Chapter Nineteen

105 7 1
                                    

NINETEEN

Nagtama ang tingin namin ni Nathe. He still has that deceiving look na akala mo'y mabait. Iniwan ko saglit si Syche at mabilis na humakbang papunta kay Nathe.

"Anong ginagawa mo rito?" Galit kong tanong.

Muling nabuhay ang galit sa akin kapag naaalala kong iniwan niya si Lola Harriet.

"Pinagsasabi mo? Dito na pala kayo nakatira." Aniya.

"Oo at  wala kang karapatan na bumalik dito!" Tinulak ko siya bahagya. Mamaya makita pa siya ni Lola!

Nakita ko ang mapaglarong ngisi ni Nathe na sumulyap sa likod ko. "Bakit, Hany? Atat na atat ka naman yata na umalis ako? Baka nakakalimutan mo, sa ating dalawa, ako ang tunay na apo ni Lola."

"Hindi ka na niya apo!" I hissed at him.

Natawa siya. "Kasi may pinakilala ka ng bago sa kanya?"

Naramdaman ko ang isang presensya sa aking likod.

"Anong problema, Hany? Sino yan?" Walang alam na tanong ni Syche.

Nagkatinginan kami ni Nathe. He probably knew that someone's taking place of his identity. Malamang ay narinig niya 'yon sa mga tao rito.

"Wala.." He said slowly as he looked down at me, "May sisingilin lang sana ako." Anito at ngumisi, "Sisingilin kita sa ginawa mo, Harmony." Bulong nito sa akin bago umalis.

Nakakuyom ang palad kong tinignan ang pag alis ni Nathe. No way he will let that slip! Babalik at babalik 'yon, at may alas na siya sa akin! He will probably take advantage of it.

"Hany?" Narinig ko ang naguguluhang tono ni Syche.

I tried hard to smile when I look at him. "Wala 'yon, Nathe. Dati lang pinagkakautangan ni Lola." Nginuso ko ang bahay, "Tara na?"

Sabay kaming pumasok at ginawa ang usual naming gawain.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Nathe.

Tapos na kami kumain ng tanghalian. Lola is outside catching up with Mang Hermie habang si Archer ay nagpapahinga.

"Oo naman."

Tinabihan niya ako. Nakaupo kami sa malaking bato sa tapat ng kubo. "Sino ba ang mga 'yon?"

"Wala yun."

He is clearly not satisfied with my answer. Magtatanong pa sana siya pero lumapit na sa amin si Haida.

"Nathe? May gagawin ka ba mamaya?" Malambing na tanong nito.

Okay. Oras nila ngayon. Aalis na sana ako pero hinawakan agad ni Syche ang aking kamay para pigilan.

"May gagawin kami ni Hany.." Aniya.

Mabilis na bumagsak ang balikat ni Haida. I looked at him confused. Mabilis na umalis si Haida sa harap kaya't natampal ko ang braso ni Syche.

"Anong gagawin? Gusto niya ng oras kasama ka!"

Syche seriously looked at me. "Ayaw ko siyang kasama."

Bumilis ang pintig ng puso ko. Damn right! "N-Nathe.."

Lalo pa akong kinabahan nang bumaba ang tingin niya sa labi ko. I immediately broke the tension and stood up. Hindi pwede 'to! Hangga't maaari pinipigilan ko ang nararamdaman para kay Syche. Mas okay na ang pagkakamali na ginagawa namin ni Archer sa kanya. Kung ipipilit ko pa ang nararamdaman ko, talo ako.

Tatlong araw na ang lumipas at gulat akong wala pang sumusugod na mga awtoridad dito para hulihin ako dahil sa ginawa ko kay Syche. It's impossible that Mikael Arrhenius will just shrug the thought of Syche being alive. Kahit si Nathe ay hindi rin nagpapakita pa kaya mas lalo akong kinabahan. It's like the calm before the storm.

Umo-okay na rin si Archer at nakakapasok na sa school. Si Lola naman ay ganoon din. Everything seems normal. But I am still anxious on what's gonna happen every single day.

Ngayong araw ay pasok ko sa trabaho, mabuti na lang din at konti ang tao dahil maulan. Absent si MJ. Malamang may gawain sa school. Natapos ang araw ko sa trabaho na walang ibang inisip kundi ang maaaring nangyayari na Barrio.

"Hello?" Jude flicked his fingers on my face. "Harmony, tulala ka nanaman. Nagshashabu ka ba?"

Hinawi ko ang kamay niya at umiling. "Baliw ka."

"Oh kamusta na ba yung kapatid mo?" Tanong niya.

Nakwento ko pala ang nangyari kay Archer sa kanila.

"Ayos lang. Makulit pa rin." Ngiti ko.

Tumango lang si Jude sa akin at tipid na ngumiti. He knows that I am not in a mood to hold a conversation. Gusto ko na lang talaga umuwi at makapagpahinga.

Hindi mawala sa isip ko si Mikael at Nathe. Gusto ko malaman anong iniisip nila. Bakit hindi pa kinukuha ni Mikael si Syche. Isa ba siya sa dahilan kung bakit ito naaksidente? At bakit okay lang kay Nathe na may nagpapanggap na siya? Sumasakit ang ulo ko pag iniisip yan.

Mag-isa akong umuwi. I was honestly expecting for Syche but he was not here. Okay na rin. Gusto ko talagang mag-isa.

Huni ng hangin at mga yapak ko lang ang naririnig ko papasok sa gubat papuntang Barrio. Pagabi na rin kasi at malamig din gawa ng ulan kanina.

"Bitawan niyo siya! Petro, bitawan niyo siya!"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig si Archer. Tumakbo ako sa pinanggalingan ng sigaw. My heart is thumping really fast.

"Kuya Nathe!"

My mouth formed an O when I saw Syche getting attacked by a gang. Tumakbo ako at pinaghahampas sila.

"Ate Hany! Bitawan niyo ako!"

"Tama na yan! Tama na yan!" Iyak ko.

Puro sipa sa ulo ay suntok ang nakita kong ginagawa nila. Hinawakan ako ng isang lalaki para pigilan. Duguan ang mukha ni Syche. Ang ibang mga kalalakihan ay may mga galos rin. It's evident that Syche tried to fought back but he was outnumbered.

"Tama na sabi!" Sigaw ko.

"Petro, tara na! Dalawa na ito. Baka mayari pa tayo." Sabi ng isa.

Ang lalaking bumubugbog kay Syche ay inundayan siya nang malakas na sipa bago humarap kay Archer.

"Sabi ko sayo, sisingilin ka namin, eh." Anito.

Mabilis silang nagtakbuhan.  The guy that was holding me just threw me at Syche. Mabilis ko siyang nilagay sa kandungan ko. Duguan siya.

"A-Archer.. Kailangan natin siya madala sa hospital!" I cried.

Tumango si Archer. "Papatulong ako kay Mang Hermie!"

Tumakbo si Archer at mabilis nagtungo papuntang Barrio. Syche was unresponsive.

"Nathe..." I cried more, "S-Syche.... Gumising ka please.."


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stolen Memories (Arrhenius Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon