Chapter Six

684 50 4
                                    

SIX

I remembered having my first boyfriend when I was in high school. Sobrang possessive, demanding at masyadong control freak. Back then, I thought it was normal. Pero nang maramdaman ko na parang kinukulong na niya ako sa kanya, toxic na pala.

I can't have male friends because he overthinks a lot. Akin, okay lang na makipag kaibigan siya sa babae dahil may tiwala naman ako.

Tumagal kami ng dalawang taon na hindi ko naramdaman ang tunay na relasyon. He just wants me for himself. He never loved me enough. He never cared when I was sick.

Kaya simula non, hindi na ako nag entertain ng iba lalo na kapag kaibigan. I don't want to ruin the friendship. Minsan nga iyon pa ang nagtatagal.

I never felt safe with someone in my whole life. Ngayon lang.

Naramdaman ko ang dahan dahang paglapat ng balat ko sa malambot na kutson.

I slowly opened my eyes.

"Shh." I heard him, hinawakan niya ng marahan ang talukap ng mata ko. "May sakit ka. Matulog ka na."

"M-May pasok pa ako bukas.." I tried to talk.

"Hindi ka papasok, Hany."

Huh? Bakit niya ba ako inuutusan? "Papasok ako, Nathe. Kahit PE lang ang subject na 'yon."

"Tsk. Huwag ka makulit sabi, e." Aniya.

Dumilat ako at nakita siyang iritado sa akin. Bakit nanaman ba? Ang sakit na nga ng katawan ko, e.

"Hindi ka papasok. Kung ipipilit mo yang sarili mo, baka mas magsakit ka pa."

Natahimik ako. He has a point. Isang araw lang naman ako aabsent. Kahit sa trabaho. Kung lumala ito at pinilit kong pumasok, baka pagtapos nun, mas maraming araw pa ang magiging absent ko.

Syche left my room. Wala akong lakas para tanungin kung saan siya pupunta. I turned to the other side and hugged my pillow. Gusto kong nakabaon ang mukha ko roon kasi ang lamig at gusto ko na talaga matulog.

Naramdaman ko ang pagdampi ng basang twalya sa braso ko. Dumilat ako saglit at tinanaw kung sino 'yon.

He looks serious doing that. Nananatiling may galit ang mga mata pero panay ang pag-aasikaso sa akin.

I grunted then changed my position so he won't have a hard time cleaning me up.

Dinig na dinig ko ang pagbagsak ng tubig sa planggana sa tuwing pinipiga niya ang tuwalya. How nostalgic. It was just me, almost two months ago.

Almost two months ago.

Halos dalawang buwan na rin na nandito si Syche. He still has some sudden headaches pero walang memorya na bumabalik sa kanya. Nakakasama ko na siya sa pamamalengke pero kailangan may sumbrero, buti na lang din at hindi siya matanong. Akala niya para sa araw kaya kailangan naming magsumbrero kada lalabas.

Our life has changed when he came. Lalo na kay Lola na dati ay walang sigla. Parang nagkaroon ng buhay muli ang bahay namin kaya masaya ako.

Sana hindi na matapos pa.

Kahit pilit akong hinihila ng antok para matulog, gusto ko siyang tignan na inaalagaan ako.

"Pag pinilit mong pumasok, itatali talaga kita dito." He murmured.

I offered my other arm. He looked at me before sighing heavily. "Masakit?"

"Medyo." My voice cracked.

Dahil sa init ng katawan ko parang biglang naging sensitibo ang balat ko at kada dampi ng tuwalya parang humahapdi 'yon.

"Bakit hindi ka pa matulog? Okay naman na ako." Inayos ko na ang sarili at bahagyang umupo sa kama.

Stolen Memories (Arrhenius Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon