12

17 2 0
                                    

Cristine Acosta
Journal Entry #8

Parang isda na kumagat sa pain si X. Nag message nga siya pagkatapos niya mabasa yung note sa google form. Ang confirmation lang na inaantay namin ay yung kaniya. Pumayag na si Kuya Matt as long as hindi dead end ang tapos ng tula niya. Kung hindi magiging sila, edi at least bigyan niya ng ending.

Nag-alok ako ng collaboration at pumayag naman siya. Madali lang siya kausap. Gusto ko nga sana tanungin kung kilala niya si Brix kaya lang binabasa din kasi ni Kuya Matt yung mga messages don. Baka sabihin ginagamit ko lang yung club para sa pansarili kong interest.

Dalawang araw pagkatapos pumayag ni X, nabasa ko ang pinaka napaka sakit sa mata at nakakatawang tula galing sa kanya. Gumawa siya ng tula pagkatapos niya mag FLAMES ng pangalan nila. Halos gumulong ako sa kama kakatawa. Sino ba kasing matinong tao ang gagamit ng FLAMES ngayong college na?

May nag udyok sakin na isulat ang pangalan namin ni Brix sa scratch na itatapon ko na. What if lovers pala kami? What if engaged? Or what if muka akong tanga kapag gumaya pa ako kay X? Wag na nga.

Ang Mga Sulat ng Dalawang ManunulatWhere stories live. Discover now