Chapter 3: A Long Dream

10 0 0
                                    

A Long Dream

I lay down on my bed as soon as I entered my room. I suddenly felt so tired from that walk I did earlier.

The heavy feeling in my chest wouldn't leave, so I closed my eyes and let myself fall into a very long dream that once happened.

Is this really a dream, or am I just remembering what happened?

I don't really know the answer to that, but all I did was watch the scenes in front of me change. From the first time I met him and the last time I saw him.

It's a very good dream at the start, but it ended in a nightmare.

"Bakit ba kasi yan pa ang pinili mong course?" Sabi ni Mama habang naglalagay ng kanin sa plato nya.

"Wala namang kwenta 'yang course na pinili mo. Dapat ay nagnurse ka na lang." Sabi ni Papa habang sya naman ay kumukuha ng ulam.

Tahimik ko silang pinanood habang patuloy sila sa paglalabas ng sama ng loob nila dahil sa kinuha kong kurso.

Tumango-tango si Mama bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Papa.

"Tama. Dapat ay nagnurse ka na lang. Anong gagawin mo pagkagraduate mo? Magiging cashier?" Sabi nya at umiling-iling.

"Nag-aral pa sya ng college kung ganon lang din ang magiging trabaho nya." Sinabi ni Papa at mahahalata mo ang inis sa boses nya.

"Dapat ay kumuha ka nang course na may trabaho ka kaagad pagkagraduate mo. Yung course na may nakalaan talaga na trabaho. Kagaya na lang ng nurse, teacher, o di kaya ay pulis." Pangaral ni Mama na sinang-ayunan naman ni Papa.

Binitiwan ko ang hawak na kutsara at hinintay na lang na matapos sila sa pagkain.

Bigla akong nawalan ng gana kumain.

Kung makapagsalita sila ay akala mong wala ako sa harapan nila.

Mukha namang wala silang pakialam na tumigil ako sa pagkain dahil patuloy pa din sila sa pagsasalita.

Gustuhin ko mang umalis na ay hindi pwede. Kailangang matapos muna sila sa pagkain bago ako makaalis.

That's the rule in this house. Never leave the table until your parents are finished eating.

"Bakit ba kasi nagganyan ka na course? Ano na nga ang tawag dyan? Business ano?" Tanong ni Papa atsaka sumubo ng pagkain.

"Business administration, Pa." Sagot ko atsaka uminom nang tubig.

"Oo yan. Bakit yan ang pinili mo? Dapat ay nakinig ka na lang sa Mama mo nung sinabi nyang magnurse ka." Sabi nya na hindi ko na sinagot.

It doesn't matter if I answer their questions or not. They won't care. Mas lalo lang silang magsasalita ng kung ano kapag sinagot ko ang tanong na 'yon.

Baka mapag-initan pa nila ako ng wala sa oras. I still have to go to school, so I can't let that happen.

"Kaya nga. Masyado kasing makulit itong si Zyrelle. Hindi marunong makinig. Akala mo kaya nya na ang sarili nya kung makapagdesisyon." Sabi ni Mama.

Nagpatuloy sila sa pag-uusap na pilit kong pinapalabas sa kabilang tenga ko.

Kapag pinabayaan kong dumiretso sa puso ko ang mga sinasabi nila ay ako lang din ang masasaktan.

They kept talking as if I'm not in the room, hearing them talk about how stupid I am for choosing my course when, in the first place, they don't know one thing about it.

They judge it by calling it an "easy" course, just because it involves mathematics.

They don't understand how challenging it actually is. They don't see all the sleepless nights I've endured just to pass, just to earn a grade they could be proud of, but it never matters to them.

In The Shadow Of RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon