nakauwi na rin ako...

Feeling ko super haba ng araw na to..

Buisit kasi na Iñigo na yun eh!! Urgggggh!

Pero bahala siya sa buhay niya baka wala lang magawa yun kanina.

Hinding - hindi na ako pupunta dun sa soccer field na yun baka makita ko nanaman yun.. >_<  ...

Pumunta nalang ako sa kitchen para uminom ng malamig na tubig kasi feeling ko ang init init na ng ulo ko dahil sa Iñigong yun.. -_-#

"Manang Mercy, nandyan na po ba sila mommy and daddy?" Tanong ko kay manang.

"Ah wala pa iha, may dinner daw sila kasama ng Rotary Club ng Makati," sabi ni manang habang may ginagawa.

"Ay, manang dito po pala matutulog si Piper ng one week kasi po daw may business trip sila auntie sa L.A tapos pwedeng paluto na rin po ng makakain kasi alam niyo naman dito ulit makikikain si stephen," sabi ko kay manang.

"Ay oo nga, nasabi nga ni madam sa akin kanina na dito na rin kakain si Stephen kasi nasa party rin daw parents niya," biglang naalala ni manang.

"Sige po manang akyat na po ako para makaligo na po muna," sabi ko kay manang saka ako umakyat sa kwarto ko.

================================

*knock knock*

"Teyang, andito na si Pipay," sabi ni manang.

"Sige po, sunod nalang po ako," sabi ko habang nagsusuklay na buhok.

Pagkatapos ko magsuklay bumaba na ako tyaka ko nakita si Piper na nasa may living room na may kausap sa phone.

"Oh sige sa saturday nalang , 11 pm ha! Nasama na kita sa guest list." Sabi ni Piper sa kung sino man yung kausap niya.

"Oh Teyang nanjan ka na pala.. oh ano sama ka sa saturday? Sama na kita sa guest list," sabi ni Piper sa akin.

"Ano ka ba, alam mo naman na ayaw ko sa mga ganyan.. kayo nalang basta ako magbabasa nalang dito sa bahay," sabi ko sa kanya.

"Hay nako whats new! Sige na nga kain nalang tayo," sabi nalang ni Piper habang papunta na kami si dining.

"Ay oo nga pala, hindi mo ba kasabay si Stephen na pumunta dito?" Tanong ko kay Piper. "Hindi ko rin kasi nakita si Stephen sa school kanina eh."

"Ah yun, malay ko ba dun," sabi ni Piper habang painom na.

"Woooohhhh, andito na ko.. Hi manang Mercy lab yu!" Sabi bigla ni Stephen na dumadagundong papunta sa dining room.

Hay naku, heto na yung walking disaster... Stephen Gueverra. Paano naman kasi lahat ng nadadaanan niya natatangko niya. Pero kahit na ganyan yang si Stephen wala talaga akong masasabi sa ugali niyan dahil sobrang bait, caring, magalang, funny at higit sa lahat CUTE na GWAPO. Hindi ko expect na magiging ganito kagwapo yung kababata kong iyak lang ng iyak dati.
*maputi, medyo singkit, matangkad, matangos ang ilong, brown yung mata, sporty basta yun end of description*

"Ayan na pala yung hinahanap mo eh," sabi ni Piper.

"Hoy,hoy, ano sa tingin mo yang ginagawa mo?" Sabi ko kay Stephen habang tinuturo ko yung ginagawa niya.

"Teyang, ganun na ba talaga kalabo yang mata mo?? Umuupo ako para makakain na ... ano pa ba??" Sabi ni Stephen na may kasamang -- hindi ba halata look --

"Hello??? Alam ko yang ginagawa mo tsaka hindi naman ako bulag noh! Ang ibig kong sabihin pwede bang magpalit ka na muna? Basang basa yang t-shirt mo oh.. tsaka wag mo ngang isampay yang BASANG twulya mo diyan sa may upuan, mangangamoy pawis yan eh.." sabi ko kay Stephen.

"Naku naman MOMMY, ang dami niyo naman pong habilin sa akin.. hahahha!" Sabi ni Stephen na halatang iniinis ako.

"Hay naku ka rin Stephen, ... BASTA magpalit ka na muna ng t-shirt," sabi ko sa kanya na mala tunog boss.

"Sige na po, magpapalit na..." sabi ni Stephen.

Hahahah.. I win!

Pagkabalik ni Stephen agad na siya umupo para kumain.

"Bakit ka nga pala hindi kita nakita kanina sa klase?" Tanong ko sa kanya habang pasubo na ako ng pasta.

"Ah.. excuse ako kanina kasi may whole day practice ang mga varsity ng basketball kasi malapit na raw yung laban namin," sabi ni Stephen habang kain parin ng kain.

"Ah kaya pala parang gutom na gutom ka eh noh.." sabi ko nalang.

Kumain nalang kami ng kumain habang nagkwekwentuhan ng kung ano - ano.

"Sige po manang, punta na po kami sa family room." Sabi ko kay manang.

"Sige Teyang ako na bahala dito," sabi ni manang tsaka kami naglakad na.

Habang nasa family room kami nagpPSP3 lang si Stephen... nagbabasa ng magazine si Piper habang nag-aayos din ng kilay... while me as usual nagbabasa basa sa PC ko. As in sobrang dami nakabukas yung parang hindi ko na alam yung uunahin ko basahin..

Habang may kanya-kanya kaming ginagawa nagkwekwentuhan pa rin kami nang kung ano-ano.

"Ay oo nga pala Stephen, pwede ka pala sa saturday, 11 pm?" Tanong ni Piper.

"Pwede naman, wala kaming practice nun," sabi ni Stephen habang serious na serious pa rin sa paglalaro.

"Okay, ipapasama na kita sa guest list.." sabi ni Piper habang may tinetext na siya sa cellphone niya.

Hay.. paano ko kaya naging pinsan tong si Piper eh parang wala kaming common likes. We are completely different.. Pero ang masasabi ko lang super caring, loving, and mapagkakatiwalaan mo talaga. She's like my sister and my bestfriend at the same time. ♡♡♡♡

"Eh ikaw Teyang, sasama ka ba?" Tanong ni Stephen. Para namang hindi niya alam yung sagot sa tanong niya.

"Ano pa ba??" Sabi ni Piper na parang sinasabi hindi pa ba halata.

Habang pinag-uusapan nila ako na parang wala ako dun, biglang may nag *tonk*.

Bigla naman lumitaw sa may side ng screen na "one friend request"

Tinignan ko naman kung sino yun baka naman kasi kakilala ko eh.

Nung nandun na ako sa facebook site inopen ko na yung request.. and then...

Kakilala ko nga ...... kakikilala ko palang kanina ....

I was shocked again.. as in literally!

Napasigaw ako kaya lumapit sa akin sila Piper and Stephen.

"Bakit? Anong nangyari sayo Teyang?!" Tanong ni Piper na halatang nag-aalala.

"Uy, okay ka lang?" Tanong din ni Stephen sa akin nung hindi ko sila sinasagot.

"ANO BANG BALAK NG MOKONG NA TO??!!" sabi ko sa sarili ko habang nanglilisik yung mga mata ko sa mga nakikita kong mga pangalan sa screen.

Hindi ko napansin dahil sa kagigilan na napindot ko na pala yung accept button tapos sa hindi inaasahan napindot ko pa ulit yung right click tsaka napunta dun sa profile ng mokong na yun.

"Teka lang Teyang, parang kilala ko yan ba si .... ...... ..... ...... Iñi--go dela Ve--ga?" Sabi ni Piper habang binabasa yung pangalan at tinignan rin niya yung profile picture para makasigurado siya. Nung narealize na niya na siya talaga yun...

"WHAAAT!?? AS IN 'THE' IÑIGO DELA VEGA!?"

What my heart wants to sayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon