Chapter 16
CLEANINGThe tug of war will have a rematch— with the original players this time. That was the last thing I heard after that heated moment of our section and Mara’s.
Syempre dahil hindi naman din tama iyong laban kahit pa klaro namang kami ang nanalo. Partida, kaunti lang kami noon kaysa sa kanila.
Hanggang ngayon, nag-aapoy pa rin ang dugo ko sa hayop na Mara na ‘yon. It wasn’t just me who got strains and injuries. May iilan din sa mga kaklase ko na isinugod sa tent.
Hindi ko talaga alam kung anong tumakbo sa utak niya at bigla niyang ginawa ‘yon. Harap-harapang nandaya para lang matalo kami!
Ginagawa niyang personal ang lahat. Baliw! Kung masama ang loob niya sa pagrereport ko noong nagsolicit kami sa kanila, aba, hindi ba’t kasalanan naman nila ‘yon? Sila naman ang nambastos sa amin noon ni Sirius!
"Red mamaya, ha! Dapat nandoon na tayo sa hall by 5:00 pm! Para makaupo tayo sa unahan!"
Today is the last day of sport fest. Ngayon na rin ang final ng search for Mr. and Mrs. Intramurals. Kaya busy ulit kami sa pag-prepare at pag-a-assist ng mga kakailanganin nina Serene at Sirius mamaya.
The boys were so effortful with their Sirius and Serene's mini-stand. Kalahati lang ang tangkad noon sa katawan nila at nabibitbit lang din. The girls were busy bloating, curling and designing our balloons, posters and banners.
"Wow! It's so cute!" Sindy was jumping in joy when she saw the mini-stands.
Migoy smirked. "Ako lang 'yan."
"What? Si Sirius and his mini-stand ang cute. Not you!"
"Ako naman ang may gawa kaya cute din dapat ako."
"No, you're not!"
"Ah, kasi gwapong-gwapo ka, ano?" ngisi ulit ni Migoy.
Sindy looked at him, disgusted. "Not din!"
Migoy laughed. Nagtalo pa silang dalawa roon samantalang nag-ayos na kami lahat.
Bandang alas singko ay nasa hall na kami. Pinadala na lang namin sa trainer ni Serene ang mga gamit ni Sirius dahil bawal kami sa backstage. Maayos at settled na rin naman daw sina Sirius doon.
Hindi kami kumpleto dahil may mga hindi pinayagang magpagabi pero marami pa rin naman kaming dumalo.
When the program started with blast production number of the contestants, hindi na kami magkamayaw sa pagsigaw. Our energy tripled. It was so high than before.
During sports attire, Serene sported a gymnastic custome and Sirius with his swimming attire— with only his swimming shorts on, goggles on his head and a beach ball.
He was topless. Kaya halos sumabog ang buong hall nang makita ng lahat kung gaano kaganda ang katawan niya.
I was dumbfounded. It's the first time I saw his body, too. It was well built. Hindi tipong macho, pero maganda ang hubog ng katawan niya.
"What the fuck? Who is he? Ang yummy!"
"Ang hot! Ang gwapo!"
"Siya 'yong gwapo sa Section D!"
"Hala, Kuya sisirin mo ako!"
What the hell?!
Halos samaan ko ng tingin ang mga sumigaw noon. Mga bastos? I-rereport ko kayo!
Mabuti na lang at pagdating sa question and answers, iba na ang suot nila. Kabadong-kabado na kami dahil magagaling sumagot ang mga contestants. Most of them are from higher sections.

BINABASA MO ANG
If You Speak Your Heart (Heart Series #1)
Novela JuvenilTransferred from Manila to a public school in her grandmother's province, Laurasia Vicente was unfortunate to qualify to the higher sections of her new school. She ended up being the class mayor of Section D-- the second to the lowest and the worst...