Chapter 12: Settled

14 0 0
                                    

*INIGO DELA VEGA -- POV*

"Ma, nakausap ko na po si Tita Janice.. Ok na po daw." sabi ko sa Mom ko.

"Ahh. Thanks son, hindi ko na kasi maisingit sa schedule ko eh." sabi ni Mom habang painom na ng juice.

"How's the election nga pala?" tanong sa akin ni Mom.

"Ok naman po. Nagawan ko naman po ng paraan yung problema ko." sabi ko lang habang painom ako ng juice

"That's good son.. How about the girl that you like?" biglang tanong sa akin ni Dad. Nabigla naman kA sa tanong ni Dad kaya muntik ko na maibuga yung iniinom ko. Bigla ko kasing naalala si Althea eh.. parang hindi ko kasi siya nakita buong araw.

*cough cough* habang nagpupunas ng bibig

"Uhmm.. Ok naman din po but I don't think I am making any progress yet." sabi ko habang naaalala ko nanaman siya.

"It's ok Iñigo, I know na mapapansin ka rin niya and when that happens don't ever let her go." sabi ni Dad. *serious face*

"Ang gwapo-gwapo kaya ng anak namin at napakabait at talino pa." sabi naman ni Mom. Tapos natawa nalang kami bigla pagkatapos sabihin ni Mom yun. Syempre, kanino pa ba magmamana.. hehe.

Nung natapos na kaming makapag-dinner pumunta na ako sa kwarto ko para makapag-pahinga.

Hihiga na sana ako kaya lang bigla akong may naalala!

OO nga pala! Bakit kaya ako gustong makausap ni Althea kanina?? Kung hindi lang sana ako nagmamadali kanina eh.. HAAYZZZ! SAYANG NAMAN YUNG PAGKAKATAON! Hindi ko rin siya nakita buong araw kasi ang daming inutos sa akin ni coach na parang parusa nalang daw ng pagkawala ko sa sarili sa huling laban namin at dahil hindi ko daw sinasabi kung ano yung dahilan. Hindi na nga rin ako nakakain kanina eh.. sa dami ng ginagawa ko.. grabeng parusa naman .. si coach talaga.. Hahaha!

Ano ba yan, tatawagan ko na nga lang siya. Idadial ko na sana yung number niya sa phone ko kaya lang hindi pa pala niya alam yung number ko. Tsaka baka magtaka yun kung paano ko nakuha number niya.. baka mahalata ako nito eh.. kaya naisip ko na imemessage ko na lang siya sa facebook! Ang galing mo talagang mag-isip Iñigo! HAHHAHA.

Kinuha ko kaagad kung laptop ko at inopen ko. Hinanap ko kaagad si Althea sa mga friends ko at sakto naman na naka-online siya. Hmmm.. Ano kayang sasabihin ko??? MaghaHi na nga lang muna ako.

Me: HI :)

Naghintay ako na magreply siya kaya lang wala talaga eh.. mag-tatatlong oras na yata wala pa rin.

Ano kayang nangyari sa kanya?? Bakit kaya niya akong gustong makausap?? Ano ba naman!? Kasi naman Iñigo, kanina gusto ka na ngang makausap umalis ka pa!?? DYAHE NAMAN OH!!! Eto nanaman ako kinakausap ang sarili... HAAAYZZZzzz....

================

Gumising ako ng maaga para makapasok ako ng maaga o hindi lang talaga ako nakatulog.?? Gusto ko kasing makausap na siya para malaman kung ano bang sasabihin niya sa akin kahapon.

Nasan na kaya siya?? Kanina pa ako nagiikot-ikot dito hindi ko pa rin siya makita. Pinuntahan ko na yung library wala naman siya dun.. wala din naman siya sa room nila.. wala din siya sa cafeteria.. hindi ko rin makita sila Stephen at Piper.. Nasan na siya??

Patay! Malapit ng mag-umpisa yung first subject ko.. Mamaya ko na nga lang siya kakausapin.

=================

*ALTHEA ROMUALDEZ -- POV*

"Ano ba yan Stephen bakit ang tagal mo kasi eh!" sigaw ni Piper kay Stephen. Siguro rinding-rindi na si Stephen kasi kanina pa siya pinagsasabihan ni Piper eh tapos katabi pa niya sa sasakyan.. Haha.

"Napuyat nga kasi diba!?" sabi naman ni Stephen.

"Bakit parang parati nalang tayong ngarag sa pagpasok!??" sabi ni Piper more to herself.

"Sorry na nga diba!?" sabi naman ni Stephen.

Partly my fault, I know.. hehe.

"Urghh.. Feeling ko late na talaga tayo ngayon!" sabi ni Piper.

I know right.. Late na talaga kami.. feeling ko nga magsesecond subject na eh.. Lagot ako! Vice-President pa naman ako tapos hindi ako good example!! LAGOT!

=================

Ouch! Nanjan na si mam.. buti nalang nakatalikod at may sinusulat sa board.

Dahan-dahan kaming pumasok ni Stephen para hindi kami mahuli. Ang BAD BAD ko na! huhuhuh..

Kakaupo palang namin ni Stephen sa upuan nang biglang nagsalita si mam, "Ms. Romualdez."

Nakuu.. napansin yata kami .. pero teka bakit ako lang yung tinawag?? Nakatingin tuloy lahat sa akin yung mga classmates ko. Ano ba yan, nakakaintimidate naman.. huhu.

Agad naman akong sumagot, "Yes mam!"

"Did you know that you are one of the students that will be organizing this years school festival?" Sabi ni mam.

"Whaaaaaat!???? .... ○_○ ayy sorry for shouting po.." napayuko nalang ako dahil sa kahihiyan.

"I assume that you did not know that info.... and after class go to the org room and meet your fellow organizers so that you can plan the concept already."

"Noted mam," yun nalng yung nasabi ko.

"Ok class, we'll be having a short film today and afterwards you need to make a reflection.............. CLEAR.."

"Yes mam,"

========================================

"All papers in?" tanong ni mam.

Tumungo naman yung nagcollect and then dinismiss na kami.

Pinuntahan ka agad ako ni Stephen na halatang excited.

"Wohooo! GO TEYANG! hahaha.. di mo sinasabi na isa ka pala sa magoorganize sa festival natin ah." Sabay akbay sa akin.

"Ay oo nga pala, nagtatampo pala ako sayo.." bigla naman niyang tinanggal ung pagkakaakbay niya at tumalikod sa akin.

Hala! Bakit naman nagtatampo tong mokong na to??

"Huy, wag ka ngang maginarte dyan.. ano bang ginawa ko na hindi ko alam??" Tanong ko naman sa kanya.

Humarap na siya sa akin at nagpout na parang batang inagawan ng candy.
"Ihh, basta! Nagmamaang-maangan ka pa.. bakit di mo sinabi na isa ka pala sa mga organizer ng festival?"

"Ay grabe haa, ako mismo di ko alam na isa pala ako sa event organizers eh.. at isa pa anong good news dun??" Hay naku, si Stephen talaga kahit kailan parang bataaaa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What my heart wants to sayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon