*ALTHEA ROMUALDEZ -- POV*
"Teyaaaanng!! Gumising ka na jan ano ba aayusan pa kita para maganda ka mamaya sa botohan!" Sabi ni Piper na napakaagang dumating sa bahay bitbit ang makulay nyang make-up kit.
Nagtatatalon at inaaalog akong ginising mula sa napakaikli kong tulog, "Ha? Ano na bang nangyari exams na ba?" Sabay kamot sa mga mata kong hindi pa ready gumising.
"OH MY GOSH! Teyang kakaiba na yang eyebags mo ha! Sing laki na ng maleta yan. Grabe ha talagang todo effort mong alagaan mga yan. Bumangon ka na please at maligo ka na! Ako na mag aayos ng uniform mo today. Ginising ko na din si Stephen para di tayo malate sa school!" Sa dami ng sinabi ni Piper parang wala ako naintindihan, pero dali-dali naman akong pumunta sa CR para maligo. Haaayy Piper kung alam mo lang wala ako sa mood pumasok ngayong araw na to...
=====
*IÑIGO DELA VEGA -- POV*
"Oh hi son, have a seat and eat breakfast with me and your mom." Wow this is new, naabutan ko pa sila sa bahay. O baka maaga lang din ako nagising kasi eto na ung araw na ayoko na sanang dumating pa!
"Goodmorning po!" Sabay kiss kay mom na alam kong gusto nyang ginagawa ko un sa kanya at guy hug naman kay dad na damang-dama ang closeness namin.
"You're up early? Ah yes its election day nga pala! I wish you well anak! Whatever the result is, you know your dad and I are already very proud of you!" Really mom, kung alam mo lang I really don't want this day to start.
"Thanks mom! Thanks dad! Wish me luck, pero di ko naman mashadong siniseryoso. You know I wasn't really planning to join, lalo pa ngayon. I just found out na yung babaeng gusto ko is also running for the position i'm in, dyahe diba. Haaay, ill tell you what happens nalang, gusto nila maaga kami to give out pins and stuff. Love you both!" Kumuha nalang ako ng kapirasong tinapay at lumagok ng orange juice at tumingin sa relo ko, sana mag fast forward nalang yung oras..
"That's sad news. But you know we believe that you'll handle it like a real gentleman. Pakilala mo siya sa amin soon, this girl must really be special for you to act this way." Akap-akap na sinabi sa akin yun ni mom bago ako umalis. Kung alam nyo lang guys she's really something haayy..
====
*ALTHEA ROMUALDEZ -- POV*
"Ano ba yan Stephen ang bagal mo mag drive ngayon ha! At sobrang malas talaga, kung bakit kasi sa dami ng araw ngayon pa nila naisip na gawin yung kalye! Buti nalang maaga pa!!" Ang galing talaga ni Piper, akalain mo yun nakapag make-up siya kahit umaandar ung sasakyan. Sabagay ang bagal nga ni Stephen ngayon, hihi, ginising kasi ni Piper ng sobrang aga.
Humarap si Stephen kay Piper ng dahan-dahan na halatang halata na gusto - gusto pa matulog.. "Pwede ba, tumigil ka na dyan kasi sobrang natutuliling na ako sayo eh...." sabi ni Stephen ng sobrang bagal.. haha.. kung nakikita niyo lang talaga yung itsura ni Stephen ngayon.. parang ilang araw hindi natulog!!
"Eh ikaw naman kasi Stephen! Kung pumunta ka ng mas maaga, siguro wala pa tong mga kotseng ito at edi sana wala tayo dito ngayon!!" Grabe talaga si Piper.. haha.. naaawa naman ako kay Stephen.. kaya lang nakakatawa talaga itsura niya.. bwuhahaha!!
"Alam mo, RINDING RINDI na talaga ako! Masisira na yata yung ear drums ko eh dyan sa kakasigaw at pangaral mo!" Di na napigilan ni Stephen.. haha habang ako tahimik lang na tumatawa.. maiiyak na yata ako sa kakapigil sa tawa ko eh.. hahahah!!
"Kasalanan mo yan kung naririndi ka! Baka naman may sira talaga yang tenga mo! Pacheck mo kaya sa doctor! Noh!!" Si Piper talaga.. hahaha
"Masisira lang naman to dahil dyan sa napakalakas mong boses!! Aminin mo nga nakalunok ka ba ng MEGAPHONE?! HA!?" Hala .. nawala na yata yung tulog ni stephen.. haha.. gising na gising na!! Haha.. Sabagay , sino ba namang hindi magigising sa boses ni Piper pati yata mga kaluluwa magagambala eh.. Pero grabe talaga tong dalawa..! Haha nakakatawa talaga sila!!
BINABASA MO ANG
What my heart wants to say
Teen FictionWhat do your heart wants to say?? ^__^ --- Credits for the owner of these pictures!! ^^^^