Venue
---
Palakpakan at tawanan ang bumabalot sa loob ng venue.
Umakyat ng stage si Jhonas, "Ehermm! Magandang tanghali sa inyong lahat," bati niya sa mga bisita habang hawak ang mikropono.
Nakuha niya ang atensyon ng lahat. "Hello, Kuya Mike! Alam mo, mahal na mahal kita, sobra, kahit ikaw ang paborito ni Dad. Nasayo na kasi ang lahat—pogi ka na, may instant Aiah ka pa! Kuya, best wishes ko sa inyo ni Ate Aiah. Alagaan niyo ang isa't isa at magmahalan kayo ng walang hanggan," sabi ni Jhonas, bahagyang lumuluha.
Agad siyang tumakbo papalapit sa amin at yumakap. "Mabuhay ang bagong kasal!" sigaw ng lalaki sa mikropono si Gian, kasama ang kanyang fiancée na si Sheena, ay sumigaw din.
"Kuya! Pasensya na, hindi kami nakahabol sa simbahan, pero at least nakahabol kami sa reception. Congratulations, Kuya, Ate Aiah," sunod-sunod na sabi ni Gian.
Nginitian namin ni Mike si Gian at Sheena, na nag-abala pa at nagbigay ng regalo.
---
Gabi na at kakaunti na lamang ang natitirang bisita. Tinawag ko ang aking asawa na si Mike, na abala sa pakikipag-usap sa ibang bisita at investors.
"Mike! Love!" tawag ko habang kumakaway.
"Yes, love?" Lumingon siya. "Oh, Tito, Tita, uuwi na po ba kayo? Ipahahatid ko na po kayo," tanong niya nang may pag-aalala.
"Anak, Mike! Mommy at Daddy na ang tawag mo sa amin. Kasal na kayo eh," natatawang sabi ni Mommy.
"Hindi na kami magpapahatid. Diretso na kami sa airport papuntang Macao para sa relaunch event," sabi naman ni Daddy.
Agad naming hinatid sina Mommy at Daddy papuntang sasakyan.
---
Pagbalik namin ni Mike sa loob, napansin ko si Maloi kasama si Cole. Taka ako dahil napakapayat at namumugto ang mga mata ni Maloi, at balot na balot ang sarili sa suot.
"Love?" tawag ko kay Mike, tinapik ko ang balikat niya. Lumingon siya.
"Love, si Cole, si Maloi yung kasama niya, 'di ba?" tanong ko.
"Oo. Halata ngang wala pa siya sa kondisyon, ang laki ng ipinayat niya dahil sa sakit," sagot ni Mike.
Nagtaka ako. "Nagkasakit? Kailan? Paano?" tanong ko sa sarili.
"Di ba, nasa ibang bansa siya? Umuwi lang siya kamakailan," sabi ko kay Mike. Napatingin si Mike sa akin, halatang naguguluhan.
"Hindi ah! Nasa bahay lang siya nagpapahinga. Isang linggo din siyang hindi lumabas kasi baka raw makahawa. Si Cole ang nagdadala ng pagkain sa loob," paliwanag ni Mike.
"Yun ang sabi saki—" hindi ko natapos ang sasabihin dahil lumapit si Cole at nagpaalam.
"Pa’no ba 'yan, uuwi na kami ni Maloi. Medyo pagod na siya, kaya mauna na kami. Aiah, Mike," sabi ni Cole, kasabay ng tapik sa braso ni Mike bago sila umalis.
Si Maloi ay malayo sa amin ni Mike, tila ayaw lumapit. Si Cole lang ang nagpaalam.
Hindi na namin pinansin pa iyon ni Mike. Nagpasya na kaming bumalik sa loob para magpaalam na rin sa ibang bisita.
---
10:00 PM – Mansion
MIKE POV
Gabi na nang makauwi kami ni Aiah.
"Love, babi, maliligo na muna ako bago matulog," sabi ko, sabay halik sa kanyang balikat.