TEN
Humahangos na si Archer agad ang bumungad sa amin ni Syche. He looks very worried na kinabahan ako sa anumang dahilan kung bakit ganito ang hitsura niya ngayon.
"Anong nangyari?" Tanong ko.
"S-Si L-Lola.. S-Si..."
Hinawakan ni Syche ang magkabilang balikat ni Archer at pinirmi ito.
"Anong nangyari kay Lola, Archie?" Mahinahong tanong ni Syche pero mariin.
"Kanina pa nagwawala si Lola!" He exclaimed.
Hindi na ako nagdalawang isip. Agad kong tinakbo ang layo ko sa bahay namin. I saw some of our neighbors peeking inside, agad ko silang hinawi para makita ko si Lola. Malayo pa lang ay dinig ko na ang mga sigaw niya.
Mang Hermie's holding her off. Ang asawa naman nito ay pinilit pinapakalma si Lola. Para akong nanlamig na nakikita ko siyang ganito ulit.
This is the third time.
"Ayoko! Pakawalan niyo ako! Papatayin niyo ako!" Sigaw ni Lola Harriet kay Mang Hermie.
Napalingon sa akin si Tiya Rose at napailing. Alam niyang mahirap ang kalagayan ngayon ni Lola. Noong unang beses na nagwala siya, akala ko hindi na siya babalik sa amin ni Archer, noong pangalawang beses na nangyari 'yon, nagpatulong na ako kay Mang Hermie kaya ngayong naulit nanaman ang pagwawala ni Lola, nagpapasalamat ako kasi may umaalalay sa amin.
I felt someone touched my shoulder. Nang lingunin ko ay nakita ko si Syche na nakatingin kay Lola, dumalo siya dito at pilit na kinausap ang matanda.
"La, si Nathe 'to. La? Naaalala mo pa ako?"
Natigil si Lola at pinakatitigan si Syche na hinahawakan siya ngayon sa kanyang magkabilang pisngi. I saw how her brows furrowed just by staring at him.
"Anong si Nathe?! Hindi ikaw si Nathe!"
I gasped when I heard her. Si Archer ay naramdaman kong napahawak ng mahigpit sa braso ko. Nalipat ang tingin ko kay Syche na nakakunot na rin ang noo.
"Sino ka?! Bakit mo sinasabing ikaw si Nathe!?" Nilingon ako ni Lola, "Harmony! Archer! Sino ito? Siya raw si Nathe!"
Saglit akong nanigas sa kinatatayuan bago umaksyon. Lumapit ako kay Lola, I signaled Syche to step back, sinunod naman niya 'yon.
"Lola, si Nathe yan. Ayan o.." Sinubukan kong ipakita si Syche, "Hindi mo na po ba natatandaan? Si N-Nathe po yan.."
Naguguluhang tumingin sa akin si Lola. Hindi ko alam kung bakit nangingilid ang luha ko sa takot. Ngayon na ba matatapos ang pagpapanggap namin?
After a few seconds, Lola nodded slowly. Sinulyapan niya si Syche at kahit may pagtataka ay sumang-ayon siya sa akin.
"N-Nathe.." Lola whispered before looking at me. Tumango ako sa kanya.
Umalis ako at hinayaan si Syche ang mag-alu kay Lola. Nakita ko si Archer na halos hindi makapaniwala sa nangyari.
"Ang lakas ng sigaw niya kanina." Ani Mang Hermie, "Kaya tinakbo agad ako ni Archie."
"Salamat po, ha? Hindi po namin alam ang gagawin kung hindi niyo pinuntahan si Lola."
"Hany.." Lumapit sa akin si Tiya Rose. "Tingin ko, hindi na magandang lagi kang wala sainyo. Gayong may trabaho rin si Nathe sa barrio. Higit sa lahat ikaw ang nakakaalam ng kondisyon ni Harriet. Mas kailangan ka niya."
Napakagat ako ng labi at dahan dahang tumango. "Hindi rin po kasi sapat yung kinikita ni Nathe para samin."
Lumabas kami ng bahay, wala na ang mga taong nakiusosyo kanina. Lahat ay bumalik na sa kani-kanilang mga gawain. Nakita kong sinamahan ni Archer si Syche sa pag-aasikaso kay Lola.
BINABASA MO ANG
Stolen Memories (Arrhenius Series #4)
General FictionHarmony Estrella lost her parents at a very young age. Siya na ang tumayong ina sa nakababatang kapatid sa tulong ng kanyang lola. She's taught to be independent and to be strong. Isang pangyayari ang babago sa buhay ni Harmony at kailangan niya pu...