Chapter 18
CHRISTMASAbot langit ang tuwa namin nang tanghaling panalo ang aming parol at christmas tree. May kaunting price kaming natanggap at napagdesisyunan naming idagdag na lang iyon sa mga pagkain namin sa year-end party.
“Kaya dapat sumali ang lahat sa year-end party para makakain kayo sa price natin, okay? Last year na natin 'to kaya sulitin na natin!” pangungumbinsi ko sa lahat.
I didn't really expect that I would care this much for this section. Siguro dahil kahit papaano, may relasyon na rin ako sa kanila at napalapit na rin sa iilan.
May mga hindi ko pa rin bati, pero hindi ko naman din inaasahang makakasundo ko ang lahat. Ayos lang 'yon. Ang importante, nagkakaisa pa rin kami.
“Marami akong ihahandang mga games kaya mag-e-enjoy talaga kayo, promise! May mga prices din kaya sumali kayo, ha?”
Mahirap kumbinsihin ang mga wala talagang plano at iyong mga hindi naniniwala sa pasko kahit pa year-end party naman iyon— hindi necessarily na christmas celebration.
Pero hindi ko rin naman pwedeng pilitin kaya wala akong magawa. Ang magagawan ko lang ng paraan ay iyong mga hindi makakasali dahil walang pambili.
“Sino ang hindi makakasali dahil walang pambiling gifts at iba pang kailangan sa year-end party natin?”
Marami-rami rin ang nagtaas ng kamay. Hindi naman malaki ang napag-usapan namin sa price ng gift pero baka hindi rin talaga nila kaya iyon.
“Sige, humingi na kayo ng pahintulot sa mga parents niyo na gagabihin kayo ng uwi simula bukas.”
Lito sila sa ibig kong sabihin. Ngumiti ako.
“Mangangaroling tayo,” sabi ko.
Akala ko ay magrereklamo sila dahil mahihiya pero mukhang nagustuhan pa nila ang ideya. Nakakahiya lang naman ang caroling kapag mag-isa ka pero kapag marami kayo, masaya talaga 'yon.
Nagplano kami ng kakantahin kinabukasan. Nagdikdik na rin kami ng mga sarsa at nagsipagdala ng mga handbells, mga laruang tambourines at cymbals para pampaingay.
“Sasama ako mangaroling!” sabi ni Sirius na ngiting-ngiti pang lumapit sa sa kumpol namin.
Kinunutan ko siya noo. Hindi naman siya naghands-up kahapon?
“Hindi pwede. Gagabihin kami. Alam mong malayo sa inyo," sabi ko.
“Ano ngayon?"
“Anong ano ngayon? Mahihirapan kang umuwi! Alam mong bihira ang bus sa malapit na bus stop kapag gabi.”
“Makakauwi ako, promise. 'Wag kang mag-aalala sa akin." Ngumiti siya.
Sumimangot ako. Ngumiti lang siya lalo at ipinakita sa akin ang dalang gitara.
“Mag-aambag naman ako. Ako ang tutugtog ng gitara para sa inyo."
"Talaga?"
He chuckled. "Oo. Marunong ako."
“Uy, sali rin kami diyan, mayor!”
“Ano namang ambag mo, p’re?”
“Ako mag-alto! Dapat kasi blending-blending 'yan!" sabi ni Migoy na kumukumpas pa sa kamay.
Hindi na nagpapigil sina Hans, Migoy at Rome at sumali na rin sa amin. Hindi ko nga alam kung seryoso ba 'tong mga 'to o bumubuntot lang kay Sirius.
Kinagabihan ay umuwi muna kami para magbihis. Si Sirius ay kina Migoy na nanghiram ng damit. Bandang alas sais ay nagtipon na kami at nagsimula ng mangaroling sa mga bahay na nadadaanan.
YOU ARE READING
If You Speak Your Heart (Heart Series #1)
Teen FictionTransferred from Manila to a public school in her grandmother's province, Laurasia Vicente was unfortunate to qualify to the higher sections of her new school. She ended up being the class mayor of Section D-- the second to the lowest and the worst...