SEVEN
"Ano? Hindi na masama pakiramdam mo?"
Tanong sa akin ni Jude. Wala na akong lagnat, hindi na rin mabigat ang nararamdaman ko. Parang nag dahilan nga lang ako, e.
Umiling ako sa kanya. Pauwi na kaming dalawa.
Opening ako ngayon kaya alas kwatro ng hapon ang uwi ko, ito ang pinakamaagang uwi sa amin.
"Okay na ako, no! Mas malakas pa sa kabayo." Sabi ko, I even flexed my muscles. Tumawa siya.
"Ang payat, ha?" Aniya.
Off nanaman ni MJ ngayon, napapadalas minsan yung RD ni MJ dahil request ng magulang niya. Mas matagal si MJ sa akin at dahil kilala ang magulang niya, pinagbibigyan siya ng managers.
"Payat?" Tanong ko.
Sabi ni Syche, tumataba ako. Mukhang niloloko nanaman ako ng isang 'yon.
"Joke lang." Aniya at muling tinignan ang katawan ko. "Nagkakalaman ka na nga, lumalakas siguro kain mo, no?"
"Hindi naman." Nahihiya kong sagot. Medyo totoo 'yon, kahit naman itanggi ko, masarap talaga magluto si Syche.
"Kikiam?" Tanong niya. Nakakita kami ng stall ng mga tusok tusok.
Bihira lang kami magsabay ni Jude dahil kadalasan si MJ ang kasabay ko, masaya rin naman kasama ang isang 'to kaso medyo nababahala ako sa trato niya. I'm not dense. Alam ko kapag may intensyon ang isang lalaki sa akin. Pero ewan ko, baka sadyang friendly lang talaga siya?
"Ilan sayo?" Tanong niya.
"Libre ko na!" May pinag-aaral kasi 'tong kapatid, nakakahiya naman kung pati ako gastusan niya, diba?
"Sweldo ngayon, Hany. Marami tayong pera." He emphasized those last words.
Oo nga naman. Kanina, ganadong-ganado ako magtrabaho dahil alam kong may matatanggap ako! Minsan nga nagdududa na sa akin yung mga customers dahil masyadong masaya ang tono ko.
Sa huli, nag KKB kaming dalawa. Apat na klaseng street foods ang kinain namin at busog na busog ako!
"Dalawang order pa po, Kuya." Sabi ko.
"Ang takaw ha? Hindi mo pa nga ubos!" Kahit siya ay may kinakain pa rin.
"Hindi naman para sakin."
"Ah, para kay Archer?"
Hindi rin. Nakakatikim naman si Archer ng ganito, e. Si Syche, hindi pa. Naisip ko kasi na parang hindi sapat yung simpleng salamat ko sa kanya nung isang araw. Pwede na siguro ito bilang bawi?
"Mukhang uulan ha?" Tumingala kaming dalawa ni Jude sa langit.
Tama siya. Masyadong makulimlim. Anumang oras, babagsak na ang ulan. We both said our goodbyes before we part ways. Magkaiba kasi ang sakayan ko sa kanya.
Malamig na ang Kikiam pag-uwi ko, ininit ko na lang kaya?
Habang nasa kalagitnaan ako ng biyahe, narinig ko ang iilang mga katabi ko.
"Nakakaawa talaga yung nangyari sa panganay no? Iyon daw ang pinaka matagumpay. Sayang namatay lang!" Sabi ng matanda.
"Oo nga. Sayang at hindi siya kilala ng iilan. Lagi kasing yung pangalawa ang nagpapakita sa media imbes na siya."
"Plinano kaya ang magpatay doon? Pag mayaman talaga, lahat gagawin mo kahit sa kamag-anak!"
Napa ungot ang matanda. "Hindi ata! Mababait daw ang mga Arrhenius! Lahat sila may kanya-kanyang kompanya na. Napaka gahaman naman kung papatayin nila ang sariling kapatid!"
BINABASA MO ANG
Stolen Memories (Arrhenius Series #4)
General FictionHarmony Estrella lost her parents at a very young age. Siya na ang tumayong ina sa nakababatang kapatid sa tulong ng kanyang lola. She's taught to be independent and to be strong. Isang pangyayari ang babago sa buhay ni Harmony at kailangan niya pu...