Chapter 4
TRANSFERThe opening of the intramurals was smooth. Nasa gymnasium ang lahat para sa opening program at sa pagsisimula ng Mr. and Mrs. Intramurals.
I assisted Sindy the whole time with all the things she needed in the pageant. Ayaw siyang suportahan ng mga kaklase namin kaya tinakot ko pa ang mga kumag para magsi-attend.
“Ang maiiwan dito ay magkakaroon ng special worksheet sa lahat ng subject! Sasabihan ko lahat ng teachers natin, sige!”
Kaya wala silang magawa kundi dumalo sa opening, sumuporta sa candidate namin at ubusin ang boses sila sa pagche-cheer.
Pagkatapos ng opening ay kanya-kanya ng dalo ang lahat para sa kanilang mga category.
Maraming category ang intramurals. Hindi lang mga physical sports kundi mga mental sports din. Kaya may battle of the brain, joker game, chess at iba pa.
Sa amin lahat, si Hans lang ang naglakas-loob sa battle of the brain. Akala ko hindi siya seryoso roon pero nakita kong nangunguna ang pangalan niya sa list.
“Bow down to the King of the overfatigue, Hans Mariano!” anunsyo ni Migoy na kanina pa siya inaasar.
Nasa booth at nagbebenta ang iilan sa amin ngayon habang hindi pa schedule ng category at sports nila.
Hindi man lang nagpikon si Hans. Ngumisi pa siya at tumayo para mag-angat ng dalawang balikat habang sinuntok-suntok ang sariling dibdib.
“Ako ang itinakda! Ako ang utak!”
“Ako ang itak yata ‘yon, ‘pre,” ngisi ni Sirius na kanina pa rin nakikipag-asaran sa kanila.
Humagalpak si Migoy. Nagtutulakan at nagbabatukan na silang dalawa sa likod.
“Ayos lang, ‘pre. Itak talaga ang tingin mo sa akin dahil matalas nga naman ang utak ko.”
Proud pumalakpak si Migoy. “Tibay! Hans lang ang malakas!”
“Malakas ang tama?” tawa ni Sirius.
Natatawa na rin tuloy ang mga bumibili sa kanila. Napansin ko ang titig sa akin ni Sirius nang lumapit ako kay Hans.
“Ngayon ang first round, Hans?”
Ngumisi siya sa tanong ko. “Oo, yor.”
“Good luck. May kailangan ka ba?”
I saw Sirius shifted in his seat. Nag-aasaran pa rin sila ni Migoy pero ang mga mata niya ay abala na sa akin.
“Kaya ko na ‘to! Ako ang itinakda! Ako ang utak!”
Ngumiwi ako.
“Moral support or anything?”
“May moral na ako kaya hindi ko na kailangan ng support.”
Narinig ko na naman ang malakas na halakhak ni Migoy. I smirked and nodded.
“Okay, then. If you need anything, lumapit ka agad sa akin.”
Ngumisi siya at bumalik na naman sa pagsusuntok sa kanyang dibdib. “Ako ang itinakda! Ako ang utak!”
My classmate, Keisha, was scowling at me when I returned to the front to entertain customers. Parang diring-diri siya sa ginawa ko.
“You really allowed him? That idiot? Alam mong napakabobo niya! Hindi nga makapasa sa simpleng quizzes natin! Ipapahiya lang niya ang Section D!”
Isa pa tong hindi rin naman nakakapasa.
“Sige, hindi ko siya papayagan, pero ikaw ang papalit?”
She glared at me with horror in her face. Ningisian ko siya.

BINABASA MO ANG
If You Speak Your Heart (Heart Series #1)
Teen FictionTransferred from Manila to a public school in her grandmother's province, Laurasia Vicente was unfortunate to qualify to the higher sections of her new school. She ended up being the class mayor of Section D-- the second to the lowest and the worst...