Cristine Acosta
Journal Entry #6Hindi masyado umaayos sakin ang tadhana. Siguro dalawang beses sa isang buwan ang sagad na masasabi kong swerte ako.
Pumasok ako sa club pagkatapos ko magpaalam na uuwi na ako. Yung tingin ni Kuya Matt sa nakangisi kong ekspresyon, parang wala siyang balak sa kahit anong kalokohan na gagawin ko. Kasalanan ko siguro kasi ilang beses ko na siyang na prank na nawawala ko yung libro na hinihiram ko sa kanya. Eksaktong ganitong oras din.
"Ang bango ni Brix Lucero." Hindi nawala ang ngisi ko.
"Yung papel mong panis na, hindi mabango."
Tumikom ang bibig ko. Panis na papel kasi wala pa akong nasusulat na maayos. Hindi manlang ako binigyan ng oras para maging masaya sa amoy ni Brix Lucero.
"Sorry po." Seryosong paumanhin ko. Baka nagmumuka na akong naglalaro sa sobrang tagal kong walang naiisulat pero wala naman kasi talaga akong magagawa.
Doon siya napabaling sakin nang totoo. "Sorry." Paumanhin niya rin bago hilutin ang sentido. Mukang hindi lang ako ang nagpapasakit sa ulo niya.
Ayoko magtanong kung may problema ba kasi hindi ko alam kung may solusyon ba akong maiaambag. Matapos ang ilang segundo, tumayo na siya at nag-unat.
"Diba nadadaan ka sa lungkot? Ang dami mong nasulat last year kasi sabi mo lowest point 'yon ng buhay mo."
Kakapain ko sana ang kwintas ko para suporta pero nakalimutan kong pinalinis ko pala yon sa alahasan. Kinapa ko ang ID ko pero hanggang lace lang umabot ang kamay ko. Wala yung ID. Lagot ako.
"Wala na kami ni Yen."
Lagot nga.
Umangat ang tingin ko sa kanya. "Ano po?"
Dedma ang itsura niya. Nagsuot siya ng jacket at dinampot ang susi sa may lamesa. "Hindi naging sapat ang libro para mahalin ng totoo." Tinapik niya ang balikat ko bago lumampas sakin. "Baka may maisulat ka na." Sambit niya bago lumabas.Napatakip ako ng bibig. Para akong naiiyak na nagpapanic kasi wala akong ID. "Lord naman eh." Naiiyak na bulong ko bago takbuhin ang Kalayaan at tumigil sa bungad ng Kasaysayan building.
Ang dilim. Parang may kakalabit sakin. May sumisigaw sa utak ko na wag ako lilingon kasi may demonyo na naka-abang sakin. Willing ako dalahin sa palasyo niya para takasan ang responsibilidad ko.
Sasama sana ako kaya lang naalala ko yung amoy ni Brix Lucero.
Hindi ako lumingon sa likod. Hindi rin ako umakyat sa building para hanapin ang ID. Tumakbo ako dirediretso hanggang sa maabot ko ang Gate 3 at tuluyang lumabas. This girl ran and never looked back. Literal. Para akong nakikipag habulan kay Satanas at ang armas ko lang ay ang amoy ni Brix Lucero.
Sa jeep, balewala ang may putok na katabi ko. Ang mahalaga mabango si Brix Lucero.
YOU ARE READING
Ang Mga Sulat ng Dalawang Manunulat
Teen FictionAn Epistolary Simula: OCT 2024 Tapos: