AIAH POV
---Tahimik ang lahat sa lamesa, seryosong kumakain, at halos walang nagsasalita.
Napansin kong nakatitig lang si Mike kay Cole na nasa harap niya. Agad ko siyang tinapik, "Mike? Kumain ka na, kanina ka pa tulala," malumanay kong sabi sa kanya.
Tumango lang siya at binaling ang pansin sa pagkain. Napansin ko namang palihim akong sinisilip ni Cole, pero binalewala ko na lang.
"AY! KALABAW!" bigla kong sigaw nang may dumampi sa hita ko mula sa ilalim ng mesa.
Napatigil si Cole, bahagyang umubo at natawa, na agad naman napansin ni Mike.
Isang matalim na tingin ang ibinigay ko kay Cole, inis na inis.
"Ano ba, Cole! Nasa harap mo si Mike tapos gagawa ka ng kalokohan," sabi ko sa isip ko, pinipigilan ang sarili.
Nabaling ang atensyon ko nang marinig ang malakas na busina mula sa labas.
"IM HOME!" sigaw ng isang lalaki mula sa pinto. Agad naman siyang sinalubong ng mga kapatid niyang sina Mike at Cole.
"Buti naman nakauwi ka," sabi ni Mike sabay yakap sa kapatid.
Siya si Jhonas Rey Lim, ang pangatlo sa magkakapatid. Pogi rin at may asawa, pero wala siya ngayon.
Pagpasok ni Jhonas, ipinakilala ako ni Mike sa kanya. "Jho, si Aiah, fiancé ko. Aiah, si Jhonas, kapatid ko," pagpapakilala ni Mike.
"Kumain ka na ba? Saluhan mo kami," sabi ni Mike, sabay akbay kay Jhonas papunta sa lamesa.
"Sakto, kuya, gutom na ako," sabi ni Jhonas, nakangiti.
Masaya ang kwentuhan nila, tawanan habang kumakain.
Nauna na akong umakyat sa kwarto dahil medyo nahihilo ako.
"Mike, aakyat na muna ako ha? Nahihilo ako," mahina kong sabi, ramdam ang panghihina.
"Oh, sige, magpahinga ka muna. Susunod ako," sabi ni Mike at hinalikan ako sa labi bago ako tuluyang umakyat.
--Habang nasa terasa kami, masaya kaming nag-uusap habang may kaunting inuman. Napansin ko ang lalim ng iniisip ni Cole.
Tinapik ko siya sa braso, "Hoy! Ayos ka lang? Kanina ka pa tahimik at malalim ang iniisip. Nag-away ba kayo ni Maloi?" tanong ko.
"Uhmm... wala naman, ayos lang ako, Mike. May iniisip lang tungkol sa office," sagot niya, sabay ngiti, pero halata ang bigat ng kanyang iniisip.
"So, Jhonas, nasaan ang asawa mo? Last time na tumawag ka kay Mike, sabi mo umuwi na siya dito sa Pilipinas," tanong ni Cole, may halong pagtataka.
"Oo kuya, umuwi siya kasi-" Hindi pa natatapos si Jhonas nang biglang sumingit si Cole.
"Let me guess! Nahuli ka bang may babaeng nakapatong sa mukha mo?" biro ni Cole, at nagtawanan kaming lahat.
"Well! Well! Well! Dahil isa tayong Lim, siguro nga, kuya," pabirong sabi ni Jhonas.
Binatukan ko si Jhonas, "Loko ka, ako lang yata ang loyal sa pamilyang 'to," sabi ko, tumatawa.
"Wow! Coming from you, Mike?!" sabi ni Cole, nanlalaki ang mga mata.
"Teka, kuya Cole, nasaan si ate Maloi?" tanong ni Jhonas.
"Oo nga! Bakit hindi lumalabas ng kwarto si Maloi?" dagdag ko.
"Ah, nagpapahinga lang. Masama ang pakiramdam," sagot ni Cole, medyo nauutal. "Nahihilo daw siya," dagdag pa niya.
"Ohhh! Baka buntis na si ate Maloi, kuya! Mukhang magkakapamangkin na ako!" biro ni Jhonas, nakangiti at tila nanghuhuli ng reaksyon.
Matapos ang ilang oras ng kwentuhan at tawanan naming magkapatid, nagpaalam si Cole na kukuha pa ng alak sa baba.
"Sige kuya, laklakan pa!" sabi ni Jhonas, natatawa.
"Oi, isang bote na lang, tama na rin," sabi ko bago nagtungo si Cole para kumuha ng alak.
---
COLE POV
Habang nakatalikod siya at may ginagawa sa kusina, sinigurado ko munang walang tao bago ko siya niyakap mula sa likod.
"Cole! Nasisiraan ka na ba?!" sabi ni Aiah, sabay kalas sa yakap ko sa kanyang bewang.
"Namiss lang kita, Aiah. Hindi mo ba ako namimiss?" tanong ko habang tinititigan ko siya.
Papalayo na sana siya, pero hinalikan ko ang mga labi niya. "Cole! Ano ba!" sabi niya, sabay tulak sa akin palayo.
"Bakit, hindi mo ba nagustuhan ang mga halik ko, ha? Aiah?" sabi ko, unti-unting lumalapit muli.
"Cole, tigilan mo na! Baka may makakita sa atin... o makita tayo ni Mike," sabi niya, nag-aalala, palinga-linga ang mata sa paligid.
Hinatak ko siyang muli, niyakap sa bewang, sabay halik. Pumuwesto ang mga braso niya sa leeg ko at nagpaubaya na sa mga halik ko.
---
Haha, gusto mo mainis kay Aiah?