EIGHTEEN
Mabilis naming dinala si Archer sa bahay. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Alalang-alala ako sa kanya. Sino ang gumawa sa kanya nito? Bakit siya nahantong sa ganito? Iyan lamang ang mga iilang tanong sa isip ko.
"Archer! Archer!" Sigaw ko habang nagmamadali ang mga tao na dumalo at tulungan ang kapatid ko.
Tinawag agad ni Mang Hermie ang manggagamot at saka siya tinignan. Si Lola ay iyak din nang iyak dahil sa sinapit ng apo. Yakap yakap siya ni Syche para aluin.
"Anong nangyari, Nathe? Sino ang gumawa niyan kay Archer?" Nanghihinang tanong ni Lola.
Umiling lang si Syche at mahigpit siyang niyakap.
Makalipas ang ilang oras ay pinagpahinga na namin si Lola. It's not good for her to stay all night. Sinabi ko na lang na ako na ang bahala. Nakapagpaalam na rin ako na aabsent sa trabaho.
"Hany, ako na muna kay Archer. Magpahinga ka." Pumasok si Syche sa pinto.
Malungkot kong pinagmasdan ang kapatid ko.
"Dito lang ako, Nathe." Sagot ko sa kanya.
I heard him sighed. Lumapit sya sa akin at hinawakan ang balikat ko.
"Hindi mo na nga magawang makapagpalit ng damit mo. Sige na, ako na ang bahala kay Archer." Pagpupumilit pa niya.
I smiled at him. Oo nga, kanina pa 'tong suot ko. I suddenly felt bad kanina nung inaway ko siya. Sobrang nagu-guilty na ako. Tumayo ako at hinayaan muna siyang magbantay kay Archer. Nang palabas na ako ay nakita ko si Lola na tatayo sana sa kama at muntik na mawalan ng balanse.
"La!" Gulat kong sabi at agad siyang dinaluhan.
"Pasensya na, Hany. Gusto ko lang sana makita si Archer. Kamusta na ba siya?" Tanong nito.
Inalalayan ko si Lola hanggang sa makahiga ulit siya. "Okay naman daw po si Archer, hindi kailangang dalhin sa hospital. Nagpapahinga yun. Bukas malamang mangungulit nanaman siya kaya magpahinga ka na, La."
Tipid na ngumiti si Lola. "Mabuti na lang Hany at nandyan si Nathe para alalayan ka."
Napatigil ako at nginitian lamang siya. Nandun lang ako sa kwarto ni Lola hanggang makatulog siya. Nang sa wakas ay tulog na siya, pagod akong lumabas ng kwarto at tinanaw si Syche na nakahalukipkip at nakayukong natutulog habang nakaupo sa tabi ni Archer.
I wonder what will be his reaction once he find out the truth about his identity? Malamang ay ikakamuhi niya ako. If it wasn't for lola, hindi ko talaga gustong gawin 'to.
Nakita ko ang bahagyang pag galaw ni Archer kaya nagmamadali akong lumapit sa kanila.
"Hinahanap ka niya." Ani Syche, "Maiwan ko muna kayo."
Tumango ako at awang tumingin sa kapatid kong halos puro pasa ang mukha.
"Sabihin mo nga sa akin! Ano ba ang nangyari?"
Pumikit siya ng mariin. "S-Sorry Ate.." He apologized weakly.
"Ano ang nangyari, Archer?"
"Binalikan ako ng mga pinag kakautangan ko... Yung mga kaklase ko."
My brows furrowed. "Ano? Bakit ka naman nagkaroon ng utang?"
"N-Nalibang ako sa sugal ate. Sorry.. Wala na akong allowance, eh... Lahat.. Nakuha nila. Sorry Ate Hany.."
Tumulo agad ang luha ko sa asar. "Archie naman!"
"Hindi ko pa sila nababayaran ng buo, Ate.." Aniya, "Babalikan nila ako."
BINABASA MO ANG
Stolen Memories (Arrhenius Series #4)
General FictionHarmony Estrella lost her parents at a very young age. Siya na ang tumayong ina sa nakababatang kapatid sa tulong ng kanyang lola. She's taught to be independent and to be strong. Isang pangyayari ang babago sa buhay ni Harmony at kailangan niya pu...