Chapter One

1.4K 51 15
                                    

ONE

Hindi ko maintindihan kung bakit ako pumayag sa kagustuhan ni Archer. Siguro masaya rin akong nakikita si Lola na ganito kasaya. Ilang taon na rin ang lumipas simula nung mawala si Kuya Nathe. Ilang taon na ring malungkot si Lola. Pero kahit naman noong wala pa siyang sakit hindi niya pinapakita sa amin na malungkot siya.

Ang dami dami nang nawala sa kanya. Siguro nga, kahit dito lang, makabawi kami sa pagkupkop niya sa amin. Pero, bakit ganun? Parang mali pa rin?

The guy wore Archer's clothes. I was right! Masikip nga masyado ang mga damit ni Archer para sa kanya. Bibilhan ko na lang siya ng ukay-ukay bukas gamit ang natitira kong sweldo.

"Kumain ka ng marami, Nathe, apo." Magiliw na sabi ni Lola sabay lahad pa ng ulam sa pinggan ng lalaki kahit marami pa 'yon.

Tumango lang ito at nagsimulang kumain. Hindi ko maalis ang tingin sa telang nakapalibot sa ulo nito. Kinakabahan talaga ko sa pinaggagawa namin ni Archer!

"Hany, kumain ka na. Masamang pinaghihintay ang grasya." Puna sa akin ni Lola.

"Ahh.. sige po." I awkwardly smiled at her.

Nagsimula na akong kumain. Pansin kong nararamdaman ni Archer ang kaba ko kaya ilang beses niya akong siniko palihim.

"Ayos ka lang?" He asked.

Inirapan ko siya. Anong klaseng tanong yan?

"Itong mga kapatid-kapatiran mo. Sa akin na lumaki 'to. Simula nung namatay magulang nila, ako na kumupkop sa mga yan." Kwento ni Lola sa lalaki at sinalinan ito ng tubig.

Napabaling ng tingin sa akin yung lalaki. I don't want to call him Nathe. Well, not for now! It feels weird. Humigop ito ng sabaw sabay tango kay Lola.

"Si Hany saka si Archer yang mga yan." Sabi pa ulit ni Lola. "Napakilala ko na sila sayo noon! Nung maliit pa lang itong si Hany!"

"Wala po akong matandaan. Pasensya na." Sabi nung lalaki at parang kanina pa gustong makaalala sa mga pinagsasabi ni Lola.

Nahinto si Lola sa pag asikaso sa kanyang apo-apohan at bumaling dito. "Bakit? Nauntog ka ba, apo?"

"Ah, Lola. Si Kuya Nathe po kasi makakalimutin, diba? Tapos po kwento niyo sa amin noon na nabagok ulo niya dati kasi umuwing lasing!"

Halos maluwa ko ang kinain sa mga sinabi ni Archer. Wala naman sinabing ganoon si Lola noon, ha? Is he taking advantage of her illness? Kasi alam niyang wala naman matatandaan si Lola?

Tumingin ang matanda sa taas at paulit-ulit na tumango. "Ah, oo nga."

"Nabagok ako dati?" Tanong ni... Nathe.

"Oo, kuya! Kaya ayun, baka parte yan ng pagkakabagok mo! May mga hindi ka maalala!"

"Nabagok din ba ako kagabi?" Tanong niya at hinawakan ang sugat na nakatago sa tela. Napapikit pa ito ng konti nang madampian iyon ng kamay niya.

"Ang lakas ng pagkakahulog mo sa kama, kuya!" Archer exaggerating things now!

Nandidiri ko siyang nilingon. Is that the best excuse he can come up with?!

"Tulungan mo naman ako dito, ate." He said in a gritted teeth.

Napabuga na lang ako ng hangin. Sige na nga.

"Last week ka pa nakabalik. Tapos akala ni Lola kahapon lang kasi may sakit siya.." Naiilang akong tumingin kay Archer na patago akong chinecheer. "Tapos ano, nahulog ka sa kama kahapon kasi lasing ka kaya ano.."

Ramdam ko ang pagkakadismaya ni Archer sa dahilan kong baluktot. Nagtatanong ang mga titig ni Nathe sa akin at tila naniniwala naman. He looks very attentive with all the lies we're feeding him.

Stolen Memories (Arrhenius Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon