*INIGO DELA VEGA -- POV*
"Pre, may problema ba?"
"Bro, anong nangyari sayo kanina?"
Kanina pa sila nagtatanong sa akin kung ano nga ba talagang nangyari kanina sa akin. Simula nung nasa kotse kami hanggang sa nakabalik na kami dito sa school namin hindi pa rin sila tumitigil sa kakatanong. Naririndi na nga ako eh!
"Iñigo, pinapatawag ka ni coach." sabi sa akin ni Nathan.
Tumayo naman kaagad ako, alam ko na kung anong pag-uusapan namin ni coach kasi mukhang seryose yung mukha ni Nathan.
Kumatok muna ako bago ako pumasok.
"Come in," sabi ni coach.
"Maupo ka Iñigo.." dagdag ni coach. Tumayo si Coach at umupo sa may table niya. "Sabihin mo nga Iñigo, may problema ka ba sa inyo?"
"Wala po Coach," sabi ko habang naayuko lang ako.
May nangyari ba sa pamilya mo?" tanong ulit ni Coach. Halatang alalang-alala si Coach sa mga nangyari kanina at sa akin.
"Wala din po," simpleng sabi ko habang nakayuko pa rin.
"Oh sige, hindi dahil sa pamilya mo? Hindi din dahil sa exams? May babae ka noh?" tanong ni Coach.
"PO! Di wala coach.. Wala lang talaga ako sa sarili ko kanina... Sorry po Coach." sabi ko.
"Iñigo, hindi naman kita sinisisi kung bakit tayo natalo sa laro kanina. Ang gusto ko lang malaman kung okay ka lang ba talaga Iñigo? Alam mo naman na tinuturing ko na kayong lahat na anak ko diba?" sabi ni coach sa akin na tumayo na at lumapit sa akin.
"Coach, pasensya na po talaga.. sa susunod po na laban pangako po na aayusin ko po.." sabi ko. Buti nalang may pangalawang pagkakataon pa kami para makuha ang titolo.
"Sige Iñigo, ang pinaka importante naman eh yung nag-eenjoy kayo at masaya kayo kaya kung may problema ka sabihin mo lang dahil pangalawang tatay niyo na ako.." sabi ni Coach.
"Coach naman, maiiyak na yata ako sa sinasabi niyo eh.." sabi ko. Bigla naman tinapik ni Coach yung balikat ko at nagtawanan na ulit kami.
================
*ALTHEA ROMUALDEZ -- POV*
"Ano ba yan! Hindi ako makatulog!" kanina pa talaga ako papalit-palit ng pwesto dito sa kama ko.
"Ano ba kasi Althea bakit naman ang makakalimutin mo na!" sabi ko sa sarili ko. NAKUUU naman kasi!
"Nanalo naman siguro sila.. DIIBAA?!"
Sinong niloloko mo Althea hindi naman yun yung point eh.. yung point HINDI KA PUMUNTA!
Ano ba yan! Pati ba naman yung konsensiya ko!!
Siya na nga yung bumaba para sayo sa pagiging Vice tapos simpleng laro lang hindi ka pa nakapunta!!
Hindi na yata talaga ako makakatulog nito eh... ARRGGHH!
Kakausapin ko nalang siya bukas para matapos na to.. Tatlong gabi na yata akong ginugulo ng konsensiya ko eh.. Weekend naman kasi kaya walang pasok kaya buti nalang Monday na bukas at matatahimik na ako!!
Tama si Piper nag-aalaga nga ako ng eyebags... Haaay Naku!
==============
"Teyang! Teyang! Althea!" lumilindol na ba? Bakit umaalog ako??
"WAAAA!" ano yun bakit may tubig?? Bigla tuloy akong nagising.
"Ayan para gumising ka na!" bigla ko naman nakita si Piper.
BINABASA MO ANG
What my heart wants to say
Teen FictionWhat do your heart wants to say?? ^__^ --- Credits for the owner of these pictures!! ^^^^