Chapter 10
CRYWe presented our presentation in Araling Panlipunan. Puro tawanan lang ang buong klase dahil sa mga skits at adlibs ng ibang grupo sa kabila ng seryosong isyu na ini-apply nila sa bawat presentation.
I found Migoy group’s presentation the funniest but the most relevant one. Ewan ko ba, hindi naman pagpapatawa ‘yong flow na ginawa ko sa kanila kahapon pero career na career kasi ni Migoy ang role niyang rebelde. Halos buong sahig sa classroom ang ginulungan niya.
“Salamat sa libreng floor cleaning, p’re!” tawanan nina Rome dahil ginawa ng pamunas ni Migoy ang suot niyang polo kakagulong sa sahig.
Tumatawa na rin si Ma’am Sanchez, hindi maseryoso ang play nila.
They got the highest score. Hindi lang din kasi dahil sa nakakatawa iyon, maayos din nilang na-execute ang topic nila. Partida, pinag-aawayan pa nina Sindy at Migoy ‘yon. Kahapon pa rin sila nagpractice. They deserve it, though.
“Sana hindi mo sila tinulungan kahapon! Tingnan mo ngayon, mas mataas ang grade nila sa atin!” buntong ni Rio sa akin pagkatapos mag-announce ng points ni Ma'am.
“What? They executed it well so they deserve their grades.”
“Pero kung hindi mo tinulungan, nganga ‘yan sila!”
“So what do you want me to do? Get their grades kasi sa akin naman galing ‘yong script nila? I helped them because I want to. It’s their effort that made them get that high grade. I hope you fix that mindset of yours, Rio. That won’t make you better than everyone.”
Hindi na siya sumagot at bumalik na lang sa upuan. I really don’t know what’s the problem with it. Hindi ko nga iniisip ‘yon, siya pang madalas lang sumulpot sa practice namin?
“Tama naman din si Rio. Nganga talaga kami kung hindi mo kami tinulungan sa script at flow. Salamat, mayor! Kung pwede lang hatian kita sa grades namin, e!” sabi ni Migoy sa likod ko.
“I really didn’t think of that. You deserve your grades.”
Ipinapatuloy ni Ma’am ang discussion sa natitira niyang oras. Hindi nga lang ako makapagpokus sa pakikinig dahil maingay sina Migoy at Sirius sa likod ko.
Their original seats are in the back pero mukhang tama nga ang bansag sa kanila ng adviser namin na bubuyog sila—palipat-palipat ng upuan.
“Ano type mo sa babae?” rinig kong paulit-ulit na tinanong ‘yon ni Migoy kay Sirius dahil siya sinasagot ng huli. “Sige na, p’re!”
“Huwag kang makulit.”
“Dali na! Anong type mo?”
“Wala.”
“Anong wala? Meron ‘yan! Kahit ideal lang, ganoon!”
“Hindi ko alam.”
“Alam ko, gusto mo ako magsabi?” ngisi ni Migoy.
Bumubulong lang naman sila pero dahil nasa likod ko, naririnig ko pa rin.
“Pinagsasabi mo, ugok,” Sirius said in a cool tone.
“Ano? Ako ang magsabi o ikaw na?”
“Ang dami mong alam.”
“Uy, takot mabuking!” Humagalpak si Migoy. “Buking ka na, ugok. Ano? Ako ang magsasabi?”
“Fine. Gusto ko ‘yong demure.”
Bumunghalit ng tawa si Migoy. It was his hardest restraint laugh. Bahagyang napalingon si Ma’am Sanchez sa banda nila pero dahil abala na rin ito sa mga tanong ng mga kaklase ko, pinalagpas na.
YOU ARE READING
If You Speak Your Heart (Heart Series #1)
Teen FictionTransferred from Manila to a public school in her grandmother's province, Laurasia Vicente was unfortunate to qualify to the higher sections of her new school. She ended up being the class mayor of Section D-- the second to the lowest and the worst...