*ALTHEA ROMUALDEZ -- POV*
"Grabe hindi ko talaga akalain na sasali ka diyan sa Student Council na yan." sabi ni Piper na hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala na sumali AKO sa mga ganyan - ganyan.
"Hindi pa naman ako yung Vice -- Student Council eh.. tiaka alam ko naman na matatalo ako noh.." sabi ko nalang habang nilalagay ko na yung mga libro dun sa locker ko at kinukuha ko naman yung mga kailangan ko.
"Atleast kasama ka pa rin sa UNO Partylist.." sabi nalang ni Piper.
"Bahala ka na nga diyan, basta sumali lang naman ako kasi no choice ako eh.." kaya lang dapat yata hindi pa rin ako pumayag baka mapahiya rin lang naman ako eh. Kahit papano naman meron part sa akin na gusto rin manalo bilang Vice President kasi gusto ko rin naman makilala ng iba at syempre extra curricular din yun noh..
"Basta ako iboboto kita!" sabi pa rin ni Piper sa akin. Hindi man halata na gustong-gusto niya ako manalo.. hehe.. Ngumiti nalang ako sa mga sinasabi niya sa akin.. Supportive best cousin talaga siya..
"Sige na, baka mahuli ka pa sa klase mo Piper.." sabi ko nalang sa kanya. Tuwing Tuesday kasi hindi kami sabay ng lunch time eh at hindi naman talaga ako naglalunch sa cafeteria .. paminsan-minsan lang.. kapag sobrang kulit ni Stephen na nagpapasama pa sa akin.
"Sige bye cuzzie, kita nalang tayo mamaya!" sabi ni Piper sa akin habang kakaway-kaway pa na naglalakad.
Kumaway nalang rin ako sa kanya.
Pumunta muna ako sa classroom para ilagay yung mga gamit ko saka ako pumunta sa CR.
.....
Bigla akong may narinig na pumasok na mga babae.. na nag-uusap-usap tungkol..
"Walang-wala yung kalaban ni Iñigo sa pagka Vice President.. haha" sabi nung isang babae.
"OO nga eh, kawawa naman yung girl na yun.. haha .. eh halata naman kung sino na yung mananalo eh.." sabi naman nung isa pang babae na kasama niya.
"Hindi ko man nga kilala yung kalaban ni Iñigo, haha" sabay tawa.
Ano ba yan hindi tuloy ako makalabas dito sa cubicle ng CR, ang tatagal naman kasi nilang mag-usap tungkol SA AKIN eh. Puro nalang yan yung mga naririnig ko kahit saan na wala daw talaga akong panaman dun sa mokong na yun at kaawa-awa naman daw ako. Sana pala di nalang ako pumayag.. ...... .....
Nung wala na akong naririnig lumabas na ako at naghugas ng kamay. Tinignan ko naman yung itsura ko sa salamin. Ano nga bang panama ko sa Iñigo na yun eh wala lang naman ako eh siya.. halos crush siya ng lahat.....
Lumabas na ako ng CR at napag-isip-isip ko na pumunta nalang sa library para naman kahit papano marelax yung utak ko sa kakaisip tungkol sa laban na yan....
*INIGO DELA VEGA -- POV*
Mag-iisang linggo na nung pinakilala na kaming mga grupo ng partylist sa buong University at tatlong araw nlg botohan na.. Pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na si Althea yung makakaharap ko. Okay na nga sa akin na tumakbo eh kaya lang kung minamalas ka nga naman katapat ko pa yung babaeng gusto ko...
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko? Baka masaktan ko naman siya kapag natalo siya sa pagiging Vice President.. Eh di naman ganun kakilala sa University namin si Althea eh.. Pano naman yun?? Ngayon ko na nga lang siya nakausap eh tapos ako pa yung magiging dahilan kung bakit siya matatalo sa pagiging Vice.. HAAYYzz..
"HUY, Iñigo.. kanina ka pa kinakawayan ni Chloe oh.." sabi ni Walter sa akin habang kumakain lang kami dito sa cafeteria. Kasama din namin yung ibang mga kateamates namin.
"Ngayon??" tanong ko kay Walter. Hindi ko lang pinansin si Chloe kaya umalis nalang siya kasama yung mga alipores niya.
Nagulat naman sila sa akin kasi ginaganyan - ganyan ko lang si Chloe. Nakatingin lang talaga sila sa akin na parang sinasabi na 'seryoso ka ba dyan sa ginagawa mo'
"Anong NGAYON pre? Ipapaalala ko lang sayo si Chloe yun, Iñigo.. isa sa mga pinaka MAGANDA, HOT at SEXY na babae dito sa University.. AAAATTTT!!! Team captain ng cheer squad ng soccer at basketball teams.. nasa kanya na ata lahat ng hahanapin mo sa isang babae eh.." tanong sa akin ni Walter na parang takang-taka.
Paki ko naman kung isa siya sa pinaka hot at sexy .. eh may gusto akong iba eh..
"Edi puntahan mo na," sabi ko lang.
"Grabe bro, pinapalagpas mo yung ganitong mga pagkakataon? Hindi ba halata na may gusto sayo yun si Chloe?" sabi naman ni Mark sa akin.
Hindi ba halata na walang akong PAKI ALAM?
"Anong pagkakataon?" sabi ko sa kanila na parang walang kamalay-malay.
"Ay bro, bulag ka ba? Si CHLOE yun.. CHLOE FUENTES ang pinapalagpas mo," sabi naman ni Jeremy.
Hindi ako bulag dahil lagi kong nakikita sa paningin ko si ALTHEA ROMUALDEZ ...
"Tigilan niyo na nga lang si Iñigo, baka naman talaga hindi niya type si Chloe.." buti pa si Nathan nakakaintindi.
"Bahala na nga kayo diyan," sabi ko nalang sa kanila saka ako tumayo at umalis na. Teka, kung ako si Althea saan ako tatambay dito sa school??? Aaah alam ko na, asa library ung loves ko!!!
TAMA naman yung decision ko na pumunta nalang sa library kasi nan doon siya.
Umupo muna ako sa isang tabi at nagtakip ng libro para hindi niya muna ako makita at para na din mapagmasdan ko muna siya ng matagal.
Nung lalapitan ko na siya bigla naman dumating si Stephen at umupo sa tabi niya.
Hindi ko ganun marinig yung pinag-uusapan nila kaya medyo nilapit ko yung tenga ko para kahit papano marinig ko sila.
"Kaya mo yan Teyang,.. susubukan mo lang naman .." sabi ni Stephen kay Althea.
"Mapapahiya lang naman ako eh.." sabi naman ni Althea.
Ano bang pinag-uusapan nila??
"Hindi ka mapapahiya.. malay mo may himala at manalo ka pa kay Iñigo di ba?" sabi naman ni Stephen kay Althea.
AHh. ako pala pinag-uusapan nila.. namomroblema pala si Althea tungkol dun..
"Baka atakihin pa ako ng mga fan-girls niya niyan eh.." sabi naman ni Althea na halata sa mukha niya na gustong-gusto na niya mag back-out.
Hindi kita hahayaan na mapahamak ka.. sabi ko lang sa isip ko..
Ano kayang gagawin ko para hindi na siya mamroblema??
"Sige , kung ano man yung desisyon mo susuportahan nalang kita.." sabi ni Stephen habang tumatayo na siya. "Tara na.. baka malate pa tayo sa klase natin."
Tumayo na rin si Althea at inayos na niya yung mga gamit niya.
Umakbay naman si Stephen kay Althea habang papaalis na sila ng library.
Bakit ba ang hilig niyang umakbay????? HAAAYZZZ..
Pero bago ko pairalin tong pagkaseloso ko kailan ko munang gumawa ng paraan para dun sa campaign campaign na yan..
Tinignan ko naman yung relos ko para malaman kung anong oras na at sakto dahil malapit na kami magmeeting ng mga taga- Green Stallion.
Tutal .. Ayaw ko naman talaga sumali diyan sa school council na yan....
......
Magbaback-out nalang ako para wala na siyang maging kalaban sa election ng pagka Vice President..

BINABASA MO ANG
What my heart wants to say
أدب المراهقينWhat do your heart wants to say?? ^__^ --- Credits for the owner of these pictures!! ^^^^