Brix Lucero
Scratch NotebookWalang bella ngayon. Dismiss na. Nag overtime pa si Sir pero walang Bella na nakatambay sa baba.
_
Oras ngayon? 9pm. Naka-uwi na ako. Malamang diba.
Dapat locked in ako sa layout na gusto ni Sir magawa namin hanggang bukas ng umaga pero kasi... nakita ko si Bella kanina bago umuwi. Wala siya sa labas kasi nasa loob siya ng building namin. Hindi ko alam kung bakit siya napadpad o baka same block kami tapos hindi ko lang napapansin.
_
Sinubukan kong silipin ang pangalan mo sa ID mo nang lumampas ka sakin
Sa isip ko, hindi ko man makuha number mo kahit pangalan mo manlang sana mapasakin
Ang hirap gawan ng tugma kung paano ka nagmura kanina
"Gago ang bango" lang narinig ko, nahiya na ako lumapit pa kasi
Hindi naman siguro ako ang tinutukoy mo
Pagkatapos ko makipagsiksikan sa byahe at ibuhos ang oras kakasulat ng balitang hindi ko na masikmura, duda akong mabango pa ang dating ko
Kung may dapat magmura, ako yon
Hindi ko akalain na (na ano???)
*** Ayoko na wala na akong oras sa layout basta maganda ka pa kay bella padilla!
YOU ARE READING
Ang Mga Sulat ng Dalawang Manunulat
Teen FictionAn Epistolary Simula: OCT 2024 Tapos: