Ang Araw ng Kasal
---------------------------------------Sa isang mapulang silid, isang babae ang tahimik na humihikbi, yakap-yakap ang sarili.
"Magbihis ka at mag-ayos," malamig na boses ng lalaki, malalim at puno ng utos.
Walang nagawa ang dalaga kundi tumango at sumunod.
-----------------------------------
Simbahan
MIKE POVAng lahat ay naroon na. Masayang binabati ako ng pamilya ko.
"Anak, ito na ang pinakahihintay mo—ang mapasayo ng lubusan si Aiah," sabi ni Daddy, may ngiti sa labi.
Dumalo rin ang iba't ibang investors ng kumpanya upang saksihan ang pag-iisang dibdib namin ng mahal kong si Aiah. Napansin kong wala pa sina Cole at Maloi, kaya agad kong tinanong si Daddy, "Dad, asan si Kuya Cole?"
"Ah, oo nga pala. Malalate daw sila ng kaunti, pero darating sila bago magsimula—" hindi pa natatapos si Daddy nang makita kong pumasok na sila Cole at Maloi.
"Ayan na sila! Pero bakit parang stress ang asawa ng Kuya mo? Buntis ba siya?" tanong ni Daddy, na siya ring napansin ko—mukhang namamayat at iba ang anyo ni Maloi.
"Congratulations, Mike," bati ni Cole, kasunod si Maloi na nakayukong bumati rin ng "Congrats, Mike."
"Hija, ayos ka lang ba? May sakit ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Daddy kay Maloi.
"A-ah, yes, Dad. Kagagaling lang niya sa sakit kaya medyo matamlay pa," maagap na sagot ni Cole. "Excuse us, uupo na kami," dagdag niya bago sila umalis.
Nagsimula nang tumunog ang kampana, senyales na nandito na ang bride ko.
"Hoi, Kuya! Ayieeh! Ayan na si Ate Aiah," kinikilig na sabi ni Jhonas.
"Magtigil ka nga, para kang bakla," sabi ko at siniko siya. "Tignan mo, asawa mo oh, umaapoy na naman ang tingin sayo," dagdag ko, dahil halata sa mukha ni Stacey na napipilitan lang itong umattend dahil kay Jhonas.
---
AIAH POV
This is it. Araw na ng kasal ko kay Mike.
Nasa gilid ko sina Mommy at Daddy, walang tigil ang ngiti habang naglalakad kami sa gitna ng simbahan. Hindi ako makapaniwalang ikakasal na ako kay Mike. Hindi man garbo ang kasal, mahalaga ito para sa akin—pangarap ko ang ikasal sa simbahan, at si Mike ang tumupad noon. Si Mike din ang gusto kong makasama habang buhay.
Sa kabila ng pagtataksil ko, alam kong may kapalit ito. Balang araw, mauungkat din ang lahat, pero sa mga oras na ito, ang tangi kong iniisip ay ang pinakahihintay kong araw.
Nangibabaw ang kagwapuhan ni Mike sa paningin ko. Iniabot ni Daddy ang kamay ko kay Mike.
"Ingatan at alagaan mo ang anak ko, Mike," sabi ni Daddy.
"Opo, Daddy, Mommy. Iingatan at aalagaan ko po si Aiah, sa hirap man o ginhawa," sagot ni Mike, may kislap ng saya sa mga mata.
Priest: "Saksihan niyo ang pag-iisang dibdib nina Mike Steve Lim III at Mariah Queen Arceta."
"Ms. Mariah Queen Arceta, tinatanggap mo ba si Mike Steve Lim bilang asawa, sa hirap at ginhawa?"
AIAH: "Yes, Father, I do."
"Ikaw naman, Mr. Mike Steve Lim III, tinatanggap mo ba si Mariah Queen Arceta bilang asawa, sa hirap at ginhawa?"
MIKE: "Yes, Father, I do! I do! I do!"
Natawa ang pari sa sunod-sunod na sagot ni Mike.
Priest: "Mr. Lim, you may now kiss the bride."
Isang masarap at puno ng pagmamahal na halik ang ibinigay namin sa isa't isa.
"Mabuhay ang bagong kasal, Mr. & Mrs. Lim!" sigaw ni Jhonas, kasabay ng palakpak ng mga bisita.
---
Reception
MALOI POV
"Oh, saan ka pupunta?" tanong ni Cole.
"Uuwi na ako, Cole. Masakit ang katawan ko, hindi mo ba nakikita ang mga pasa?" sabi ko, halatang naiirita.
"Look, I'm sorry, hon. Hindi ko sinasadyang maging gano'n. Nag-enjoy ka naman, 'di ba?" malambing niyang sabi.
"Cole, please. Gusto ko na magpahinga. Magpapahatid na lang ako sa driver," sagot ko, naiinis na.
Bigla niyang hinatak ang braso ko. "Sabi ko, walang uuwi. Pupunta pa tayo sa venue nina Mike at Aiah," bulong niya, halatang galit.
"Oo na, bitiwan mo ako. Masakit na," sabi ko, at agad naman niyang binitawan nang makita niyang papalapit si Daddy.
"Mga anak, sabay na kayo sa akin papunta sa reception," masayang yaya ni Daddy.
Agad nagbago ang awra ni Cole, bumait at dahan-dahan akong inalalayan papunta sa sasakyan. "Ganyan dapat—gentleman ang anak ko sa asawa," puri ni Daddy kay Cole.
Kung alam niyo lang kung gaano ka hayop ang anak niyo, Tito.
Tumingin ako kay Cole, at ngumiti naman siya sa akin.
---Patayi ko talaga c aiah dito sa last 😁