07

24 2 0
                                    

Cristine Acosta
Journal Entry #4

Tumatanggap ang club namin ng entry mula sa ibang estudyante. Parte ng Malayang Paglalahad Program last last year pa. Freshie pa ako. Dalawang taon nang ako yung pumipili ng top 5 entry na pwede ipasali. Ang dami agad entry, parang naiiyak ako kasi buti pa sila may idea.

May isang tumatak sa utak ko. Tula galing kay X. Anonymous, letter lang nilagay. Tula na naka dedicate kay Bella. Maganda naman, sakto lang sa haba halos 5 stanza ata tapos walang sukat na sinunod. Pang masa kasi malamang lahat ng Bella iisipin na para sa kanila yung tula lalo na kung madalas siyang tambay sa Kasaysayan o Kalayaan.

Ang sarap siguro sa pakiramdam makatanggap ng ganong klaseng tula. Sana may Cristine naman sa sunod, hindi yung panay Bella.

Tambay rin naman ako sa kalayaan ah. 

Ang Mga Sulat ng Dalawang ManunulatWhere stories live. Discover now