Cristine Acosta
Journal Entry #1Kung tatanungin ako kung anong purpose nito, ang masasagot ko lang ay magiging isa 'tong koleksyon ng mga mahahalagang nangyayari sa buhay ko na pwede ko balikan kapag nawawalan ako ng idea magsulat. Hindi 'to memorabilya na ibibigay ko sa magiging anak ko. Nakakahiya makita niya ako maging bobo sa buhay.
"Nak, look, ilang buwan na walang nasusulat si Mommy na story mula July hanggang September." O hindi kaya "Nak, third year college na si Mommy wala pa rin siyang boyfriend."
Gusto ko gawing topic sa research kung paanong ang mga Gen-Z ngayon ay may jowa habang ang mga early Gen-Z na katulad ko ay wala. Nabanggit ko na 'to kay Kuya Matt. Ang sagot niya, "Kasi hindi sila nagsstick sa isang tao lang. Nag eexplore sila ng options nila."
Sige sabihin na nating isa 'yan sa factor pero bilang isang manunulat na ang spirit character ay si Carson, nasa tadhana ko na siguro maghintay sa isang taong wala naman akong pag-asa gustuhin din. Ang pagkakaiba lang namin ni Carson, siya kilala ni Dio, ako hindi manlang alam ni Brix Lucero yung pangalan ko.
Isang beses, nakita ko si Brix Lucero sa terminal ng jeep kumakain ng empanada. Sinubukan ko gumilid sa tabi niya habang naghahalikwat ako ng barya sa bag. Inabot niya yung hot sauce sa gilid. Siguro karerefill lang ng magtitinda sa lalagyan kaya isang pisil palang niya simirit yung sauce palabas na kala mo...
Anyway, hindi kami hinahayaan ng tadhana magkatabi. Kung hindi hot sauce, kung anu-anong mga sugod ni satanas ang gumigitna para hindi magdiklap ang kuryente na malapit samin. May spark kasi kami.
Sana makatabi ko si Brix Lucero sa jeep at magabot siya ng 100 na buo na ibabayad ko para may sukli. Yung sukli ang magsisilbing sign para mahawakan ko ang kamay niya kung hindi papalarin sa una.
YOU ARE READING
Ang Mga Sulat ng Dalawang Manunulat
JugendliteraturAn Epistolary Simula: OCT 2024 Tapos: