Mansion
---Mike's POV
Agad akong bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay.
"Sir! Sir!" sigaw ng kasambahay, natatarantang lumapit sa akin. "Si Ma'am Aiah po!" dagdag pa niya, halos hindi makapagsalita.
"Ano!? Bakit? Anong nangyari? Nasaan siya?" sunod-sunod kong tanong, halos mawalan na ako ng pasensya.
"Si Sir Cole po kasi-" natigilan siya, halatang takot at hindi makapagsalita.
"Putangina, Manang! Ano!? Sabihin mo nang deretso!" galit kong sigaw, halos sumabog sa galit.
Wala akong ibang iniisip kundi malaman ang totoo. Mahuli ko silang dalawa sa akto!
"Sir Mike, nasa safe room po si Ma'am Aiah!" sagot niya, nanginginig habang kinakagat ang daliri.
"Anong safe room?" gulat kong tanong.
Dali-dali siyang umakyat papunta sa kwarto ni Cole, at sumunod ako.
"Dito, sir!" sabi ni Manang, halos itulak ako papasok.
Pagbukas ng pinto-"AIAH!" "MIKE!" sabay kaming nagtawagan ng pangalan.
Agad siyang yumakap sa akin, sobrang higpit, halos hindi ako makahinga. Nanginginig siya, at halatang takot na takot.
"Ano'ng nangyari? Bakit ka nasa kwarto ni Cole?" tanong ko, tinanggal ko ang pagkakayakap niya para tignan siya ng maayos.
---
Flashback:
Ang ganda ng lugar, pero parang may kakaiba. Creepy. Ang gaganda ng paintings, pero puno ng galit ang mga mukha sa mga ito. Napansin ko ang isang imahe ng babaeng nakaukit sa bato.
Hinawakan ko iyon, pinagmamasdan. Bigla akong nabangga sa isang statue sa gilid, at aksidenteng napindot ang switch sa tabi nito.
Bumukas ang isang pinto sa harap ko. Bumungad sa akin ang isang silid na pula ang ilaw-pareho ng disenyo ng hallway.
Agad akong sumilip sa loob. Hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko-mga lubid, posas, at iba't ibang klaseng laruan na nakasabit sa kama.
"Maloi!" halos mangiyak-ngiyak ako nang makita si Maloi, puno ng pasa, sugat sa braso, at walang saplot.
"Aiah... umalis ka dito, baka maabutan ka ni Cole..." mahina niyang sabi, halos walang lakas.
"Si Cole ang may gawa nito..." bulong ko sa sarili, nanginginig sa galit at takot.
"Tara, itata...-" naputol ang sasabihin ko habang tinatanggal ko ang tali sa kamay niya. Biglang bumukas ang pinto ng silid.
"Aiah, magtago ka!" mahina pero may pwersang bulong ni Maloi.
Agad akong nagtago sa ilalim ng kama, tinakpan ko ang bibig ko ng dalawang kamay, pilit pinipigil ang kaba at takot na baka marinig ako ni Cole.
Takot na takot ako habang nililibang ni Maloi si Cole sa kahit anong paraan na kaya niya.
End of Flashback:
------
"Mike, si Maloi! Nasa safe room. Kailangan natin siyang balikan, Mike!" pagmamakaawa ko habang nagmamadali.
"Dito ka lang, Babi," sabi ko, hinalikan ko siya sa noo. "Yaya, tumawag ka ng pulis ngayon din!" sigaw ko sa kasambahay.
"MIKE! Mag-ingat ka! Mahal na mahal kita," sabi niya, yakap ako ng mahigpit.
Agad akong nagtungo sa safe room na tinutukoy ni Aiah. Pagbukas ko ng pinto, bumulaga sa akin si Cole-may hawak na baril.
Ito na ba yung panaginip ko? Nagkatotoo ang bangungot ko, sabi ko sa sarili.
---
Red room."BULAGA!" sigaw ni Cole, ang mukha'y puno ng kademonyohang ngiti.
"COLE! Ibaba mo ang baril, pakiusap," sabi ko, pinipilit manatiling kalmado habang papalapit siya sa akin, ang baril nakatutok.
"Oww, are you here to save my wife's life?" bulong niya, nakangiti pa rin nang marating ako, ang dulo ng baril halos tumatama na sa sintido ko.
"COLE, KUYA! Please, pag-us-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Bigla kong inagaw ang baril mula sa kamay niya.
Nagpalitan kami ng malalakas na suntok. Nabitiwan ni Cole ang baril, at sinipa ko siya, dahilan para siya'y matumba. Agad akong sumugod at pumatong sa kanya, paulit-ulit kong pinagsasapak ang mukha niya hanggang sa halos mawalan siya ng lakas.
Dinampot ko ang baril malapit sa ulo niya, tumakbo papasok sa silid. Bumungad sa akin si Maloi-wala nang malay, nakagapos pa rin at punit2 ang damit.
"Ano'ng ginawa niya sa'yo?" halos mangiyak-ngiyak kong sabi habang kinakalagan ko ang mga tali sa kamay at paa niya. "Loi, gumising ka!" paulit-ulit kong tinapik ang mukha niya, umaasang magigising siya.
Biglang pumasok si Cole, tumakbo palapit sa isang drawer, akmang kukunin ang nakatagong baril.
Agad akong tumayo at binitiwan si Maloi. "COLE!" sigaw ko, tinutok ko ang baril sa likod niya. Natigil siya sa galaw.
Habang papalapit ako, isang mahinang boses ang pumigil sa akin. "Mike, wag..." Si Maloi, halos walang lakas, pilit na nagsalita mula sa kama. "Mike, wag mong bahiran ng dugo ang mga kamay mo."
Unti-unti siyang tumayo, pero hindi ko namalayan na bumitiw ang atensyon ko kay Cole. Bigla niya akong sinunggaban ng suntok
Naagaw nya ang baril at napaupo ako sa sahig, iniinda ang sakit----BANG! Kasabay ng putok ng baril ang biglang yakap ni Aiah sakin mula sa likud.
Sa ilang segundo, parang nabingi ako. Nang bumalik ako sa realidad, nakita ko ang kamay kung may dugo mula kay Aiah na nakayakap sakin .
"AIAH!AIAH! BABI! NO! stay with me babi!! Pleasee!"
Hinawakan ko siya, pero hindi na ito nagkapagsalita at tuloyan umagos ang dugo mula sa bibig niya."Hayop ka, cole!" Sigaw ko , akmang susunggaban ko siya ng ----BANG ! Dalawang potok ng baril at tumama ito sa dibdib ko, at napaupo ako sa sahig, halos nawalan na ng lakas.
Gumapang ako papunta kay Aiah, na nakahandusay itong wala ng malay.
Dalawang putok ulit ang sumunod, at bumulagta si cole. Bago ako mawalan ng malay niyakap ko si Aiah at ito na ang huli ko nakita bago dumilim ang lahat.
--------------------Kailangan kong gawin to para maiba naman.. 😝