BINI SERIES - We Collided #6| AIAH

581 46 3
                                    

Y/n's POV

Nandito kami ngayon ni Aiah sa tabing dagat, tanging ingay lang ng alon ang maririnig, kalmado lang pero parang ang isip ko ay hindi. Hindi ko ba alam, iniisip ko parin iyon, sobrang oa ko na.

Malamig ang simoy ng hangin, kasabay ng mas lalong pag sikat ng araw, hindi ko alam kung paano ako magsisimula, sa sobrang pagka-curious ko ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

"So," I started, crossing my arms, tumititig lang ako sa dagat. "Paano mo nga ba nakilala sina mamay?"

She was silent for a second. "Just what my dad said, every summer, I used to come here with my family. But my parents were always busy with work. Madalas silang umaalis for business meetings, kaya madalas, nagi-stay lang ako sa cottage house malapit dito. And your grandma... well, she used to take care of me when my parents were out."

"Cottage house? As far as i remembered, isa lang ang cottage house na meron dito malapit sa beach house." Saad ko.

She nodded. "Yeah, iyong maliit na bahay na parang sobrang layo sa lahat. I was just a kid, so hindi talaga ako lumalabas. I'd spend my time playing with my tablet while your grandma would check in on me, bring me snacks, and talk to me."

Tikhim ako ng ilang saglit, it sounds familiar, may naalala nalang ako bigla, ilang taon na ang nakalipas.

"'Yung cottage na 'yon, wala na, tinatayuan na ng bago building for VIP suites. And that's the reason kung bakit kayo nag s-stay sa beach house namin?"

Aiah nodded, pero hindi na ako nakafocus sakanya, may naaalala na ako. Dati kasi palagi kong nadadaanan ang cottage na iyon, sigurado ako dahil nag iisang cottage house lamang iyon na malapit sa mismo sa beach house namin. And there this little girl na nakakuha ng atensyon ko.

Flashback

I was ten years old back then, palagi akong naglalaro sa garden ng resort, parang playground ko na 'yon. Kabisado ko na bawat sulok ng lugar, si Ate Maloi, nasa Manila na noon, busy sa pag-aaral, kaya lagi akong mag-isa. Nasanay na ako,sabi ko sa sarili ko na hindi naman big deal.

One afternoon, napatigil ako nung nakita ko si mamay papunta sa cottage house malapit sa beach. Wala namang kakaiba doon, except may kasama siyang batang babae. Ka-edad ko, siguro. Nakaupo siya sa may porch, nakangiti si lola sa kanya, parang espesyal yung batang 'yon sa kanya.

Who is she?

Tinignan ko sila hanggang pumasok sila sa loob ng cottage, at hindi ako makagalaw, feeling ko ang tagal ko na nakatayo, nanatili lamang ako roon.

Sino ba sya? Bakit kasama siya ni lola ko?

Bago ko pa napansin, kusa nang naglakad patungo sa cottage ang mga paa ko. Napunta ako nalang ako roon nang hindi ko namamalayan, dahan-dahan akong sumilip sa pinto. Nandoon sila, si lola, inaayos yung buhok ng bata habang naglalaro siya sa tablet niya. Biglang tumingin sa sa direksyon ko yung bata, kaya agad akong nagtago sa likod ng pinto, kaba ang naramdaman ko.

Anong ginagawa ko? Hindi ko naman siya kilala, pero sobrang curious ako.

Kinabukasan, bumalik ulit ako, ilang beses, araw-araw. Lagi akong nagtatago sa likod ng puno, pinapanood sila mula sa malayo. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi ko siya matanong kay mamay. Parang may pumipigil sakin, parang may kung anong dahilan na hindi ko maipaliwanag.

Ilang beses ko nang pinagisipan, sabi ko sa sarili ko, tama na. Kakausapin ko na siya. Kailangan ko na siyang makilala. May dala pa akong maliit na stuffed toy, yung paborito kong puppy, iniisip ko na baka pwede kong ibigay sa kanya para makipagkaibigan.

BINI IMAGINES Where stories live. Discover now