Chapter Eleven

630 34 5
                                    

ELEVEN

"M-Magsasabi na ako ng totoo sayo.."

Humalukipkip si Syche at handa na akong pakinggan. Nagsimula akong mainitan. Nakakapaso ang titig na binibigay niya sa akin.

"Hindi kasi talaga.. naging maganda.. ang pagsasama niyo noon ni Lola."

I said it the moment that I thought about it. What I was refering was the real Nathe.

Panibagong kasinungalingan nanaman Hany!

Syche tilted his head to the other side. Mistulang nag-isip ng malalim sa sinabi ko.

"Malupit ba ako sa kanya?"

Tumango ako.

Saglit na kumunot ang noo niya. "Eh sainyo ni Archer? Ganoon din ako?"

I startled with that. Parang paparusahan ni Syche ang sarili kapag narinig niya ang sagot ko. Nanatili akong tahimik.

Bumuntong hininga siya.

"Huwag mo nang sagutin."

I saw how he shut his eyes. Kanina ko pa pinaglalaruan ang daliri ko dahil sa pag-uusap namin na 'to.

"H-Huwag mo nang alalahanin yon.. Matagal na yun!" I tried to cheer him up.

Matagal bago tumango si Syche. I gave him my sly smile when he opened his eyes.

"Maganda rin pala na nabagok ako? Pinarusahan ako sa kagaguhan ko sainyo.." Matabang niyang sinabi.

"Hindi! A-Alam kong pinagsisihan mo na yon-"

"Sinasaktan ba kita noon?"

Umiling ako. Is he making this a big deal?!

Napatalon ako nang bigla niyang pinukpok ang sarili. Paulit-ulit at parang naiinis!

"Nathe!" Pinigilan ko ang kamay niya. "Huwag mo ngang saktan ang sarili mo!"

"Kailangan ko maalala ang ginagawa ko sainyo! Kailangan ko maalala!"

"Bakit mo pa gusto maalala? Para parusahan ang sarili mo? Iba ka na ngayon sa dati, Nathe! Huwag mo na balikan ang nakaraan mo-"

"Bakit hindi ko maalala?!" He looks frustrated.

Nakatingin lang ako sa mukha niyang litong-lito. My lips tremble because I know that I'm the reason for all of these! Dapat nandoon na siya sa kanyang pamilya! Pero ano? Ito siya ngayon, pinipilit tandaan ang alaala na sinabi ko na kahit kailan ay wala naman.

"Hindi na importante kung hindi mo maalala..." I said slowly, pinagsalikop ko ang kamay naming dalawa. "Basta huwag mo 'to kakalimutan."

Syche stared at me for a moment before pulling me to his arms. Kinulong niya ako sa kanyang bisig at tinanggap ko 'yon para maalu siya.

Syche let it slide that time. Hindi na siya nagtanong pa sa hindi niya maalala. Abala ako sa mga nagdaan na araw, masyado kong binububog ang sarili sa trabaho, pag-aaral at sa bahay.

Kaonti na lang sa bahay dahil nandoon si Syche. He's doing his best to be a good grandson. Nag doble kayod siya kay Mang Hermie. Hinahayaan ko na lang basta hindi lumalabas ng barrio.

"Anong ulam?" Tanong ko. Nagsisibak siya ngayon at nakaupo ako malayo sa kanya.

Sabi niya kasi baka matalsikan ako ng mga maliliit na kahoy.

"Anong gusto mo?" He grunted after hitting the wood.

Nag-isip ako kunyari pero may gusto na talaga ako. "Sinigang?"

Stolen Memories (Arrhenius Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon