Heart 8

22 0 0
                                    


Chapter 8
CASSAVA

Masayang kakuwentuhan ang Mama ni Borron. Tumulong kaming maglinis sa tent nila pagkatapos magdistribute at pagkatapos ay nagkuwentuhan na. Borron has no choice but to accommodate us. Nagpumilit din kasi kami.

"Alam mo noong kasing edad mo pa ako, four years old din ako," si Migoy na kanina pa niloloko iyong bunsong kapatid ni Borron.

Ginabi kami sa pagkukuwentuhan. Kung hindi ko pa naalalang may kailangan pa palang umuwi sa malayo ay hindi ko pa maiisipang ihinto ang pagtatawanan namin. Borron's mom thanked us before we bid our goodbyes.

Sumabay kami kay Ma'am Amanda pauwi. Hinatid din kami ni Borron sa sakayan hanggang sa makakita kami ng multicab na kasya kaming lahat.

"Hindi ko pa alam kung kailan ako makakapasok pero papasok ako kapag maayos na ang kalagayan namin," sabi ni Borron.

Tumango ako. "Walang problema. Alam ni Ma'am ang sitwasyon niyo rito kaya maiintindihan niya kung matatagalan ka pa sa pagpasok. Ako na rin ang bahalang magpaliwanag sa mga subject teachers natin."

He nodded.

"At hindi ka makakatakas sa mga assessments, ha! Ako ang maghahatid ng mga worksheets mo rito at iba pang kailangan mong habulin. Sasagutan mo 'yon sa ayaw mo't sa gusto para makahabol ka pa rin kahit wala ka sa klase."

"At kung hindi ko gagawin?" hamon niya.

"Edi 'wag? Hindi naman ako ang uulit ngayong taon?"

Umismid siya at bahagyang inirapan ako. "Pumasok ka na."

"Tawagan at i-text mo 'ko! Kung wala akong update sa'yo sa loob ng tatlong araw, susugod ulit ako rito!"

"Whatever, Lara. Umalis ka na nga!" sabi niya at pinapasok na ako sa loob ng tricycle. "Bye!"

"Bye, Borron! You are harsh and evil, but we had great time today so I'll let it pass!" kaway ni Sindy.

"Bye! Ingat kayo ni Tita na mabait! Not like you at all!" si Margie.

"Ingat ka, p're," si Hans.

"Mag-ingat ka talaga kay Hans dahil sinumpa niyang magigiba ang baranggay niyo. Tingnan mo ngayon-" nagawa pang humirit ni Migoy pero kinulong agad siya ng mga boys si sinuntok-suntok siya.

Hans hit his head. Migoy was so wrong to say that so I also hit him. Amanda shushed them all because they're so noisy and the vehicle is moving too much.

Nang makaalis kami ay nagpatuloy ang kwentuhan. I looked at Sirius who was busy playing and laughing with the boys.

I tapped his thigh to get his attention. Napaigtad siya at gulat na napatingin sa akin.

"May sakayan pa papunta sa inyo? Gabi na, Sirius. Kapag ganitong alam mong magagabihan, pwede ka ng maunang umuwi."

Gulat pa siya nang sumagot. "May sakayan pa. Sa bus stop. Magbu-bus ako."

"Sure ka? Kung ganoon, ikaw ang ipapahatid natin una sa bus stop."

He shook his head. "Kayo ang unang ihahatid mga babae."

"Pero-"

"Kayo muna, mayor. Kahit lumampas na at magdodoble ako ng pamasahe. Hindi ako papayag kapag hindi ka unang nakakauwi."

And that's what he did. Pagkatapos maihatid sina Margie, Jessa at Sindy, nagpahatid na rin ako sa amin. Nagulat ako nang bumaba rin si Sirius. Kinuha niya ang bag ko at hinatid ako hanggang sa gate.

"Okay na ako rito. Bumalik ka na. Salamat sa pagpunta kanina."

Tumango siya, namumungay ang mga mata.

If You Speak Your Heart (Heart Series #1)Where stories live. Discover now