Chapter 10: The Games

10 0 0
                                    

*INIGO DELA VEGA -- POV*

"and that is Althea Romualdez.." ......... "thank you very much.. and I hope you understand..." pagkasabi ko nun umalis na ako kaagad at lumabas na ng gymnasium. Sa backstage ako dumaan syempre.. baka mamaya pagkaguluhan pa ako eh tsaka sigurado ako marami silang itatanong sa akin kaya habang maaga pa umalis na ako.

Kakalabas ko palang ng gym nang may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Iñigo! Iñigo!" teka parang kilala ko yung boses na yun.

Agad naman akong humarap sa kanya at nagulat ako ang lapit na pala niya sa akin kaya bigla siyang lumayo ng konti .. siguro nagulat din siya na bigla akong humarap.

"Bakit mo ginawa yun?" tanong sa akin ni Althea. Sumunod pala siya sa akin ... siguro takang-taka na talaga siya sa mga pinag-gagawa ko .. Ginawa ko lang naman yun para sayo eh ...

"Wala lang .. bakit gusto mong malaman?" sabi ko nalang kay Althea habang naka-ngiti lang ako sa kanya. Kung kaya ko lang sabihin sayo ang totoong dahilan..

"Iñigo, wag mong sabihin na wala lang ... gulat na gulat kaya sila! Mamaya kung ano pang isipin nila.." sabi naman niya. Halatang nag-aalala nga siya sa mga nangyayari.

"Wala naman akong pakialam kung anong isipin nila eh ........... ang mahalaga lang sa akin kung anong iniisip mo ... " ano ba tong sinasabi ko?? Anong idadahilan ko niyan sa kanya?? Ano ba yan Iñigo dapat sa isip mo lang yan sinasabi eh...

"Anong sabi mo Iñigo? Pwede bang bumalik ka nalang sa loob at bawiin lahat ng mga sinabi mo para wala na tayong maging problema?" bigla akong nakahinga ng malalim nung sinabi niya yon. Buti nalang mahina lang yung pagkakasabi ko at hindi niya narinig .... Haaaayzzz .. LIGTAS ako ..

"Althea, ginawa ko lang naman yun kasi ... katulad nga ng sinabi ko kanina busy kami ngayon sa mga soccer games namin kasi marami-rami yung laro namin this year at hindi ko maaasikaso ng maayos yung pagiging Vice ng school council... yun lang talaga.. Promise!" sabi ko sa kanya na parang bata. Nag-taas pa ako ng kamay pero yung isang kamay ko naka fingers cross.. hehe..

"Pero Iñigo ......" di na natuloy ni Althea yung sasabihin niya kasi pinutol ko na.

"Pumunta ka nalang sa laro namin next Friday!" sabi ko ng dire-diretso. Whew! Kinabahan ako dun ah...

"Ha?" tanong naman niya.

"Kapalit nalang ng pagkapanalo mo bilang Vice ... pumunta ka nalang sa game namin next Friday.." sabi ko ulit sa kanya.

"Bakit sinabi ko bang pagbigyan mo ako?" sabi niya. Nakakatawa talaga tong si Althea ... ang cute cute.. haha..

"Eto na nga lang pambawi mo sa akin, ayaw mo pa." sabi ko ng kunwaring nalulungkot.

Nag-isip muna siya tapos .. "Oo na.. pupunta na nga po eh."

"Okay, final na yan ah! Wala ng bawian!" bigla akong napasigaw ng kaunti.. haha! Si Althea naman naka cross arms lang habang nakatingin lang sa akin na parang gulong-gulo pa rin.

"Oo na .. OO na." yun nalang nasabi ni Althea.

"Sige, una na muna ako .. ieexplain ko nalang kila Mam Luz yung mga nangyari kanina.. baka lumabas na sila Luis at kung ano-ano pang itanong sa akin..  see you around Althea!" sabi ko habang naglalakad na ako palayo baka magbago pa isip niya eh.. haha!

============

Halos mag-iisang linggo na rin nung nag botohan.. at bumaba ako sa pwesto.. Naexplain ko na rin naman kanila Mam Luz at payag na daw sila at nakita din nila na karapat-dapat din si Althea kasi magaling din daw siya o MAS magaling pa daw sa akin. Naging busy din kami sa soccer practice kasi dalawang araw nalang laban na namin at kailangan kong galingan kasi manunuod si my Labs.. haha.. Unang beses niyang manunuod at kailangan kong magpakitang gilas! ^_^

What my heart wants to sayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon