11

18 3 0
                                    

Cristine Acosta
Journal Entry #7

May nagbigay ng ID ko sa lost and found. Sinusubukan ko hingin ang logbook para tignan kung sino nagbigay pero bawal daw yon ipakita. Ang hint lang ni Kuya sa lost and found, journalism student daw ang nagbigay.

Ilang oras pagkatapos non, may entry na naglanding sa google form. Galing kay X. Tungkol kay Bella. Inaliw ko nalang ang sarili ko sa tula niya kesa magpaka stress ako sa break up at sa misteryosong nakadampot ng ID ko. What if may ibibigay pala akong reward kung nalaman ko kung sino, diba? Sayang sila.

"Hindi ko man nakuha yung number mo,
Nakuha ko naman yung pangalan mo."

Napatanga ako sa laptop ko. Akala ko ba Bella yung pangalan? All this time, hindi sila magkakilala? Hindi ko gets yung set up nila pero at least may isa na sinusubukan magkalapit sila.

Carson, Patron Saint of Hindi Maka Move-On, please ikaw na gumawa ng move.

Sa sobrang sunod-sunod ng entry ni X, baka mag propose ako ng hashtag para collected lahat ng tula niya. Magandang idea kung papayagan ako ni X at ni Kuya Matt. Siguro sa sunod lalagyan ko ng "ps. Kung ikaw si X, kindly message our page." yung gform.

Parang mas gusto ko nalang subaysabayan yung istorya ni X at Bella kesa kay Brix. Maayos ang daloy ng ideas sa utak ko ngayon. Hindi ako natutuwa sa break up nila Kuya pero parang kailangan ko magpasalamat doon.

Ang pangit pakinggan pero siguro kung may naging magandang bunga yung break up nila, sakin 'yon napunta. 

Ang Mga Sulat ng Dalawang ManunulatWhere stories live. Discover now