NINE
Paggising ko kinabukasan, iniwasan ko kaagad si Syche. Alam kong sinusubukan niyang kausapin ako pero ginagawa ko rin ang lahat para maka iwas.
This is not good. I think I'm having a crush on him! Siguro ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa tagal ng panahon kaya parang bago sa akin ang lahat. Lola's been suspicious about my actions earlier. Papaliwanag ko na lang sakanya pagkauwi ko.
"Hany!"
Nilingon ko si Aikee. He's my japanese classmate. Well, half japanese and half pinoy. Malayo pa lang kitang-kita ko na ang maliit niyang mata.
"Sabay ako, Hany!"
Tipid akong ngumiti sa kanya. Isang taon na rin akong nililigawan ng isang 'to at hindi sumusuko. Kahit pa na sabihin kong wala pa sa isip ko ang mga ganon, ayaw pa rin.
"Nasaan sina Isko?" I looked at his back.
Umiling siya at humawak sa strap ng kanyang bag. "Pinauna ko na. Sabi ko kasi sasabay ako sayo."
Tumango ako. "Tara na?"
Wala namang problema sa akin 'yon. Ayoko naman siyang tanggihan. Lagi ko namang pinapaalala na wala pa talaga akong balak.
"Buti nakasabay kita." Nakita ko ang malawak niyang ngiti. "Akala ko kaya hindi na tayo nagsasabay kasi may boyfriend ka na."
"Huh? Saan mo nakuha yan? Wala pa sa isip ko yan."
Mas lalong lumawak ang ngiti ni Aikee. "Kung sabagay, family first ka. Kaya nga gustong-gusto kita."
What I like about Aikee is he is very vocal with his feelings. Hindi siya nahihiyang sabihin na gusto niya ako o kahit malaman pa ng buong estudyante. Kung ako siguro, mamamatay na ako sa hiya. Ayokong may nakakaalam non dahil pakiramdam ko may magbabago.
"Aikee.." Banggit ko sa kanya para sana paalalahanan ulit.
"Alam ko na 'yon, Hany. Gusto ko lang naman na kasabay ka."
Ngumiti ako bago tumango. Sana lang ay hindi na siya umasa ng matagal. Ayokong magkaroon ng relasyon sa grupo ng mga kaibigan.
Hinatid ako ni Aikee hanggang sakayan, night class ang meron ako kaya nauna ang pasok ko sa trabaho. Mabuti na nga lang hindi ako ngarag. Ang hirap kanina! Dahil nga umaga ang pasok ko, nakaharap nanaman ako ng mga bastos na customers!
"Ang layo ng uuwian mo. Gusto mo ihatid kita hanggang terminal?" Tanong niya.
Halos mapatalon ako doon. Ang layo kaya ng bahay ko sa kanya! Agad akong umiling kasama ang mga kamay.
"Huwag na! Masyadong malayo.."
"Okay lang sa akin, Hany."
Umiling ako ulit. "Okay lang ako, Aikee. Ichachat na lang kita kapag nakauwi na ako."
Napansin ko ang pamumula ng mukha ni Aikee bago yumuko at dahan dahang tumango. Hindi ko sinasadyang paasahin siya roon pero iyon lang yung paraan para hindi na niya ako kulitin.
"Sige Hany, ha? Hihintayin ko chat mo."
Mabilis akong nakasakay. Kung sumama si Aikee mamomroblema pa ako. Saka isa pa, nandoon naman si Syche..
Teka...
Nandoon si Syche! Nandoon siya!
Nasapo ko ang mukha dahil doon. Ayokong-ayoko pa naman na magkasama kaming dalawa ngayon! Nakakainis.
Pero ano naman diba? He said he likes someone. Wala naman siyang binanggit na pangalan. Bakit nga ba ako iwas na iwas?
Hanggang tricycle ata hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni Syche. Ano ba, Hany?
BINABASA MO ANG
Stolen Memories (Arrhenius Series #4)
General FictionHarmony Estrella lost her parents at a very young age. Siya na ang tumayong ina sa nakababatang kapatid sa tulong ng kanyang lola. She's taught to be independent and to be strong. Isang pangyayari ang babago sa buhay ni Harmony at kailangan niya pu...