THIRTEEN
Hindi ata ako masyadong nakatulog dahil sa lakas ng ulan. Pagising-gising ba naman ako kasi inaalala ko yung bubong namin, baka mamaya nilipad na lang yun ng hangin.
"Gusto ko na matulog." Inis na sabi ko sa sarili.
Umupo ako at hinilamos ang mukha. Napatingin ako sa phone ko, nakatulog ba talaga ako o nakapikit lang? Dalawang oras na lang bago ako pumasok, a?
Humiga ako at nagdesisyon na magcellphone na lang. Just like what I did yesterday, I just keep on scrolling. Hindi ko na nga maintindihan yung mga nakikita ko, e. Lutang na lutang ako.
Akala ko mawawala na sa isip ko si Syche. He lied. First time! Ano namang masama kung sabihin niyang nag date sila ni Haida diba? Hindi ko naman siya pipigilan.
Bigla ulit lumabas ang chat head ni Jude.
McLuis Jude:
Umuulan. Hintayin kita sa harap.
Ako:
Huwag na! Opening ka rin ba? Mas mauuna duty mo sa akin, e.
I saw him typing a message, medyo nagising na ako.
McLuis Jude:
Okay lang. :) nandito naman yung mga bago, sila uutusan ko. Hahaha.
Sira talaga 'to. Parehas sila ni Aikee.
Ako:
Bahala ka. Pag napagalitan ka, labas ako diyan ha!
McLuis Jude:
Nanakot pa. Oo ba!
I did not reply after that. Nagsimula na akong mag-ayos at maligo. Medyo malamig nga lang dahil sa ulan at medyo pumapasok ang hangin sa loob ng banyo.
Alam kong masyadong maaga pa, pero mas okay na 'to. Kung hindi ako maliligo baka aantok-antok ako nito mamaya.
Nag-aayos na ako ng uniporme at lumabas ng kwarto nang biglang maamoy ang bagong luto sa kusina.
Gising siya? Lumabas ako kanina, wala pa siya, ha?
Lumingon si Syche sa akin. Mukhang nag sasangag siya ng kanin dahil sa amoy. Narinig niya ata ang bukas ng pinto ko.
"Ang aga mo, ha? Naligo ka na agad?" Gulat na gulat niyang tanong.
How in the world this guy looks extra good with his bedroom look?
Tumikhim ako. "H-Hindi ako makatulog, e."
He eyed me suspiciously. Takang-taka siguro kung bakit ang aga kong nakabihis.
"Malakas ang ulan, hahatid kita sa bungad." Ani Syche at pinatay ang kalan.
Pinanuod ko siyang kumuha ng plato at nilagay ang pagkain doon. Nagtimpla rin siya ng chocolate drink at nilapag sa mesa.
"Kain ka na?" Mahinahon niyang tanong.
"Bakit gising ka na?"
Mukha namang nagulat siya sa pagkakatanong ko. "Huh? Diba sabi ko, ipagluluto kita?"
"Hindi naman kailangan." Umiwas ako ng tingin at umupo na sa silya. He's standing beside me.
"Lagi naman kitang pinagluluto, ha? Anong problema ngayon?"
"Umalis ka kasi kagabi. Pagod ka. Kaya maiintindihan ko kung hindi mo magagawa ngayon."
Dama kong medyo maiirita siya sa sinabi ko pero totoo naman. Hindi na siya sumagot at nagsimula na akong kumain. Kung normal na araw lang 'to baka nagkukwentuhan lang kami.
BINABASA MO ANG
Stolen Memories (Arrhenius Series #4)
Ficción GeneralHarmony Estrella lost her parents at a very young age. Siya na ang tumayong ina sa nakababatang kapatid sa tulong ng kanyang lola. She's taught to be independent and to be strong. Isang pangyayari ang babago sa buhay ni Harmony at kailangan niya pu...