BINI SERIES - We Collided #10| AIAH

539 59 41
                                    

Y/n's POV

"Another shot pa! Whoo!" Masiglang ani ko sa bartender na binigyan pa ulit ako ng isa pang tequila shot, hindi ko na tanda kung nakakailan na ako pero who cares? I'm at the party at malaya akong makakainom hanggat gusto ko.

Halo halo na ang ingay sa paligid ko, mga tugtugan, ingay ng mga tao na nagtatawanan at kwentuhan kasama ng malakas na tunog ng mga alon sa dagat, magulonpero nakaka-enjoy kahit na umiikot na ang paningin ko.

Ano nga ba ginagawa ko dito? Right, I wanted to have fun. And well, eto na nga ako, drunk, sitting at the mini bar, walang hiyang binabati ang mga guest na nagdadatingan.

"Aye! Good evening! Welcome to the party!" Sigaw ko habang kinakawayan pa sila. Tinignan lang nila ako sabay ngiti ng bahagya bago naglakad ulit, nawe-weirduhan siguro and wala akong pakialam. I was having a great time... right?

Another shot.

Maya maya pa, nahagip ko mula sa gilid ang presensya nila Ate at Aiah, mukhang seryoso silang naguusap, pero ewan ko ba, naisipan kong tawagin sila.

"Ai-ahh! Ate Malooooooi!" Bulalas ko, wala nang paki sa mga makakarinig sa akin. "Punta kayo rito!"

Kita ko namang nagsalubong ang kilay ni ate Maloi, napansin na niya siguro ako. May binulong muna siya kay Aiah bago sila tuluyang lumapit sa akin. Nag-krus ang braso niya, seryosong nakatingin sakin na halos kainin na ako sa sobrang sama nito.

"Ikaw babae ka, ano ba? Ilang shots na 'yang nainom mo?" Tanong niya na may halong inis pero may pag-aalala.

Raising my glass again as i looked at her. "Who cares? I'm having fun! Diba dapat enjoy lang?" Ramdam ko na nagiinit ang katawan ko, dahil siguro sa dami ng nainom ko. Tinawanan ko lang iyon na parang wala sa sarili.

"No, Y/n, tama na. Sobra na 'yan." She tried to grab the glass from me, pero nahila ko ito kaagad.

"Chill, ate! Konti nalang!" Nginitian ko siya pero alam kong hindi na siya natutuwa.

So eskeri naman ng ate ko oh!

She leaned in, trying to pull the glass again at naiwasan ko naman agad. "Ateee, relax!"

Iinumin ko na sana ang huling shot ko nang lapitan ako ni Aiah, titig na titig siya sa mata ko na para bang kinukuha niya ang loob ko.

Sumasayaw nanaman ang puso ko!

Kalma!

Hindi siya nagsalita, marahan lang niyang kinuha glass sa kamay ko, hindi katulad ng kay ate, hindi ako nakapalag at hinayaan lamang siya. Kinabahan ako, hindi ko alam kung bakit.

Isang nakakalokong ngiti nalang ang bigla humulma sa labi ko. She looked so serious, so... well, Sungit.

"Sungiiit," bati ko sakanya, may panlalambot sa boses ko.

Dang, anong nangyayari sakin?

Hindi manlang siya nag-react, akala ko pa man din ay maiinis siya or what pero iling lamang ang ginawa niya.

"You're a mess," she said.

"Mess? Ako? Eh ikaw nga ang cute mo, oh..." Wala sa sariling sambit ko.

Shet.

My words were coming out in a jumble, naghahalo halo ang nasa utak ko ngayon, bastahan nalang ang lalabas sa bibig ko.

"Ay naku, Aiah, sorry. I'll handle her. Let me just bring her back to the beach house. Magpahinga kana lang muna." Bahagya pa akong hinawakan ng mariin ni ate sa balikat pero hindi ko na lang iyon pinansin.

BINI IMAGINES Where stories live. Discover now