SIXTEEN
"Sigurado ka na ba dito, Hija?"
Bilog na bilog ang salamin na nakatitig sa akin si Dean nang pumunta ako sa office niya para magbigay ng letter. Yumuko ako at tumango.
"Napagdesisyunan ko na po talaga yan, Dean." Mahinang boses na sabi ko.
He let out a short sigh before nodding his head. Nakita ko ang pagpirma niya sa papel na binigay ko. Saglit na lumubog ang aking pakiramdam. There's no backing out, Hany.
Tipid na ngumiti si Dean sa akin at inilahad ang papel. "Wala ka namang remaining balance kaya madali na 'to. Punta ka na lang sa registrar para makuha ang TOR mo."
"Salamat po." My voice cracked.
"Hany, alam ko ang pinagdadaanan mo ngayon. Nandito lang kami ng mga profs at classmates mo para sayo." Ani Dean at malungkot akong tinignan.
"Opo, sir. Salamat po."
"Pwede naming pagtulungan ang tuition mo hanggang sa makatapos ka."
Parang lumambot ang puso ko sa sinabi niya. Sa pagkakataon na 'to, napaka swerte ko na. Gustuhin ko mang pumayag pero alam ko na hindi sapat 'yon. Lola needs someone to attend to her needs. Alam kong ako 'yon.
That's why I chose to let go of my studies. Bukod sa ganong desisyon, naigastos ko na kasi ang ipon ko sana sa pag-aaral para sa mga gamot ni Lola at pambayad sa hospital.
That was a hard decision to make. But I know what's the best for us. Pwede pa naman akong mag-aral sa kahit anong edad, e. I refused to tell my classmates about this. Saka na lang siguro, kahit kay MJ hindi ko pa nasasabi. I know she will help with the tuition at nahihiya na ako doon.
Nakauwi na si Lola sa bahay, isang linggo din siya sa hospital na 'yon kaya naubos talaga ang ipon ko. Yung pang-aral ko lang naman yung nagalaw ko, yung kay Archer, nakatabi. Sa estado namin ngayon mukhang kailangan kong pumasok kahit na Rest Day ko.
"La, kain na po tayo." I prepared her lunch for today. Syche is busy cutting woods, kahit siya kasi mismo ay nag doble kayod kay Mang Hermie para may maitulong sa akin.
"Kain?" My grandmother asked me. Malungkot akong ngumiti dahil kitang-kita ko ang malaking pagbabago sa kanya simula nung umuwi siya.
"Opo, La. Ako po ang nagluto." Sabi ko, nilapag ko ang pagkain sa harap at sinubukan na subuan siya.
Hindi sumagot si Lola. Tinanggap niya lang ang bawat alok ko ng pagkain sa kanya. Tahimik lang siya at pinagmamasdan ako. Sa totoo lang ang hirap magpigil ng luha. Lalo na't alam kong sa oras ngayon, walang kaalam-alam si Lola.
Nang natapos na si Lola kumain, hinilamusan ko siya at pinalitan ng damit. I also guide her to her bedroom. Wala naman siyang ibang ginagawa doon kundi ang tumanaw sa malayo. Tuwing umaga naman, nilalabas siya ni Syche para maarawan.
Dahan dahan akong lumabas ng kwarto niya at pumunta sa sofa para maupo. Bagsak ang balikat ko at wala akong ibang magawa kundi ang sapuin ang aking noo.
Ang hirap. Pakiramdam ko pasan ko lahat. Ang daming problema. Kaya ko naman pero ang hirap pala kapag sunod-sunod. Some nights I'm asking myself if this is just His way of testing me. Kung ganoon, sana ako na lang ang nahihirapan. Sana hindi na kasama pa si Lola.
I know this is not the right thing to say but I'm glad that we have someone to support us. Simula nung dumating si Syche sa amin, kahit papaano naging magaan ang buhay. Alam ko namang balang araw ay kailangan niyang umalis dito at malaman ang totoo pero talagang masaya lang ako na nandito siya.
Madali kong inayos ang sarili dahil sa pagbukas ng pinto. Kunot noo akong tinignan ni Syche na para bang alam niya ang huling ginawa ko.
"Si Lola?" He asked.
"Nasa kwarto na."
Tumango siya. "Wala pa si Archie? Ako na ang maghihintay sa kanya. Magpahinga ka na."
Pumasok siya sa loob at agad na nag-inat. Pinanuod ko siya habang pagod na pagod na nag-aayos ng sarili.
"Ako na ang kay Archer. Mas pagod ka sa akin."
Matalim akong tinignan ni Syche. Lumabi lang ako. Totoo naman 'yon, nakikita ko minsan ang sobrang oras niya sa pagtatrabaho para makatulong.
"Maghahanap ako ng trabaho sa bayan." Kaswal niyang sinabi.
"Bakit? Maayos naman ang trabaho mo kay Mang Hermie, ha?"
"Hindi sapat ang kinikita ko para tumulong sayo kaya maghahanap ako."
Ito na ulit ang isa pang beses na nangulit siya. Napapagod na nga ako sa paglilihim sa kanya dahil sumasabay pa itong kagustuhan ni Syche na makapaghanap ng trabaho. Alam ko naman na wala siyang alam at gusto niya lang tumulong.
"Huwag na, Nathe."
He darkly looked at me again. "Tama na, Hany. Huwag mong solohin ang pagod."
"Hindi ko sinosolo, tumutulong ka naman. Tinatanggap ko naman ang mga binibigay mo."
"Tingin mo sapat ang binibigay ko?" Tumaas na ng kaonti ang boses niya.
Napabuntong hininga ako. "Sapat na 'yon, Nathe. Huwag ka nang mag-abala na lumayo... kailangan ka ni Lola dito.."
Agad na nagbago ang ekspresyon niya sa sinabi ko. Iyon na lang ang huli kong panlaban sa kanya. Kitang-kita ko kung paano siya sumuko sa away namin. Sa lahat ng oras na naipapasok si Lola Harriet sa usapan, laging natatalo si Syche.
"Eh paano ka? Kailangan mo rin ako."
My heart pounded hard when he said that. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Buong akala ko, matatabunan ng sitwasyon namin ngayon ang nararamdaman ko kay Syche. Hindi ko na nga alam kung papaniwalaan kung ba talaga ang balita na may pamilya na talaga siya.
Ilang buwan na kasi ang lumipas at nakakalimot na ang mga tao sa nangyari. Wala na ring balita ang tungkol sa kanya. I don't know if they are working silently or they just believed that he's already dead.
"Harmony.." Seryoso niyang sinabi.
Tumingin ako sa mata niyang namumungay.
"Pagod ka na, Nathe. Magpahinga ka na." Iyon na lang ang tangi kong nasabi bago ako tumayo at pumasok sa kwarto upang iwasan muli ang tawag ng aking puso.
BINABASA MO ANG
Stolen Memories (Arrhenius Series #4)
General FictionHarmony Estrella lost her parents at a very young age. Siya na ang tumayong ina sa nakababatang kapatid sa tulong ng kanyang lola. She's taught to be independent and to be strong. Isang pangyayari ang babago sa buhay ni Harmony at kailangan niya pu...