Cristine Acosta
Journal Entry #3Nangawit ang batok ko kakatingala sa estatwa ni Rizal. May sabi-sabi na kapag malapit ka dito, mabibiyayaan ka ng active na utak. Gagana daw kahit papano ang utak mo. Makikipagsabayan sana ako sa mga estudyante na talagang lumalapit sa estatwa kapag petsa de peligro pero sayang yung sunscreen na pinag-iipunan ko kada buwan kung tatapat ako sa kainitan na parte.
Bilang isang mautak na manunulat, sumisilong ako sa dulo ng kalayaan building at bungad ng kasaysayan building para sakto lang yung view ng estatwa. Kung hindi ako mabibiyayan ng idea, it's on Rizal, pero kung totoo ang sinabi niya na kabataan ang pag-asa ng bayan, siguro naman maaawa siya sakin at bibigyan niya ako ng rason para magpatuloy sa pagsusulat.
Kapag nandito ako, nakaready sa bag ko ang notebook at ballpen in case na sumabog lang na parang supernova yung ideas. At kung parang big bang naman, may charge palagi yung laptop sa bag. Ang alam ko banda dito lang yung room nila Brix. Basta Journalism, malapit lang yan dito. Hindi na baleng hindi ko siya nakikita, naka public naman ang Facebook account niya.
Palagi siyang may sharedpost. Isa siya sa mga ninja na palaging may bagong post kahit dapat nasa klase siya. Nagagawa niya pa mag type ng thoughts na madalas kalokohan lang kahit 7AM ng Monday na dapat ay flag ceremony na.
"Parang may matamlay ngayon, ay ako pala."
Kung sharedposts niya ang basehan ko ng pagkagusto ko sa kanya, hindi ako magpapaka Carson para tagalan niya ng ilang taon. Kung hindi niya ako sinagip sa pagkapahiya sa audition sa theater 3 years ago, isa lang siyang hamak na tao sakin ngayon.
Hinihingian ako ni Kuya Matt ng input para sa newspaper kaya tumakas ako sa club room. Kailangan ko ng maayos na draft para sa newspaper at kailangan tapos na bago ilagay sa magazine. Kung hindi kakayanin, baka yung dating tula ko nalang ang ilalagay ko. May dalawang pass nalang ako bago ako i-assess kung dapat pa ba ako sa club o wala na akong karapatan pa tumapak sa apat na sulok ng kwartong naging bahay ko ng dalawang taon.
Nakakahiya kay Kuya Matt. Sa sunod na tambay ko sa may Kalayaan, sana malaya na utak sa pangamba at umaagos na nang ayos lahat ng idea na dapat ay nandon naman talaga.
YOU ARE READING
Ang Mga Sulat ng Dalawang Manunulat
Teen FictionAn Epistolary Simula: OCT 2024 Tapos: