FIVE
"Your finals is now approaching, please study the given modules."
Antok na antok kong isinarado ang notes at hinintay ang professor na makaalis bago ko ihiga ang mukha sa armchair.
Wala akong tulog.
Morning class ang mayroon ako ngayon, closing ako kagabi kaya ala una nanaman ako nakauwi. Gutom na gutom ako pagdating sa bahay. Good thing, someone with a good heart finally left me some foods in the ref. Hindi na ako nag-abala pang magluto.
"Antok?" Tanong sa akin ni Mace. Kaibigan ko.
Tumango ako at tamad na sumandal. "Uwian na diba?"
Tumango si Mace sa akin. "Kaso hindi pa pwedeng umuwi. May sisingilin ata si treasurer."
Nilingon ko si Janina, ang treasurer namin. Sinisimulan na nga nitong maningil sa kabilang row.
"Bigay ko na lang yung pera sayo, pwede ba yun?"
Hinampas niya ako ng notebook. "Hindi, no! Alam mo naman iyan. Kahit hindi nakakalito, malilito sa mga nagbabayad."
"Kung bakit ba kasi ginawang treasurer yan e bobo naman?" Nadinig ko si Grayson na nasa likod ko na pala. Isa siya sa mga varsity dito sa school.
"Nagsalita yung hindi bobo?" Dagdag ni Mace.
Tumawa si Grayson at binigyan niya ng yakap si Mace tapos tumungo sa akin at ginulo ang buhok ko. Dahil nga hindi ko kaklase si MJ, silang dalawa ang malapit sa akin. Halos parehas kasi kami ng mga edad. Yung mga gurang sa college. Huminto at nag-aral ulit.
"Ang daming ganap, no? Napapagod na ako." Reklamo ni Grayson, sumalampak siya ng upo sa gitna namin.
"Napagod ka pa sa lagay na yan e hindi ka nga natulong sa groupings!" Pambabara ni Mace.
"Huh? Sabi ko sayo chat mo sakin gagawin ko, e. Nagulat ako, pinasa mo na pala?"
Kahit masakit sa ulo, nakinig na lang ako sa bangayan ng dalawa. Minsan naiisip ko kung kailan matatahimik ang araw ko. Nawala nga ang nangungulit sa aking sina Syche at Archer tapos maririnig ko pa dito sa school ang away nila Mace at Grayson.
Mas matagal silang nagkakilala. Ako ang sumali sa kanilang dalawa. They approached me first. Hindi kasi ako yung tipong unang makikipag-usap. I'm scared they might get annoyed with me. Kaya naghihintay na lang ako kung sino ang kakausap sa akin.
"Estrella, singkwenta." Mataray na hingi sa akin ni Janina.
Nilabas ko agad ang fifty pesos. Kinuha niya 'yon, pinakatitigan bago tumingin sa akin saglit at nilista ang pangalan ko sa maliit niyang notebook.
"Wala ka bang maayos na singkwenta? Lukot lukot, e. Yung mga pera nila maayos lahat. Sayo lang hindi."
Naalarma tuloy ako sa sinabi niya. Medyo nahiya dahil may ilang nakarinig non!
Nagkukumahog akong kumuha ulit ng pera sa wallet at ibinigay sa kanya. Pabalang naman niyang binalik ang pera ko at lumagpas na.
"Arte mo, Janina. Hindi mo naman itatabi yan." Anas ni Grayson.
Janina didn't talk back. Umirap lang ito at saka kinuha ang hinihinging pera bago nagmamadaling umalis.
"Arte arte non!" Bubulong bulong pa si Grayson.
"Okay ka lang, Hany? Dapat hindi mo hinayaan na ganunin ka." Ani Mace.
I gave her a thumbs up. "Kung pumatol ako r'on edi naging katulad na niya ako?"
BINABASA MO ANG
Stolen Memories (Arrhenius Series #4)
Ficción GeneralHarmony Estrella lost her parents at a very young age. Siya na ang tumayong ina sa nakababatang kapatid sa tulong ng kanyang lola. She's taught to be independent and to be strong. Isang pangyayari ang babago sa buhay ni Harmony at kailangan niya pu...