Y/n's POV
3 days later...
Three days. Tatlong araw na kaming halos hindi mapaghiwalay ni Aiah, at sa totoo lang, hindi ko in-expect na magiging ganito kabilis ang pagbabago ng lagay namin. From the awkward tension between us, those pikunan at sagutan to being super close. Tipong lagi kaming magkasama, halos kung nasaan siya, nandun ako, same rin sa akin. Nagiging komportable na kami sa isa't isa, lalo na at may paandar kaming fake lovers thingy.
Flash back
Pagka-sakay palang namin sa kayak hindi na agad kami magkaintindihan, of course si Aiah ang kasama ko, one of the main reasons. Hindi pa kami nakaka-abante ng dalawang metro, muntikan na niyang maihulog sa ilalim ng tubig iyong sagwan and I had to grab it for her.
Nawala hangover ko,
Napalitan ng inis.
"Babe, hindi ka pa ata nag-aalmusal nang ayos," asar ko nang ibigay ko ulit ang sagwan sakanya.
She stuck her tongue out at me. "At least I'm trying, 'di ba? Itabi mo nga."
Napailing nalang ako sakanya. "Okay, sabi mo eh."
Kitang kita ko sa mukha ni Aiah na hirap na hirap siya sa pagpapaddle, parang nanggigigil siya na ewan. Nauna na samin sila Ate na kasama ni Colet, pansin ko parin ang paglingon niya sa amin, kada magtatama ang mata namin, ngingitian niya lamang ako ng bahagya at itutuon na ulit ang atensyon kay ate na halos walang tigil kakadaldal sakanya.
"Huy, ang hirap pala nito," angal ni Aiah, habang pilit na hinahabol ang kayak nila Ate.
"Sabi ko na eh, mamaya nakalubog na pala tayo hindi parin natin sila naaabutan. Let me do it." pagprisinta ko, kukuhain kona sana sakanya ang paddle pero agad niyang inilayo.
"No way, babe, kaya ko 'to."
"Yeah, yeah, sure, close your eyes nalang." Ako na ang nagpaddle para sa aming dalawa and luckily, we managed to catch up kila Ate.
"Okay lang ba kayo d'yan?" Ate Maloi called out
"We're okay naman, babe's doing all the work," sagot ni Aiah, she's really making sure to keep the 'babe' thing going. Halos ihiga na niya rin ang sarili niya sa kayak like she was relaxing, habang ako, ay siya sige, sagwan lang.
"Wow, Y/n, ikaw na talaga," pahabol pa ni ate "Grabe, the effort is real."
Napangiti nalang ako. "Well, you know, anything for my sungit." ani ko sabay shot ng wink kay Aiah.
Naks.
At that, i could see her smile mula palang dito sa pwesto ko. It was stupid, pero parang ang saya rin ng ganito. Even if it was fake, even if it was for show. For some reason, it felt... nice.
Gusto ko nalang pitikin ang sarili ko dahil umiikot ikot ang tyan ko habang pinapanood siyang nakangiti at malayo ang tingin.
Ano pa bang maide-deny ko?
Lahat ng sagot, alam ko na.
Present
"Ice cream." I said, inabot ko sakanya ang isang cup ng ice cream at umupo sa tabi niya, sa ilalim ng isang malaking puno.
"Thanks, you good?" tanong niya.
"Of course," sagot ko.
Natatawa nalang ako sa mga nangyari, sobrang biglaan talaga. Nagsimula kaming magkwentuhan, mula sa simple, hanggang sa mga bagay na medyo mas malalim. I couldn't help but ask myself, paano umabot sa ganito? A few days ago, we couldn't even stand each other. Now, she's opening up about her plans, her hesitations, and I find myself doing the same.
YOU ARE READING
BINI IMAGINES
FanfictionBINI Imagines (Ot8 x FEMALE Reader) This is a work of fiction. The portrayal of the characters may not reflect on their real life identity. Please read responsibly. • All content is from my imagination. • One shots (long&shorts) • Series • OG SHIPS