Chapter 2
INTRAMS“Hindi ko alam na hindi pala pumapasok sa klase si Sirius, Ma’am. Maaga kasi siyang umaalis at nag-u-uniporme naman kaya akala ko sa eskwelahan patungo,” ani Mr. Eltagonde.
Abala ako sa pagnguya ng puto cheese nang mapansin ang paninitig sa akin ni Eltagonde. Tinaasan ko siya ng kilay. Kasali siya sa tinatanong ni Ma’am Torres pero mukhang mas abala siya katitingin sa akin.
“Saan ka nagtutungo kung hindi sa school, Sirius?”
Bumuntong-hininga si Eltagonde. Nasa akin pa rin ang tingin niya habang sinasagot si Ms. Torres.
“Sa trabaho lang po.”
“Nagtatrabaho ka?”
Napatigil din ako sa pagkain. Nagtama ang mga mata namin ni Sirius.
“Opo.”
“Pwede ko bang malaman kung bakit ka nagtatrabaho?”
“May sakit po kasi ako, Ma’am. Pati ang lola niya na nakataratay ngayon sa kama, matindi rin ang sakit. Pasyensiya na po. Kukumbinsihin ko po si Sirius na pumasok kasi iyon naman po ang dapat. Hindi ko po ipinagkakait sa anak ko ang pag-aaral, Ma’am. Mahirap kami pero alam ko kung gaano kahalaga ang edukasyon.”
“My father didn’t know that I worked instead of going to school. Desisyon ko po ito, Ma’am. Hindi ko sila puwedeng hayaang gumalaw at magtrabaho."
I completely stopped eating. Nakatingin na si Eltagonde kay Ma’am. Miss Torres was silent for a while, hanggang sa hindi ko na masundan pa ang usapan nila.
Habang nag-uusap sina Mr. Eltagonde at si Miss Torres sa loob ng bahay, kinausap ko naman si Sirius sa labas. Nakaupo siya sa nakatihayang katawan ng niyog, nakalagay ang dalawang siko sa magkahiwalay niyang mga binti habang nagsusulat sa lupa gamit ang isang stick.
“How’s school? Binubully ka pa rin ba?” naunahan niya ako sa pagtatanong.
I rolled my eyes. “They never gotten saint.”
“Sinabi ko naman sa’yong huwag mong hayaan na ikaw ang pamahalaan nila.”
I sighed heavily. “Ayoko silang pag-usapan.”
He licked his lower lip and nodded.
“I’m still not sure if I can attend school every day now, Parenias. Kagaya ng sabi ko, abala ako sa pagtatrabaho. Hindi ko pwedeng pabayaan ang bahay. May sakit pareho si tatay at lola. At maliliit pa ang mga kapatid ko.”
“You’re too young to work. Is that even okay?”
He pursed his lips. “Sideline lang ang mga trabaho ko. At magaan lang. Tumutulong lang sa panday, sa pagbubuhat ng semento, nag-aayos din ng mga sirang makina o sasakyan, nangingisda, nang-aani ng mga palay, prutas at ibang pananim… Ganoon lang.”
“That’s too much work…” I mumbled in awe.
Ngumisi siya. “Hindi marami ‘yon sa mahirap na kagaya namin.”
“Paano ang pag-aaral mo kung ganoon? Hindi ka ba nag-aalala na makaulit ka?”
“May mga kaibigan naman ako na tumutulong sa akin minsan.”
“Sino?”
“Sina Migoy at Hans.”
My face probably showed a distasteful face that made his lips rose in amusement.
“Anong maitutulong ng dalawang ‘yon maliban sa pagbubulakbok at paglalandi ng mga babae?”
“Binibigyan nila ako ng notes at sinasabi nila sa akin ang mga importanteng exams at performance task.”
YOU ARE READING
If You Speak Your Heart (Heart Series #1)
Teen FictionTransferred from Manila to a public school in her grandmother's province, Laurasia Vicente was unfortunate to qualify to the higher sections of her new school. She ended up being the class mayor of Section D-- the second to the lowest and the worst...