Heart 12

36 0 0
                                    


Chapter 12
FIGHT

I informed Sirius na magsisimula na ang rehearsal nila ni Serene sa school hall bukas. Kaya kinabukasan, saglit ko lang siyang naabutan sa classroom dahil in-excuse na agad sila ni Serene buong araw sa klase.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang sumali nga siya. At dahil lang sa ayaw niyang pinoproblema ko pa ‘to! Nababaliw na ba siya?

Naalala ko pa kung gaano niya kaayaw sumali sa pageant. Dalawang taon ko siyang kinukumbinsing sumali pero ayaw niya talaga. Ganoon din katindi ang pag-ayaw niya noong niluklok siya ng lahat biglang class adonis namin kasi ano raw ba ang magagawa niya sa posisyon na ‘yon kung ayaw siya sa kahit anong patimpalak ng pagwapuhan!

Tapos ngayon, sumali siya dahil lang sa ayaw niya akong mamoblema?

Sa bagay, hindi ako namoblema noong mga nakaraang taon dahil hindi naman required ang contestants every section sa pageant. Pero ngayon, strictly required na dahil kaunti lang ang sumasali kapag hindi mandatory each section.

Hindi ko tuloy alam kung ipagpasalamat ko bang siya ang nagvolunteer na sumali para sa amin. It suits him… but it feels like he will be out of place because it’s not so him.

Laman tuloy siya ng isip ko buong araw sa klase. Hindi ko siya nakita buong araw maliban sa lunch time. Kaya pagkatapos kung maipasa ngayon ang listahan ng mga sasali sa SG office ay hihintayin ko siya sa classroom.

“Uuwi ka na ba, Lara?” tanong ni Pres Calvin sa akin.

“Uh, may hinihintay ako.”

He smiled. “Hindi rin ako makakasabay sa’yo umuwi ngayon dahil overtime kami sa office. Sasamahan na lang kita pabalik sa classroom niyo ngayon.”

Gusto ko sanang tumanggi pero sabi niya ay may dadaanan din daw siya papunta sa amin kaya hinayaan ko na. Bumili siya ng ilang snacks at nagulat ako nang ibinigay niya iyon sa akin.

He only smiled and stopped me from giving it back to him. Tinanggap ko na lang para hindi na kami magtalo at para makabalik na ako sa classroom.

Hanggang sa pintuan lang niya ako sinamahan dahil kailangan na rin niyang umalis.

Pagkapasok ko sa classroom ay nagulat ako nang makitang pinagkakaguluhan sina Migoy ng mga classmates ko. Kaunti na lang ang natira sa classroom dahil nagsipag-uwian na ang iba.

Nagtama ang mga mata namin ni Sirius at halos matulos ako sa kinaroroonan nang makita siyang may galos at sugatan. Silang lahat na pinapalibutan doon ay ganoon— si Migoy, Sirius, Hans at Rome. I saw Sirius’ eyes followed Pres Calvin who just walked away before his gazed went back to me.

“A-Anong nangyari sa inyo?” ang nasambit ko pagkatapos ng ilang minutong pagkatulala.

Lumapit ako sa kanila. Nanatili ang malamig na titig sa akin ni Sirius habang nagmamartsa ako papalapit, nangangantal at nababagabag.

Parang tinatambol ang puso ko. Hindi ko alam kung saan ako lalapit. Kasalukuyang ginagamot mag-isa nina Rome, Migoy at Hans ang mga sugat nila habang nagtatawanan na parang biro lang ang mga pasa nila sa mukha!

“S-Sirius, anong nangyari?” tanong ko at nang hindi siya sumagot ay binalingan ko si Rome. “Rome…”

“Ayos lang kami ‘yor. Napaaway lang.”

“Napaaway lang? Saan kayo nakipag-away? Anong nangyari?”

“Napaaway lang talaga. Maliit na bugbog lang ‘to. Malayo sa bituka.”

“Rome!” I called him frustratedly and nervously.

Alam kong lagi silang nakikipag-away pero hindi pwedeng hayaan na lang ito! At paanong nadamay si Sirius? Nakipagbugbugan din siya?

If You Speak Your Heart (Heart Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon