Chapter 8: Reason

12 1 0
                                    

*INIGO DELA VEGA -- POV*

Papunta na ako sa meeting place namin ng mga taga- Green Stallion. 

Eto lang talaga yung naiisip ko na paraan para hindi na siya maguluhan ...

Magbaback-out nalang ako para wala na siyang maging kalaban sa election ng pagka Vice President..

Ayaw ko rin naman kasi maging Vice President eh.. at tsaka kailangan ko pang magpractice para sa soccer game namin kaya mas maganda na rin to.

Nung nakarating na ako sa room nakita ko naman sila Luis sa loob.. may ginagawang kung ano-ano para sa election.

Hinanap ko naman ka agad si Mam Luz pero wala naman siya dun. "Pumunta  na ba dito si Mam Luz?" tanong ko.

"Ay, kakaalis palang ni Mam.. pero babalik din yata may kinuha lang." sagot naman ni Veronica -- Secretary ng Green Stallion Partylist.

"Ah sige, hintayin ko nalang si Mam.." umupo nalang ako dun sa may sofa sa dulo at kinalikot k nalang yung cellphone ko. Simula nung nalaman ko na si Althea yung magiging kalaban ko, sinasadya ko talagang hindi masyadong magparticipate para makita nila na hindi aka karapat-dapat na maging Vice - President at tangalin na ako ni Mam Luz. Basta Umuoo nalang ako sa mga sinasabi nila at sa huli wala rin akong gagawin. What a PLAN di ba?

Kaya lang hanggang ngayon hindi pa rin nila ako tinatanggal... wala man nga silang paki alam kapag hindi ako nagaattend ng meeting at kapag wala man akong ginagawa para sa partylist nila.. Ewan ko ba.. Hindi ba nila napapansin na AYAW ko talaga!? HAAAYZZZ...

Di ko napansin na papasok na pala si Mam Luz sa room kasama si Sir Sanchez. Pagkakitang- pagkakita ko kay Mam Luz tumayo na ako kaagad at nilapitan si  Mam. "Mam, may gusto po sana akong sabi...........hin." Bigla akong napatigil nung lahat ng mga taga UNO Partylist kasunod na pumasok ni Sir Sanchez. AWW naman.. pano ko na sasabihin nito!?

"Uhm, students.. UNO partylist will also work here with you for the last three days of your campaign because the other students will be using their room to prepare for election day. OKAY?" sabi ni Mam Luz sa amin. Isa-isa na nagsiupuan sila Althea at inayos na din nila yung mga gamit nila dun sa kabilang side naman ng room.. buti nalang malaki yung room na to.. At ako tagalagang nakatingin lang kay Althea habang pumapasok at nag-aayos sila ng mga gamit nila. Sumusulyap-sulyap naman siya habang may ginagawa .. siguro nagtataka siya kung bakit grabe ako makatingin sa kanya.. kaya bago pa ako mahalata ng iba inalis ko na yung tingin ko sa kanya at binalik ko nalang yung tingin ko sa harap.  Nagsibatian din sila sa isa't isa -- yung mga taga UNO tska Green Stallion --

Bumalik naman ulit sa akin yung attensyon ni Mam Luz nung nakapag-ayos na sila lahat.

"What were you saying, Mr. Dela Vega?" tanong ni Mam Luz sa akin.

Napatingin naman halos sila sa akin. Nagkamot nalang ako ng ulo tapos sinabi ko nalang,"Uhmm.. Mam, sa susunod nalang po.. nalimutan ko na po eh.." Sa susunod ko na nga lang sasabihin kapag wala na sila dito. Pano ko naman sasabihin kung nandito si Althea.. HAAYZZ..

Tumingin nalang sa akin si Mam na nakataas pa yung isang kilay niya.. at kinausap nalang ulit niya si Sir Sanchez.

Bumalik nalang ako sa sofa kung saan ako nakaupo kanina at nagpamusic nalang ako.

Sa susunod ko na nga lang sasabihin.........

*ALTHEA ROMUALDEZ -- POV*

Kung alam lang niya na iritang-irita na ako sa kanya. KANINA pa kaya niya ako tinitignan!! AKALA BA NIYA HINDI KO SIYA NAKIKITA! INIINIS BA TALAGA AKO NG MOKONG NA TO!? O TALAGANG INIINIS LANG!? .... Parang parehas lang yun?? AISSHH!! BASTA .. NAIINIS NA AKO SA KANYA!? TAPOS.

Bakit ba nandito siya eh parang wala naman siyang ginagawa?? Ay meron pala siyang ginagawa....

...................

ANG TUMITIG NG TUMITIG!!!

Buti nalang patapos na kami sa ginagawa namin dito kaya makakauwi na rin niyan ako. Hindi ko na talaga matiis eh.. wala ba siyang practice sa soccer??

"Althea... Althea..." bigla akong napatingin kay Lawrence. Tinatawag pala niya ako , hindi ko napansin.  Humarap naman ako kaagad sa kanya tapos nagulat naman ako nung tinuturo niya si Stephen sa may pintuan. 

Nag nod lang ako kay Lawrence at pumunta naman ako kaagad kay Stephen. "Bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong ko kaagad sa kanya nung nakalapit na ako sa kanya.

"Wala lang, diba sabi ko naman sayo i'm your number 1 fan.. kaya dito lang ako para antayin ka.. isa pa baka patayin ako ni tito dad pag di kita naihatid ng maayos sa inyo.. may problema ba?" sabi naman niya na parang tumatawa-tawa pa.

"HAAYY, kung ano-ano talagang pinagsasabi mo noh?" sabi ko tapos bigla naman niyang ginulo yung buhok ko. Arrrgggh.. Ang kulit talaga niya.. sabi kong wag niyang guguluhin yung gulong buhok ko eh! >_<

"AYIiieeeee.." hindi ko napansin na narinig pala nila yung sinabi ni Stephen at nakatingin na sila ngayon sa amin.

"Ang Sweeeeeet.." sabi pa nang iba. STEEEEPHEEEN LAGOT KA TALAGA SA AKIN MAMAYA!!

Tinignan ko naman sila ng masama at nakita ko na parang ang sama ng tingin sa amin ni Iñigo.. Anong problema niya sa buhay?? Sabagay, kanina pa naman NAKATINGIN yan eh...

"Anong bang mga pinagsasabi niyo?" yun nalang sinabi ko sakanila. Ayaw pa rin nilang tumigil eh..

Bigla naman kaming napansin nila Sir Sanchez at ni Mam Luz. "Mamaya ka na manligaw diyan , Stephen.." sabi ni Sir Sanchez sabay tingin sa may pintuan. Nandito pa rin pala si Stephen.. bakit hindi pa rin siya umaalis?! Pati ba naman si Sir sasama pa sa pang-iinis sa akin.. ??

"AYIIEEEE.." hay naku naku.. Patay ka talaga sa akin Stephen..

"Sir, hindi po.." sabi ko lang.

"Stephen! Patapos na rin naman kami eh kaya pwede munang kunin si Althea.. haha." biglang sigaw ni Lawrence --- isa sa mga kaibigan ni Stephen-- . AIISHH!! TALAGA NAMAN OH!

"Sige na Althea, pwede ka nang umuwi.. kami nalang magliligpit dito, marami ka na rin naman nagawa eh." sabi naman ni Abby. Pati ba naman ikaw Abby??

Napag-isip ko na umuwi naang talaga kasi baka hanggang mamaya nila akong asarin eh.. TALAGA NAMAN OH!

"Sige, uuwi na nga lang ako.. basta hindi totoo yang mga iniisip niyo.." yun nalang yung nasabi ko sa kanila pero parang hindi pa rin sila tumitigil sa pang-aasar.

"Sige po Mam Luz, Sir Sanchez, good day po." sabi ko sa kanila sabay bow. Wala lang marespeto lang talaga ako.. ^_^

"Sige bye Althea! Ingatan mo siya, Stephen ha!" sabi pa ni Lawrence.

NR nalang talaga ako kasi as in wala na talaga akong masabi..

"Ingat kayo!" sabi naman ni Dave.

"Sige po una na po kami.. BYEE!" kahit kailan talaga tong si Stephen .. parang wala lang sa kanya eh.. 

Dumiretso na ako sa may pintuan at lumabas na. Nagpaalam rin ako kanila Abby -- friends na rin naman kami eh-- I think so..??

What my heart wants to sayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon