Part 14🔞

1.4K 21 0
                                    


---------------

Sa kabila ng mainit na pagmamahalan nina Mike at Aiah, dalawang bahagi ng kanilang mundo ay binabalot ng dilim at masalimoot na kaganapan.

--------------------------------

Madilim at Mapulang silid.

"Hubad!" sigaw ng lalaki habang kinaladkad ang babae sa kama.

"Please... tama na. Maawa ka, buntis ako," umiiyak na pakiusap ng babae, nagmamakaawa.

Isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanya, kasunod ng paghablot ng lalaki sa kanyang buhok. "At sino ang ama ng dinadala mo? Ang kapatid ko?!" bulong ng lalaki, galit na galit, nanlilisik ang mga mata.

"Ikaw! Ikaw ang ama ng batang ito!" sigaw ng babae, halos mawalan na ng lakas habang patuloy sa pag-iyak.

Walang awa siyang hiniga ng lalaki sa kama, at doon nagsimula ang panghahalay.

Sumisigaw ng saklolo ang babae, umiiyak, nagpupumiglas, ngunit wala siyang magawa laban sa lakas ng lalaki.

-------------------------------

Umaga

- Mike's POV

"Good morning, asawa ko," sabi ko, sabay yakap nang mahigpit.

"Wow, ang sarap sa pandinig na tawaging asawa mo, Mr. Lim," sagot niya na may matamis na ngiti.

Hinalikan ko siya sa noo, at ilang minuto pa’y nagpasya kaming bumaba para mag-almusal.

------

Sabay kaming lumabas ni Aiah at bumaba sa sala.

"Dad, uuwi na po kayo?" tanong ko habang nag-iimpake si Daddy ng kanyang gamit.

"Oo, anak. Maraming kailangang asikasuhin sa opisina. May meeting pa ako sa Macau mamayang 1 PM," sagot ni Daddy, sunod-sunod ang kanyang sinasabi.

"Kuya, kami rin ni Stacey. Kailangan na naming bumalik sa States para sa opening ng bagong kumpanya ng pamilya nila," sabi naman ni Jhonas.

Wala na akong magawa kundi sumang-ayon sa plano nila.

"Kuya Cole! Bakit parang pawis na pawis ka?" sigaw ni Jhonas, at nakuha nito ang atensyon namin lahat.

"Nag-jogging lang," malamig na sagot ni Cole.

"Si Maloi, kamusta na?" biglang singit ni Aiah, sabay tingin nang malalim kay Cole.

Pinulupot ko ang aking braso sa bewang ni Aiah. May kakaibang pakiramdam akong nararamdaman kay Cole. Napansin ko rin na nakatitig siya sa kamay kong nakahawak kay Aiah.

Hindi maipinta ang mukha ni Aiah. Mainit ang mga titig nilang dalawa. O baka ako lang ang nagpapraning.

Pinutol ko ang titigan nila, "Ah, oo nga, Cole. Kamusta si Maloi? Okay na ba siya?" tanong ko, at sa wakas ay bumaling siya ng tingin sa akin.

"Medyo okay na siya," sagot ni Cole, sabay ngiti, ngunit may kung anong tagong lihim sa kanyang mga mata.

"Good!" sabi ni Daddy, sabay akbay kay Cole. "Mag-ingat kayo dito, mga pogi kong anak, ha?" dagdag ni Daddy na masaya.

---

Aiah's POV

Habang abala sila sa pakikipag-usap sa kanilang ama, hindi ko maiwasang mapatingin kay Cole. Lalo kong napansin ang sugat sa kanyang braso, parang kalmot.

Iba ang kutob ko sa awra ni Cole. Agad kong binaling ang tingin ko kay Mike, na masayang nagsasalita, dahil lumingon si Cole sa kinaroroonan ko.

Pinatong ko ang mga braso ni Mike sa leeg ko, para maramdaman kong ligtas ako. Sa mga oras na iyon, habang tinititigan ako ni Cole, parang sasabog ang puso ko sa takot.

BILANGGO 🔞 Where stories live. Discover now