Chapter 20
VALENTINESAt the last week of the month, naging instant professional kami sa career guidance— ganap na ganap sa propesyon na gusto namin. We were all dressed according to our desire professions. Sa araw na iyon, mangha-mangha ako sa mga kaklase kong nakabihis ng pang-doctor, nurse, firefighters, seaman, engineers, businessmen and businesswoman, artist at marami pa.
I've witnessed how they all look so good with their dream suits. Hindi ko rin mapigilang isipin na ang ganda siguro kapag kaming lahat sa Section D ay nakamit ang mga pangarap namin. Gusto kong mapatunayan sa lahat na ang seksyong ito ay kaya ring umabot ng pangarap at magkaroon ng magandang buhay.
"Ah!" gulat kong sambit nang biglang may mga malamig na palad ang lumapad sa leeg ko.
Napatingin ako sa likod at nakita si Sirius na may dalang malamig na bottled water. He chuckled and seat beside me in the ground. Nasa field kami ngayon at nagbibilad sa araw dahil may practice ng field demo. Binigyan kami ng ten minutes break kaya nagpasilong muna kami sa shed at mga puno habang hinihintay na tawagin ulit ang set namin.
Sirius opened the bottled water and a biscuit for me. Pagkatapos ay naglabas siya ng hand fan at itinapat iyon sa akin.
Napapikit ako at parang nasa langit ang pakiramdam. He chuckled again and moved it more closer to my face and neck. Pawisan din siya pero mas siniguro niyang sa akin napupunta ang lahat ng hangin sa handfan.
"Ikaw naman," sabay tulak ko sa handfan.
"Ayos lang ako. Para sa'yo talaga 'to."
"May extra panyo ako. Kailangan mo?"
Ngumiti siya at umiling. "Gamitin mo na lang sa'yo."
"May ginagamit na akong panyo. Ilagay ko na lang sa likod mo?"
Nanlaki ang mga mata niya. He licked his lower lip and nodded. Bahagya ko siyang pinatalikod para mailagay nang maayos sa likod niya ang panyo. He was looking over his shoulder and watched me take good care of him. Nakasunod pa rin sa mukha ko ang handfan niya.
"May dala ka bang extra t-shirt?"
He nodded and stared at me. Pinabalik ko na siya sa pwesto pagkatapos mailagay sa likod niya ang panyo.
"Magpalit ka ng damit pagkatapos ng practice natin."
He nodded obediently.
"Uminom ka rin ng maraming tubig. Ako na lang lagi ang binibigyan mo."
"Opo."
"Nagugutom ka ba?"
Umiling siya pero nang makitang inaalok ko ang biscuit sa kanya, kumagat agad siya. We shared the biscuits and water. Nang mapansin niya ang panyo ko sa kamay, ininguso niya iyon.
"Iyan ba ang panyong ginagamit mo?"
"Uh, oo."
Sinulyapan ko ang mukha niya. Pawisan siya sa mukha at leeg. Ngumuso siya.
"Pawisan pa ako. Pwede ko ba gamitin?"
"Itong panyo? Nakagamit ko na 'to."
"Sa pawis mo lang ba? Ayos lang."
"Hindi ko naman masyadong ginamit. Pero... sure ka?"
He nodded. Kukunin na sana niya ang panyo pero inangat ko ang kamay ko at ako na nagpunas sa pawis niya. I felt him went stilled. Tumatambol na rin ang puso ko pero nagpatuloy ako sa pagpunas ng pawis niya.
I can smell his perfume. He smelled so good. Parang mas lalo siyang bumabango kapag pinagpapawisan. Nakatitig lang siya sa akin habang pinupunasan ko siya. Namungay din ang kanyang mga mata.
YOU ARE READING
If You Speak Your Heart (Heart Series #1)
Teen FictionTransferred from Manila to a public school in her grandmother's province, Laurasia Vicente was unfortunate to qualify to the higher sections of her new school. She ended up being the class mayor of Section D-- the second to the lowest and the worst...